Kabanata 25-39 (Heroes) by

Gawaing Pang-Asychronous: Marso 10, 2021
Bilang mag-aaral na nakatatamasa ng maayos na edukasyon, ano ang iyong napagtanto sa bidyong napanood? Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa isang talata na may lima o higit pang pangungusap. (Isang sagot na para sa lahat ng tanong). Huwag kalimutang lagyan ng pangalan.

a. Paano nagkakaiba ang iyong nararanasan sa mga batang napanood sa bidyo?
b. Sa anong paraan mo magagamit sa kabutihan ang edukasyong mayroon ka ngayon?
c. Matapos mapanood ang bidyo, ano ang iyong labis na pahahalagahan ngayon pagdating sa iyong pag-aaral?

Labis na nagkakaiba ang aking nararanasan at ang mga bata sa San Guillermo Isabela. Nagkaroon ako ng oportunidad na makapag-aral sa isang magandang edukasyon at paaralan ngunit sila ay kahit sa pagpasok, hindi nila kayang gawin dahil sa kahirapan ng buhay. Malayo ang kanilang tinatahak para lamang makapasok. Lumulusong sila sa ilog dala ang kanilang backpack at sisiguraduhing hindi ito mababasa. Lalakarin nila ang maputik na kabundukan na kahit ang kanilang tsinelas ay bumigay na. Nang humantong na sila sa paaralan, ang guro ang naglilinis ng kanilang kuko at minsan pa nga ay ginagamot pa ang mga sugat na kanilang nakuha sa paglalakbay para lang makapunta sa paaralan. Dito pa lamang ay makikita natin na nagsisikap at nagpupursigi silang makapasok kahit sila ay nasa lubhang sitwasyon ngunit ang ibang kabataan katulad ko ay may maayos na transportasyon papunta sa paaralan. Saludo ako sa mga guro na hinihikayat ang mga bata na makapag-aral at naglilingkod para sa ikakaginhawa ng kanilang buhay. Ipinakita sa bidyo na higit isang milyong mga bata ang tumitigil sa pag-aaral sa kadahilanan na walang sapat na pera para sa tuition at makatulong sa trabaho ng kanilang mga magulang. Masasabi ko na ako at ang mga kabataan nakakapag-aral ng maayos ay napakaswerte at mapalad dahil nararanasan natin ang kaginhawaan ng buhay subalit ang iba satin ay hind makita ang halaga ng edukasyon at sinasayang lamang itong pagkakataon at ang pera na para sa pagpa-tuition na sana ay makakapag-aral na ng mga bata sa San Guillermo Isabela. Sa edukasyon na mayroon ako ngayon, gagamitin ko ito sa ikabubuti ko at ng ibang tao. Sa paraan ng pag-aaral ng mabuti at pagsisikap na makapagtapos ako ay magagamit ko ang edukasyon sa mabuti. Nagpapasalamat ako sa biyayang aking natatanggap katulad ng nasusubayan ang aking pangangailan bilang isang kabataan, kabilang dito ang edukasyon. Pangarap kong magkaroon ng trabaho sa kinabukasan na may kinalaman sa pagtutulong sa kapwa katulad ng doktor. Nais kong maglingkod sa tao katulad ng guro sa bidyo. Pagkatapos kong panoorin ang bidyong ito, napagtanto ko na dapat kong pahalagahan ang lahat ng mayroon ako ngayon kabilang ang edukasyon dahil ito ang magbibigay daan sa aking kinabukasan. Hindi ko dapat sayangin ang bawat centimos ng aking tuition para sa pag-aaral. Bilang mga mamamayang Filipino, kailangan nating bigyan ng halaga at pansin ang ating mga kapwa na nasa mahirap na sitwasyon katulad ng mga bata sa San Guillermo Isabela. Kailangan natin ito ihatid sa pamahalaan para makapag-alay sila ng tulong sa mga nahihirapang pumasok sa paaralan katulad ng pagpapatayo ng tulay para mabilis ang kanilang paglakbay patungo sa paaralan. Lahat tayong mga estudyante na nabigyan ng oportunidad na makapag-aral, sa dami ng nangangarap na magkaroon nito, huwag natin itong balewalain at gamitin ito sa tama. Respetuhin at pasalamatan natin ang ating mga magulang dahil nagsasakripisyo sila para tayo ay maka pag-aral at sa mga guro dahil sila rin ay nagtiyatiyagang makapagturo sa atin. - Rianne Dawn C. Santiago