Mitolohiya: Magwayen by

Si Magwayen ay isang mapagmahal at mapagbigay na ina at siya ay sinasamba dahil dito. Ngunit, kilala rin siya bilang diyosa na walang awa sa pagbigay ng parusa kapag ginalit. May kakayahan siya gumawa ng matitinding ulan, baha, at bagyo. Ang kanyang itsura ay ilinalarawan bilang isang hubad na babae na may hinahawakan na budyong, na minsan may binubuhat na sanggol o may kasamang ibang diyosa ng dagat. Ayon sa ibang interpretasyon, si Magwayen ay rinerepresenta bilang malawak na dagat na dumadaloy kahit sa pinakamalayo na lupain. Kaya nagkaroon ng paniniwala na ang kanyang katubigan ay nakakaabot sa mundong ilalim, at paniniwala na siya'y isang diyosa roon.

Si Magwayen ay may maraming mahiwagang kabibi at may hawak siyang budyong na hinihipan niya ng tatlong beses para ibahin ang anyo at labanan ang mga halimaw sa dagat gaya ni Bakunawa, isang dambuhalang ahas, na humahamon sa kanyang pamamahala sa dagat. May kakayahan siyang gumawa ng malalaking tsunami, alimpuyo, mga baha at malalakas na pag ulan pag siya ay galit. Nang mawalan ng buhay ang anak ni Magwayen, sinundan ni Magwayen ang kaluluwa nito as Sulad dahil sa lungkot na kanyang nadama. Dahil dito, kinuha niya ang tungkulin bilang isang ‘ferrywoman’ ng mga kaluluwa. Dahil siya ay may kapangyarihan na makapunta sa ‘underworld’, siya na ang gumagabay sa mga patay o sa kaluluwa ng mga patay sakay sa kanyang bangka.

Kanlaon - Siya ang lumikha kay Magwayen upang pambalanse sa diyos ng langit na si Kaptan.

Kaptan - Siya ang diyos ng langit, siya ang lumikha sa mga sinuanang tao at sa mundo kasama ni Magwayen. Noong una sila ay kadalasang nagaaway. Ang mahaba at mapait na alitan na ito sa pagitan ng dalawang bathala ay tumagal ng mahabang panahon, hanggang sa isang araw ay pinaglapit nila ang dagat at langit at nagawa at nabuo ang mga isla. Ang mga diyos ng dagat at kalangitan ay tumigil sa kanilang paglalaban, nagsama-sama bilang magkaibigan at sunod ay naging magkasintahan. Pagkatapos nilang ikasal, nagtanim si Kaptan ng buto sa dagat kung saan ito ay tumubo at naging kawayan na tambo. Lumabas sa kawayan si Si Kalak, ang unang lalaki, at si Si Kabay, ang unang babae.

Lidagat - Anak na babae ni Magwayen, kinikilala bilang diyosa ng dagat

Lihangin - Anak na lalaki ni Kaptan, diyos ng hangin

Mga Apo ni Kaptan at Magwayen:

Likalibutan - Lupa ng daigdig

Ladlaw - Araw

Libulan - Buwan

Lisuga - Bituin

Alam niyo ba?
Si Magwayen ay mahinahon, mabait, at maalagain; siya ang tagabigay ng pagkain sa mga mamamayan ng bawat barangay gamit ang mga isda at iba pang mga pagkaing-dagat. Subalit siya rin ay may matapang at marahas na personalidad, kung saan siya'y nakagagawa ng kalakas-lakas na bagyo, tsunami, baha, ipuipo, at iba pa. Dahil sa kanyang dadalawahing personalidad, may ibang mga bisayang pinaniniwalaang siya'y lalaki, subalit marami paring naniniwalang siya ay babae dahil sa kanyang maka-inang personalidad, tulad ng dagat na mapagbigay kung kinakailangan, at tulad din ng ibang mga babae na may biglaang silakbo.