Elections and Media by Rawiyah Abbas

(Ang mga pangalang nabanggit sa story-telling na ito ay gawa-gawa lamang.)

Ms. Dessa (mamamahayag): Haaay, panahon na naman ng pangangampanya. Panahon na naman ng pagpapabango ng mga kandidato.

Mr. Severiano (reporter): Uy hinaan mo ang boses mo at baka tayo’y marinig ng mga nakaupo dyan sa entablado.

Ms. Dessa (mamamahayag): Bakit ko naman hihinaan ang boses ko? Pawang katotohanan lamang ang sinasabi ko. Tuwing nalalapit ang eleksyon tsaka lang natin makikita ang mga iyan na tumutulong sa masa, kapalit ay ang pagboto sa kanila. Hindi sa nilalahat ko ang mga pulitikong iyan pero yung iba hindi naman ginagawa ng maayos ang kanilang mga trabaho. Sayang lang ang boto sa kanila ng mga mamamayan.

Mr. Severiano (reporter): Sabagay, ganyan din naman ang opinyon ko. Mahirap na minsan ang magtiwala sa mga pulitikong iyan. Yung mga lumalabas lang ang pagiging makamasa tuwing nalalapit na ang eleksyon. Kagaya ngayon.

Ms. Dessa (mamamahayag): Andito na rin lamang tayo sa usaping ito ay may ikukwento sana ako sa iyo at kailangan ko ng iyong payo bilang kapwa kong reporter sa industriyang ito.

Mr. Severiano (reporter): Ano iyon?

Ms. Dessa (mamamahayag): May tumawag sa akin, sekretarya o manager ata ni Mayor Bautista, yung nakaupo sa dulo ng entabladong iyan. Sabi niya, gawan ko daw ng write-up. Sa madaling salita, pabanguhin ko daw pangalan. Kapalit ay alam mo na, pera. Alam mo naman sa industriya natin, maliit lang ang kinikita. Nababagabag ang aking isipan, kung tatanggapin ko ba o hindi.

Mr. Severiano (reporter): Ikaw ay tatanungin ko. Bakit mo pinili ang maging isang mamamahayag?

Ms. Dessa (mamamahayag): Noong bata pa lang ako, pangarap ko na ang maging isang tanyag na mamamahayag. Tanyag dahil nakakatulong ako sa pagbibigay impormasyon sa mga kapwa ko mamamayan. Gusto kong maging instrumento upang makatulong, maging bukas ang isipan sa mundong kinagagawalan ko.

Mr. Severiano (reporter): Ang katanyagan bang gusto mong makamit ay para sa katotohanan?

Ms. Dessa (mamamahayag): Oo naman. Iyon din naman ang pinakapundasyon ng industriya natin. Ang magbahagi ng impormasyon na pawang katotohanan sa kapwa natin Pilipino.

Mr. Severiano (reporter): Kung gayon, ano mas matimbang sa iyo? Katotohanan at Hustisya? O Karangyaan at Pagkawala ng Katarungan?

Ms. Dessa (mamamahayag): Tama ka, naiintindihan ko na. Kung aking tatanggapin ang alok na iyon, pinipili ko lang ang pansarili kong interes. Kapalit nun ay maraming Pilipino ang magiging mangmang, dahil sa write-up na maisusulat ko. Marami ang boboto sa pulitikong hindi karapat-dapat sa posisyon.

Mr. Severiano (reporter): Tama, buti at iyong nahinuha. Sa larangan ng media, responsibilidad natin ang mga impormasyong ating ibinabahagi. Tayo ay inaasahang maging totoo sa ating mga binabalita o mga isinusulat. Dapat ay maging maingat, maging kritikal at dapat nating laliman ang pagkalap ng mga totoong impormasyon nang sa gayon, ay may matututunan sa atin ang ibang tao. Makakatulong pa tayo.

Ms. Dessa (mamamahayag): Tama. Maraming salamat sa payo mo, Mr. Severiano. Kahit kailan, hindi ko ipagpapalit ang pagbibigay ng totoong impormasyon sa anumang iaalok sa akin na halaga. Hindi ko na tatanggapin ang alok ni Mayor Bautista.

Mr. Severiano (reporter): Buti naman. Mas mahalaga ang dignidad natin bilang mga tapat na haligi ng media. O sya, magsisimula na pala ang programa. Tayo na’t gawin ang ating mga trabaho.

Ms. Dessa (mamamahayag): Sige.

Mayor Bautista: Magandang araw po sa inyong lahat! Ako po ang inyong iboto sa pagka-bise presidente dahil ako po ay isang maka-masa at aking papakinggan ang mga hinaing ninyo bilang isang kapwa nyo Pilipino. Asahan nyo po akong magiging tapat na maglilingkod sa inyo. *Masigabong palakpakan ng madla*