Mga Tanawing Dagat sa Ilocos Norte by Neemoei Shay Fiesta

Sa pagtapak ng aking mga paa sa lupa, isang malakas na hangin ang patuluyang humihihip na may dalang buhangin na nagpapahapdi ng balat at nagpapasakit ng mata ang bumungad sa akin. Bangui Windmills ang una naming pinuntahan na kung saan makikita rito ang mga mahihiganteng turbina na may 70 metro ang taas. Hindi kinakailangan magbayad para makapasok at makita ang magandang lugar na ito kaya naman kahit camera lamang ang dalhin para makunan ang kagandahan dito. Kahit na malakas ang hangin noon na parang lilipad nalang lahat ng mga gamit namin, marami pa ring pumapasyal dito at tingnan ang mga mahihiganteng turbina. Ilang beses man mahampas ng buhok ko ang aking mukha dahil sa lakas ng hangin, kung magandang tanawin naman ang makikita, ayos lang. Maganda ang lugar na ito kaya naman kahit malakas ang hangin o maingay ang mga turbina, may nasisiyahan pa rin na pumunta at pasyalan ang lugar na ito.

Sa tulay na may 1.3 kilometro ang haba, kahanga-hangang tanawin ang iyong mapupuna na nakakagaan sa pakiramdam, Patapat Viaduct ang ikalawang lugar na aming pinuntahan. Sa pagpunta namin dito, hindi na nakakagulat na maraming tao ang humihinto at pagmasdan ang magandang tanawin. Nakita ko ang kanilang mga mukha na may suot na magagandang mga ngiti dahil lamang sa kung nasaan sila at ang mga nakikita nila roon. Noong bata pa ako, hindi ako mahilig sa mga lugar na ganito kaya naman binalewala ko lamang noon ang kagandahan nito. Ngunit ngayon ay pinagmasdan ko nang mabuti ang paligid at napangiti ako dahil sa mga nakita ko. Nakakarelax tingnan ang mga alon at damhin ang malamig na hangin sa tulay. Ang lugar na parang wala lang sa akin noon ay nagagandahan na ako ngayon at natutuwa sa aking nakita.

Katabi lamang ng Patapat Viaduct ang Agua Grande kaya naman naisipan namin itong puntahan at kumain ng tanghalian. Makikita rito ang umaagos na tubig galing kabundukan patungo sa mga malalaking bato at papuntang dagat, tahimik kung pakinggan, ngunit payapa ang aking nadarama. Sa pagmasid ko sa lugar, napahanga ako sa mga bundok, mga kahoy, pag-agos ng tubig sa mga malalaking bato patungo sa dagat. Ngayon ko lang naisip na ang ganda pala ng mga lugar na kung saan makikita ang kalikasan. Parang mas sumarap ang ulam na kinain ko dahil sa kagandahan ng lugar. Sa itaas na bahagi lamang makikita ang mga ito at sa ibabang bahagi ay makikita ang dagat na malakas ang alon. Malakas man ang alon, ay napapagaan pa rin ito ng pakiramdam ko. Napansin ko na ang ganda palang pagmasdan ang dagat at pakinggan ang mga alon na pabalik-balik.

Napagpasyahan namin na sa Saud Beach ay huling destinasyon na aming pupuntahan. Ang maputing buhangin, malinis na tubig, at magandang baybayin ay nakakaakit na pagmasdan. Pagkatapos ng tanghalian ang oras ng punta namin dito kaya naman sobrang init ang lugar nang nakarating kami. Kahit na mainit ang panahon ay marami pa ring pumunta at nagpakasaya sa dagat. Makikita sa kanilang mga mukha ang kasiyahan na kanilang nadarama. Mula sa Bangui Windmills na una naming pinuntahan hanggang sa Saud Beach na huli naming pinuntahan, magkakaiba ang mga lugar pero pare-parehong may ngiti sa mga mukha ng bawat tao. Napakaganda nga naman ang mga lugar sa Ilocos Norte. Napagtanto ko na kahit na sa mga maliliit na bagay o mga magagandang tanawin ay napapasaya na ito ng lubos ang mga tao, mapayapang tanawin man yan, malinaw na tubig ng dagat, maputing buhangin, atbp. May mga tao pa rin pala ang pinapahalagahan ang ating kapaligiran at nasisiyahan sila rito. Para sa akin, matuto tayong magpahalaga ng mga bagay-bagay sa buhay. Malay natin na ang mga binabalewala lang natin noon ay isa rin pala sa mga makakapag-pasaya sa atin ngayon.