Renaissance Virtual Museum by Sur Madulid

Madonna and Child
Ito ang tinatawag na sikat na painting na Madonna and the Child. Ito ay ginawa ni Rhaphael noong 1505, iang Italyanong pintor. Gawa ito sa kahoy na may ginto at tempera na mayu sukat na 11 x 8 1/4 in. (27.9 x 21 cm); 9 3/8 x 6 1/2 in. (23.8 x 16.5 cm). Ang likhang sining na ito ay nagpapakita ng pagmamahal ni Maria kay Hesus bilang kanyang ina. Nais nitong ipakita na ang pagmamahal ng isang ina ay isang katangi-tanging katangian na dapat tularan ng mga kababaihan sa buong mundo. Ipinapakita nito ang isang malusog na sanggol na panatag sa bisig ng kanyang ina.

Ang likhang sining na ito ay mahalaga na isama sa proyektong ito sapagkat bawat tao ay makakabahagi sa pakiramdam ng pagkakaroon ng ina na nagaaruga sa kanya hindi lamang ng mga Katoliko.

Sa ating kasalukuyang panahon, bagama't mas malaya na ang mga anak sa kanilang mga magulang, importante parin ang pagmamahal ng ina sa pagkatao ng bawat isa. Dito tayo nagmumula at unang nkaramdam ng pag-aalagang walang kapalit at walang hanggan.

Atin rin maaalala ang ating pananamplataya dahil sa sining na ito sapagkat alam natin lahat ang kabutihan na taglay ni Maria kay Hesus. Dahil dito, bawat Katoliko ay maaaring humngi ng tulong sa kanya.

The Crucifixion
Ang likhang sining na ito na isa ring painting nilikha ni Fra Angelico (Guido di Pietro), isang Italyanong pintor. Pinangalanan niya itong THE CRUCIFIXION na ginawa noong 1420 - 23.

Ang likhang sining na ito ay nagpapahiwatig unang una ng sakripisyo ni Hesus para sa tao. Ang kawalan ng pagpapahalaga sa sarili para sa kapakanan ng kapwa. Nakikita rin rito ang kasamaan ng mga Romanong sundalo na siyang nagmamarka ng pagpapasakit sa mundo. Narito din sa larawang ito ang sakit na naramdaman ni Maria sa sinapit ng anak na siya lamang nangangahulugan na maging sa hirap, hindi tayo iiwan ng ating magulang.

Malahaga na talakayin ang likhang sining na ito sapagkat sa makabagong panahon, minsan ay nakakalimutan natin na magkaroon ng pagkakapawa-tao. Ito ay magpapaala sa atin ng pagmamahal ng Diyos sa atin kahit na tayo ay makasalanan upang ating pahalagahan ang ating buhay at maging mapagmahal rin sa ibang tao gaya niya. At bilang Katoliko, tayo ay tinuruan na pag-ibig ang siyang makakatulong sa ating pagkasagip.