ANG GILINGANG BATO by Althea Flores

SIMULA
- Ang simula ng teksto kung saan binanggit agad ang gilingang bato isang lumang kagamitan na hindi na matandaan kung kailan ginawa o gaano na katanda na minana ng ina ng pamilya mula sa kanyang ina, si Impo, at mula pa rito ipinasa sa mga anak. Ipinakilala si Ina bilang tagapamahala ng tradisyon ng paggawa ng kakanin, dahil sa kanyang husay na nagmula kay Impo na noong kilala sa buong San Fermin bilang mahusay na magsusuman at tagagawa ng bibingkang sapin‑sapin. Inilahad rin sa kwento na sa kanilang magkakapatid, si Ina lamang ang lumabas na magaling sa pagpuputo, kaya agad siyang naging sentro ng hanapbuhay ng pamilya nang pumanaw ang ama.

Ang palayok, tulad ng "Ang Gilingang Bato," ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng pamilya, sakripisyo ng ina, at pagpapatuloy ng kultura. Higit pa sa kasangkapan sa kusina, ito ang tahimik na puso ng tahanan, na naglalaman ng mga alaala, tradisyon, at pinagsaluhang hirap. Madalas itong pinapatakbo ng ina, sumasalamin sa kanilang walang pag-iimbot na pag-aalaga. Ang palayok ay nagsisilbing sisidlan ng pagkakaisa, kung saan nagtitipon ang pamilya, nagbabahaginan ng kwento, at ipinagdiriwang ang kaligtasan. Ito ay isang buhay na artipakto na nagpapatuloy sa pagkakakilanlan ng sambahayan at nagbubuklod sa pamilya at komunidad sa paglipas ng panahon.

PATAAS NA AKSYON
Ang pagkamatay ng kanilang ama dahil dito nagsimula ang trahedya na kailangan nila tumayo sa sarili nilang paa sa murang edad pa lamang. Dati, may tumutulong sa kanilang ama, pero ngayon, ang ina na lang ang nagsasakripisyo. Naging mas mahirap ang buhay nila, pero natutunan nilang maging matatag at masipag. Sa kabila ng mga pagsubok, hindi sila sumuko.  Ang pagtutulungan at pagmamahalan sa pamilya ang naging lakas nila upang malampasan ang mga paghihirap. Nakita nila kung gaano kamahal ng ina ang pamilya, at naging mahalagang bahagi ito ng kanilang alaala habang sila’y lumalaki at ayon ang pagbebenta ng mga kakanin para may maibenta at may makain ang pamilya.

KASUKDULAN
Ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento ay ang pagkamatay ng ina at ang paghahati-hati ng magkakapatid sa mga bagay na iniwan nito.Sa tagpong ito, makikita ang malalim na lungkot ng pangunahing tauhan habang inaalala ang sakripisyo ng kanilang ina. Lalong masakit at emosyonal ang bahagi kung saan pinili ng bunsong kapatid ang larawan ng magulang sa halip na ang gilingang bato, na para sa pangunahing tauhan ay simbolo ng paghihirap, pag-aaruga, at pagmamahal ng ina. Doon naramdaman ang pagkakaiba ng pananaw ng bawat henerasyon at kung paanong unti-unting nalilimutan ang tunay na kahulugan ng mga alaala ng nakaraan. Ang tagpong ito ay umantig sa damdamin dahil ipinakita rito ang malalim na paggalang sa mga sakripisyo ng magulang at ang kalungkutan ng pagkalimot sa kahalagahan ng tradisyon at pamilya.

KAKALASAN
Sa kwento, unti-unting umasenso ang buhay ng mga anak nang magkaroon sila ng sariling pamilya at hanapbuhay. Isa-isa silang lumayo sa tahanan upang tuparin ang kani-kaniyang pangarap, tanda ng pag-unlad ng kanilang pamumuhay. Samantala, ang kanilang Ina ay nanatiling tahimik at matiisin sa bahay, patuloy na ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang ilaw ng tahanan. Ginamit pa rin niya ang gilingang bato sa araw-araw, kahit pa unti-unti na siyang pinanghihinaan ng katawan.

KAGAMITAN NA INIWAN NI INA
Para sa aking palagay, makatuwiran na walang nagnais na kumuha ng gilingang bato ng kanilang ina dahil ito ay mabigat, luma, at wala na ring praktikal na gamit sa makabagong panahon. Para sa mga anak, ito marahil ay isa na lamang lumang bagay na walang silbi sa kanilang abalang buhay. Gayunpaman, hindi nila nakita ang sentimental na halaga nito bilang simbolo ng sakripisyo at paghihirap ng kanilang ina. Ipinapakita nito kung paanong nawawala ang pagpapahalaga sa mga bagay na may malalim na kahulugan sa nakaraan. Sa halip na ituring na pamana, tiningnan nila ito bilang pasanin.

DOCUMENTARYO
• Kahirapan at pagsusumikap ng pamilyang pilipino

-Ang maikling kwento ay nagpapakita ng matinding kahirapan na kinakaharap ng maraming pamilyang Pilipino. Dahil sa pagpanaw ng kanilang ama, Si Aling Trining na lamang ang nagtaguyod sa kanyang limang anak gamit ang gilingang bato upang gumawa at magtinda ng kakanin.Makikita rito ang pagtitiyaga at sipag ng mga miyembro ng pamilya upang mabuhay at mapag-aral ang bawat isa kahirapan sa pagkakaroon ng pangarap at pagsusumikap para sa magandang kinabukasan, Ngunit masasalamin din ang bigat ng pagsubok na dinaranas ng bawat kasapi ng maralitang pamilya.

• Nag-iisang magulang at Sakripisyo ng isang Ina

- Tumatalima rin ang kwento sa isyu ng nag-iisang magulang.Pagkamatay ng ama, ang aktwal na “pigura na ama” ni Aling Tining, siya ay nagsilbing ilaw at hingi ng tahanan siya ang naghanapbuhay, nag-aruga, at naging lakas ng pamilya. Umaasa ang mga anak, sakripisyo ng ina ang kanyang mga anak, sa ina hindi lamang sa pinansyal kundi pati pati na rin sa emosyonal na aspeto ng kanilang buhay. Para sa kanyang mga anak, isinakripisyo ng ina ang kanyang kalusugan at pagkasaya. Dito makikita ang pagiging matatag ng isang nag-iisang magulang sa kabila ng diskriminasyon at walang social support mula sa lipunan.

Tatlong Mahahalagang Tanong:

Paano ipinapalita ng dokumentaryo at ng kwento ang kahirapan at pagsusumikap ng isang pamilyang Pilipino upang maitawid ang araw-araw na buhay?

Ano ang mga pangunahing sakripisyo na ginagawa ng mga ina sa kwento at dokumentaryo para sa kanilang mga anak?

Sa iyong palagay, paano nagkakaiba o nagkakapareho ang sitwasyon ng mga pamilyang Pilipino noong panahon ng kwento at sa kasalukuyan base sa dokumentaryo?

• Nanay

- Si nanay ang sentro ng kwentong ito. Inilarawan dito ang kanyang kagandahang-loob at katatagan. Sa maagang pagpanaw ng kanyang asawa, siya ang pagtitiyaga at buong tapang na nagtataguyod sa kanyang mga anak. Isa rin siyang mapagbigay na ina; madalas, siya ang takbuhan tuwing may pinansyal na problema.

• Bunso

-  Si bunso, na siya ring nagkukuwento, ay isang mapagbigay na anak. Kahit siya mismo ay gipit, hindi siya humihingi ng tulong sa ina. Kahit malayo ang kanyang tirahan, nananatili pa rin siyang malapit sa puso ng kanyang nanay.