Wikang Buhay: Gabay sa Aking Pagkatao by Allexis Estanislao

Unang Hakbang sa Mundo ng Filipino
Laking paga-alala ng aking mga magulang noong ako’y bata pa lamang, sapagkat ako’y tahimik at mahiyain. Madalas silang nababahala tuwing ako’y hindi nagsasalita at tila nahihirapan sa pakikisalamuha sa iba. Ngunit habang lumilipas ang panahon, natutunan kong gayahin at isabuhay ang mga salitang Filipino na aking naririnig mula sa aking pamilya at mga nakapaligid. Ang bawat pantig at salita ay naging tulay upang mas maunawaan ko ang mundo, makibahagi sa mga simpleng pag-uusap, at maipahayag ang aking damdamin. Dahil dito, nahulog ang aking puso sa mga pelikula, kwento, at babasahin na Filipino, at unti-unti kong natutunan na ang wikang Filipino ay higit pa sa salita, ito ay diwa ng ating pagkatao at kultura.

Wikang Gabay sa Pag-aaral at Pagkilala sa Bayan
Sa pag-aaral, higit kong naunawaan ang kahalagahan ng wikang Filipino bilang kasangkapan ng katalinuhan, damdamin, at pananaw. Sa bawat proyekto, talakayan, at aktibidad sa paaralan, natututo akong ilahad ang aking opinyon at ipahayag ang aking saloobin sa mga usaping panlipunan at politikal. Sa paggamit ng wikang Filipino, naipapakita natin ang halaga ng pagkakakilanlan at ang pagpaparangal sa sakripisyo ng ating mga bayani. Sa tuwing dumarating ang Buwan ng Wika, muling naaalala ng bawat isa ang kahalagahan ng pag-aaral ng sariling wika at kung paano ito nagiging gabay sa ating pang-araw-araw na buhay. Sa ganitong paraan, nagiging malinaw sa akin na ang wikang Filipino ay hindi lamang kasangkapan ng komunikasyon kundi tulay na nag-uugnay sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Sa pag-aaral ng wika, naipapahayag din natin ang mga isyung pang-sosyal at politikal upang maitama at magamit ang ating boses at kaalaman para sa bayan. Sa paggamit nito sa mga proyekto at aktibidad sa paaralan, nabibigyan natin ng halaga ang paghihirap ng mga bayani at naipapakita kung paano natin pinapangalagaan ang ating pagkakakilanlan.

Pakikipag-ugnayan sa ibang Kapwa
Patuloy kong pinapahalagahan at ginagamit ang wikang Filipino sa halos lahat ng bagay sa aking araw-araw. Sa bawat sanaysay na sinusulat ko o simpleng pakikipag-usap sa mga kaibigan at guro, ramdam ko ang tibay at init ng wikang bumubuo sa aking pagkatao. Parang bawat pantig ay may sariling buhay, may kwento at damdamin, at may kakayahang bumuo ng tulay sa pagitan ng aking mundo at ng mundo ng iba. Dito ko natutunan na puwede kong ipahayag ang saya, lungkot, galit, o kahit kakaibang kalituhan sa paraang naiintindihan ng puso, hindi lang ng isip. Minsan nga, nakakatawa isipin na sa simpleng biro, kantiyawan, o mga kwelang pangyayari kasama ang mga kaibigan, mas naiintindihan at mas nakakatawa sa akin kapag sa Filipino ko ito sinasabi kaysa sa Ingles. Parang nagiging mas malapit at mas “masarap” sa pandinig, at kahit paulit-ulit, nananatili itong nakakatawa at madaling tandaan sa aking alaala.

Ang Mahika ng Salita at Koneksyon sa Kapwa
Hindi lang simpleng paraan ng pakikipag-usap ang wikang Filipino para sa akin; ito ang kasama ko sa bawat sandali, parang matalik na kaibigan na palaging nandiyan para gabayan ako. Sa bawat salita at pangungusap, natututo akong maging maingat at mapanuri sa sinasabi ko, at higit sa lahat, natututo rin akong magmahal sa sarili, sa mga tao sa paligid ko, at sa bansang aking tinatahanan. Sa wikang ito, bumubuo ako ng tulay na nag-uugnay sa nakaraan ng aking mga ninuno, sa mga karanasan ko ngayon, at sa mga pangarap ko para sa hinaharap. Ang wikang Filipino ay parang liwanag na naglilinaw ng direksyon sa aking buhay, at sa bawat pagkakataong ginagamit ko ito, hindi lang ang aking boses ang lumalakas kundi pati ang boses ng ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang Pilipino. At oo, sa bawat biro at kwelang “hugot” sa kaibigan, ramdam ko ang kakaibang hiwaga ng wikang Filipino, isang mahika na hindi lang nagpapatawa kundi nagbubuklod sa amin sa pinakamalapit at pinakatunay na paraan.