GROUP 3: SONG ANALYSIS by Chairann

"ANAK"
Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ano ang ugat ng problema ng Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

RUBRICS:

EVANGELISTA SOPHIA
1. Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

-Sa kanta ni Freddie Aguilar na "Anak," ang family issue na nabanggit ay ang pagkakaroon ng isang anak na nagdurusa at naliligaw ng landas dahil sa mga pagkakamali at kahirapan sa buhay. Ipinapakita ng kanta ang pag-aalala ng magulang para sa kanilang anak, ang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan para sa kanila, at ang sakripisyo ng magulang para sa kapakanan ng kanilang mga anak

2. Ano ang ugat ng problema ng Family Issue na nabanggit sa kanta?

-Sa kanta ni Freddie Aguilar na "Anak," ang ugat ng problema ng family issue na nabanggit ay ang mga suliranin sa buhay ng anak na nagiging sanhi ng pagdurusa at pagkakamali niya. Ilan sa mga posibleng ugat ng problema ay maaaring ang kahirapan, kakulangan sa pagmamahal at gabay ng magulang, o ang mga pagsubok sa buhay na nagtutulak sa anak na magpasya ng mga bagay na maaaring magdulot ng pagkakamali at pagsisisi sa huli.

3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

-Naramdaman ko ang pagiging makabuluhan ng mensahe nito, na naglalahad ng pagmamahal ng isang magulang sa kanilang anak, pati na rin ang pagkakaroon ng mga pagsubok at pagkakamali sa buhay. Ang kanta ay nagpapaalala sa atin na ang pamilya ay mahalaga at ang pagmamahal ng mga magulang ay hindi nagbabago kahit anuman ang mangyari sa buhay ng kanilang mga anak.

4. Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

-Ang mensahe ng kanta "Anak" ni Freddie Aguilar ay tumutok sa mga desisyon ng kabataan at ang mga epekto nito sa kanilang buhay at sa kanilang mga magulang. Sa kanta, ipinapakita ang kwento ng isang anak na nagkamali at nagdurusa dahil sa mga pagkakamali at desisyon na kanyang ginawa.

Ang mga desisyon ng kabataan, ayon sa kanta, ay may malalim na epekto sa kanilang kinabukasan at sa kanilang pamilya. Ipinapakita nito ang pangangailangan ng gabay at pagmamahal ng mga magulang upang matulungan ang kanilang mga anak sa tamang direksyon.

Sa kabuuan, ang mensahe ng kanta ay nagpapaalala sa mga kabataan na maging maingat sa kanilang mga desisyon at piliin ang mga landas na magdadala sa kanila sa magandang kinabukasan, nang hindi lamang para sa kanilang sarili kundi pati na rin para sa kanilang pamilya.

5. Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

-hinahawakan sa pamamagitan ng mga salita at emosyon na ipinapahayag ng awit.

Una, ipinapakita ng kanta ang nararamdaman ng isang anak na may malalim na pagsisisi sa mga nagawang pagkakamali sa buhay. Tinutukoy nito ang pagkakamaling nagdulot ng pagdurusa at paghihirap, na tila nagiging aral sa kanya upang magbago at magkaroon ng pag-asa sa hinaharap.

Pangalawa, ipinapahayag din ng kanta ang panghihinayang ng isang magulang sa mga pagkukulang at kamalian ng kanilang anak. Ang awit ay nagpapakita ng pagmamahal at pangaral ng magulang na handang magbigay ng pagkakataon sa anak upang ituwid ang kanilang mga pagkakamali.

Sa kabuuan, ang "Anak" ni Freddie Aguilar ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagsisisi at panghihinayang bilang bahagi ng proseso ng paglaki at pagbabago ng isang tao. Ito'y isang paalala na sa kabila ng mga pagkakamali at pagsisisi, laging may pag-asa at pagkakataon para sa pagbabago at pag-unlad

ENCARNACION KELLY NICOLE
Ano ang family issue na nabanggit sa kanta?

Sagot: Ang kantang "Anak"  ay naglalahad ng kwento ng isang anak na lumayo sa tamang landas at napariwara, na nagdulot ng kalungkutan at sakit sa kaniyang mga magulang. Ang pangunahing family issue na nabanggit sa kanta ay ang pagkawala ng respeto at pagmamahal ng anak sa kaniyang mga magulang at ang pagsisisi sa huli.

Ano ang ugat ng problema ng family issue na nabanggit sa kanta?

Sagot: Ang ugat ng problema ay ang hindi pagsunod ng anak sa mga aral at gabay ng kaniyang mga magulang. Dahil sa impluwensya ng barkada at paghahangad ng kalayaan, napunta ang anak sa maling direksyon, na nauwi sa paghihirap at panghihinayang at paglayo ng loob sa magulang.

Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Sagot: Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang sa aking pinakinggang kanta na "Anak" ni Freddie Aguilar. Nakakaantig ito ng damdamin dahil marami sa atin ay nararanasan ang pinapahiwatig  ng kanta na ito na may kinalaman sa pagmamahal ng magulang at ang mga pagkakataong nasasayang dahil sa maling desisyon.

Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Sagot: Ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan ay mag-ingat at pahalagahan ang mga payo at gabay ng mga magulang. Ipinapakita ng kanta na ang bawat desisyon ay may kaakibat na responsibilidad at maaaring magdulot ng hindi kanais-nais na resulta sa hinaharap.

Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Sagot:  Ang tema ng pagsisisi at panghihinayang ay malinaw na inihayag sa kanta. Ang anak, na nagkamali ng landas, ay nagbabalik-tanaw sa kaniyang mga nagawang kasalanan at nararamdaman ang labis na panghihinayang. Ipinapakita ng kanta na ang pagsisisi ay laging nasa huli at ang mga maling desisyon ay may malalim na epekto hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa mga mahal sa buhay.

Curan, Jackylen
Ang kantang ito ay patungkol sa isang anak na nag rebelde at naging suwail sa kanyang mga magulang habang siya ay tumatanda. Nawalan siya ng respeto sa kanyang mga magulang, hindi niya pinapakinggan ang mga payo nito at pinili niyang gumawa ng mga bagay na hindi nakabubuti para sa kanya.

Naimpluwensyahan ng mga kaibigan kaya hindi na nakikinig sa mga payo ng mga magulang. Maaaring don niya nakukuha ang pagmamahal at atensyon na hinahanap niya sa mga magulang niya. Hindi man nagkulang sa gabay ang kanyang mga magulang ngunit mas pinili niya pa rin na mapunta sa maling landas, magbisyo dahil sa impluwensya ng ibang mga tao na malapit sa kanya.

Nakakalungkot isipin na may mga ibang anak pa rin talaga na pinipiling talikuran ang pamilya nila o ipagpalit ito sa masamang bisyo kahit na hindi naman nagkulang ang kanilang mga magulang sa pag gabay at ibinibigay naman ang mga bagay na kailangan at gusto nila.

Wag magpadalos-dalos sa mga desisyon na gagawin dahil ang pinaka maapektuhan sa mga maling desisyon na maaari mong gawin ay ang iyong pamilya. Masakit para sa mga magulang na makita ang mga anak nila na napapariwara.

Nagsisi ang anak sa mga ginawa niya sa dulo ng kanta, pinatawad at tinanggap pa rin siya ng kanyang mga magulang. Sa kantang ito makikita mo na talagang nanghihinayang at nagsisisi ang anak sa mga nagawa niyang mali at kahit na ganon nga sa huli, pamilya niya pa rin ang masasandalan niya.

Manuel, Nicole Mandap
1. Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

Sa kantang pinamagatang Anak na isinulat ni Freddie Aguilar ay mayroong nabanggit na family issues, katulad na lamang na isang anak na gustong umalis sa kanilang poder at tuluyan na ring naligaw ng landas, pagdaan ng mga araw ang batang tinutukoy ay nagkaroon ng mga bisyo na nakita ko sa video kung saan siya ay nag-iinom ng alak o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Isa pang family issues ay ang kawalan ng respeto ng isang bata sa kanyang kasama sa bahay katulad sa kanyang ina at ama, narinig ko sa awitin na gusto ng isang anak na umalis at sinabihan siya ng kanyang magulang ngunit nanaig pa din ang kanyang desisyon na umalis sa kanila at isinawalang bahala ang mga bilin ng kanyang mga magulang.

2. Ano ang ugat ng problema ng

Family Issue na nabanggit sa kanta?

Para sa akin lang ang naging ugat na binanggit kong family issues ay ang pansariling desisyon ng isang bata ngunit alam naman natin na may mga dahilan ang isang tao kung bakit niya ginawa ang isang bagay, maaaring nakita niya ito sa kanyang mga nakakasalamuha katulad ng mga barkada na naging hudyat upang gawin niya ang isang bagay.

3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Nakaramdam ako ng isang pagmamahal ng isang pamilya na kung saan ang mga magulang ay gagawin ang lahat upang mapabuti ang kaniyang mga anak bagamat ako'y nakaramdam din ng kalungkutan na kung saan ang mga sakripisyo at pagmamahal ng mga magulang ay hindi natin nasusuklian, katulad na lamang ng nasa bidyo at awitin nanaig pa din ang pansariling desisyon niya na dadalhin lamang siya sa hindi magandang landas.

4. Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Ang mensahe ng kantang ito ay magkaroon ng pagmamahal sa ating mga magulang, makinig at pakinggan ang pinapayo o sinasabi nila sa atin kung alam naman natin na para sa ikabubuti natin dahil ang inyong mga desisyon ay may minsang kaakabit maaaring maganda o hindi.

5. Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Malinaw na naihayag ang tema na pagsisisi o paghihinayang ng kantang ito, sa kaniyang unang naging desisyon na kung saan ay humiwalay ng landas sa kanyang magulang ay nagtamo sa kanya ng kapakahamakan o nakaranas ng bisyo na unti- onti na ring pumasok sa kanyang isipan na siya'y nagkamali, nagsisisi at balik loob na bumalik sa kanyang pamilya.

Grandia,Janelle
1.Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ang family issue na nabanggit sa kanta ay ang pagkakawalay at hindi pagkakaintindihan ng magulang at anak.

2.Ano ang ugat ng problema ng Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ang ugat ng problema ay ang hindi pagkakaintindihan at paglayo ng loob ng anak sa kanyang mga magulang.                3.Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Ang kanta ay nagdudulot ng malalim na emosyon. Ito ay nakakapanlumo at nakakalungkot dahil ipinapakita nito ang sakit at pagsisisi ng mga magulang at ang hirap na nararanasan ng anak.

4.Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Ang kanta ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng tamang desisyon at pagkilala sa mga sakripisyo ng magulang.     5.Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Hinahawakan ng kanta ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan  ng kwento ng isang anak na nagkamali ng landas at nagdulot ng sakit sa kanyang mga magulang.

Pomarejos, Philip Joe C.
Sa kantang ito, natatalakay ang problemang pampamilya na kung saan ang anak ay naliligaw ng landas gawa ng iba't ibang dahilan. Makikita na dahil dito, nawawalan ng maayos na komunikasyon ang magulang sa kanilang sariling anak.

Ang hindi pagsunod ng anak sa mga bilin at payo ng kaniyang mga magulang. Dahil dito, ang anak ay napariwara sa buhay.

Bilang isang anak, masasabi  ko na nakakalungkot kung iisipin ang sinapit sa kwento ng kantang ito.

Sumunod sa mga payo at gabay ng magulang sapagkat sila ang makatutulong sa ikagaganda ng itong buhay. At bilang isang indibidwal, matutong mag desisyon ng tama.

Sa bawat maling desisyon, nagkakaroon ng pagsisisi at paghihinayang sa huli.

Foronda, Chelsea Mae
1.Sa kantang napakinggan ay nabangit ang family issue na pagrerebelde ng anak sa kanyang mga magulang. Dito makikita na ang anak ay naging suwail at nagkaroon ng mga masasamang bisyo. Makikita rin na family issue ay ang pagkawala ng respeto ng anak sa magulang niya umaabot na sa puntong hindi na pinapakinggan ang mga payo at mga sinasabi ng kaniyang magulanv

2.Ang naging ugat ng family issue sa kanta ay ang sariling desisyon ng anak at ito ay pagnanais ng anak na maging malaya o magawa ang mga nais niyang gawin tama man ito o mali. Maari rin ito ay nagkaroon ng impluwensiya sa mga kaibigan o mga taong nakapaligid sakanya kung saan ay doon niya mas nararanasan ang kalinga siguro na nais niya.

3.Nakaramdam ako ng kalungkutan sa kantang ito sapagkat napakalungkot at masakit isipin na may mga anak na nagagawang suwayin o hindi respetuhin ang kanilang mga magulang. Umaabot pa sa puntong nagagawa na talikuran ang pamilya dahil sa pansariling desisyon niya kahit pa ito ay mali. Makikita na mas pinapangunahan ang anak ng kaniyang emosyon o pansariling nais kaya niya nagagawa ang mga bagay na iyon.

4.Ang nais na iparating ng mensahe sa kanta ay tungkol sa mga desisyon ng mga kapwa kong kabataan na huwag mag padalos-dalos sa mga balak nating gawin o mangyari sapagkat di natin alam ang magiging dulot nito sa pagtagal at  laging humingi ng opinyon sa ating mga magulang dahil kahit may mga oras na hindi tayo pabor sa mga kanilang opinyon ay laging tatandaan na ang hangad ng ating mga magulang ay magkaroon tayo ng magandang kinabukasan

5.Pinapanghawakan ng kanta ang tema ng pagsisisi sa padako sa linya ng kanta na biglang lumuha ang mata ng anak sa parte na ito unti-unting nararamdaman ng anak ang pagsisisi sa mga mali na nagawa niya sa kanyang buhay. Makikita ang sobrang pagsisisi ng anak sa kaniyang nagawa sa kaniyang mga magulang.

Lucille Faith Naval
1. Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

- Sa kantang "Anak" ni Freddie Aguilar, ang pangunahing isyu na tinatalakay ay ang tensyon at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng magulang at anak. Ang kanta ay nagsasalaysay ng isang kwento kung saan ang anak ay nagrebelyon, lumayo sa landas na nais ng magulang, at nagkaroon ng mga maling desisyon sa buhay.

2. Ano ang ugat ng problema ng

Family Issue na nabanggit sa kanta?

- Ang naging ugat ng problema ay ang hindi pagkakaunawaan at kawalan ng komunikasyon. Ang pagkilos ng anak na ito ay nagdulot ng sama ng loob at sakit sa loob ng pamilya. Sa kantang ito, makikita rin ang epekto ng hindi pagsunod ng anak sa mga payo ng magulang, na nagresulta sa mga negatibong karanasan at pagsisisi sa huli.

3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

- Sa bawat pagkarinig ko nito, iba't ibang damdamin ang bumabalot sa aking puso't isipan. Malalim ang aking naramdamang lungkot. Ang kwento ng isang anak na naglayo sa landas na tinakda ng kanyang mga magulang ay nagdudulot ng masidhing kalungkutan. Ang naramdaman ko sa kantang ito ay isang paalala na sa kabila ng lahat ng pagsubok, ang pamilya ay isang matibay na sandigan na handang umunawa at magpatawad.

4. Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

- Ito ay nagpapakita na ang bawat desisyon ay may kaakibat na responsibilidad at epekto, hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa kanilang pamilya. Ang kanta ay nagbibigay ng aral na mahalaga ang pagmamahal, pag-unawa, at pagpapatawad sa loob ng pamilya. Ito ay isang inspirasyon na sa kabila ng mga pagkakamali, may pagkakataon pa rin para sa pagbabago at pag-asa.

5. Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

- Sa kabuuan, ang "Anak" ni Freddie Aguilar ay naglalakip ng tema ng pagsisisi at panghihinayang sa isang emosyonal at makatotohanang paraan. Ito ay naglalarawan ng tunay na karanasan ng maraming tao, at nagsisilbing paalala na ang bawat desisyon ay may epekto, ngunit may pag-asa pa rin para sa pagpapatawad at muling pagsisimula.

ADORNA GENEVA
1. Ang family issue sa kantang "Anak" ay ang kawalan ng pagmamahal at pagmamalasakit ng isang anak sa kanyang mga magulang kaya't nagagawa nya ang mga bagay na nakakadulot ng pag-iisip at matinding suliranin sa kanyang mga magulang.

2. Ang ugat rito ay dahil hindi nakikinig ang anak sa mga magulang nya simula bata pa lamang sya, hindi nya naiisip na mahalaga ang pag-aaral, sya lamang ay nagbisyo na humantong sa sariling kapahamakan.

3. Ako ay naaawa at nagmamalasakit sa kanyang mga magulang dahil bilang isang magulang sa tingin ko ay napaka lungkot kung ang anak mo ay nagre-rebelde at nakikita mong hindi nagiging maganda ang kanyang buhay.

4. Ang mensahe ng kanta ay, dapat makinig sa payo ng magulang, hindi dapat isipin na porket kaya ng lumakad ay kaya nang mabuhay sa mundong mapangahas. Kailangan natin ng sandata, at ito ay ang edukasyon.

5. Dahil sa mga maling desisyon na nagdulot ng pagkabigo, paghihirap at hinagpis, makikita natin na magsisisi ang sino mang tao ang maka experienced nito. Maiisip na sana nakinig sa magulang at nag pokus muna sa pag-aaral.

Baysa, Glydel F.
1.Ito ay kanta ni Freddie Aguilar na “ANAK” na kung ito ay tumutukoy sa anak na napariwara o lumayo sa tamang landas na naging dahilan ng pagkadismaya ng kanyang mga magulang.Ito din ay nagpapakita ng pagrerebelde sa kanyang mga magulang. Sa family issue naman ay ito ay nagpapakita ng pagkawala ng respeto ng anak sa mga magulang at pagmamahal nito dahil sa kanyang mga magulang na dulot ng kahirapan sa buhay.

2. Para saakin ay ito ay ang hindi pagsunod sa kanyang mga magulang ang naging hudyat ng kanilang problema sa kanilang tahanan at isa din sa naging dahilan ay ang pagkakabarkada niya samahan pa ng pagbisyo na dahilan ng pagkasira sa buhay. Sa pagiging magulang ay nakakadismaya dahil ito na lamang ang sinabi o nangyayari sa kanyang anak.

3. Bilang isang tao lamang hindi naman maalis sa atin ang mga tukso o mga masasamang gawain pero sana sa kung paano natin gawin ang isang bagay dapat alam kung saan lamang ang limitasyon at hindi ito magiging dahilan ng pagkasira ng buhay at maging sa ating mga magulang, sa kantang ito ay nakakadismaya at nakakalungkot dahil ito ay nagpapakita na  mag pa hanggang ngayon ay may ganitong pangyayari sa buhay na hindi maiiwasan.

4. Ang mensahe dito ay maging matalino at pagsunod sa magulang lalo na sa landas na ating tatahakin kahit na sa kabila ng kahirapan sa buhay at ating kilalanin ang mga naging sakripisyo ng ating mga magulang sa at palaging respetuhin upang walang pagsisisihan sa bandang huli.

5. Sa bawat maling desisyon at maling landas na tinatahak sa ating buhay na nagdudulot ng pagsisi at panghihinayang na dahilan ng pagkasira ng pamilya.

Basa, Eisen Andrei P.
1. Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ang nabanggit na Family Issue sa kanta na "Anak ay isyu ng hindi pagkakaunawaan at tampuhan sa pagitan ng mga magulang at kanilang anak. Sa kanta din, nasabi doon na nalulong sa masamang bisyo ang anak na naligaw ang landas ng kanyang buhay, posible na siya din ay napabarkada, at nagdulot ng sakit sa ulo ng kanyang mga magulang.

2. Ano ang ugat ng problema ng Family Issue na nabanggit sa kanta?

Ang ugat ng problema sa kanta ay sa pagbabalewala ng anak sa mga pangaral at pagmamahal ng kanyang magulang magulang, na nauwi sa pagkaligaw niya sa tamang landas at pagkadismaya sa kanyang ng kanyang pamilya. Dito rin punapasok ang kawalan ng komunikasyon at kakulangan ng pag-unawa sa pagitan ng anak at magulang na naging pangunahing ugat ng family issue na ito.

3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Ang aking naramdaman sa kanta ay malungkot at masaya dahil ito ay nagpapahiwatig ng malalim na pagmamahal ng magulang sa anak at pagsisisi ng isang anak sa kanyang maling nagawa, at ang ganda ng mensahe ng kanta dahil tungkol din ito sa pagkakasundo at pagpapatawad sa pagitan ng mga magulang at anak. Ang mensahe ng kanta ay nagbibigay-paalala sa kahalagahan ng pamilya at ang sakripisyo ng mga magulang para sa kanilang mga anak.

4. Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Ang mensahe ng kanta na ay hangga't bata ka palang matuto ka na makinig sa mga magulang mo at mahalin siya at wag gumawa ng mga maling desisyon, tulad ng paglayo sa mga pangaral ng magulang at wag sumama sa masamang barkada, dahil maaari ito magdulot maling desisyon na pwede tayo madismaya hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa pamilya. Sinasabi rin ng kanta na ang pagmamahal ng magulang ay nananatili at na may pag-asa pa rin para sa pagbabago at pagtutuwid ng landas.

5. Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Hinahawakan ng kantang ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan ng pagpapakita ng nararamdaman ng anak matapos mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali na nagawa niya sa kanya buhay. Mapapansin din sa huling bahagi ng kanta, sinasabi dito ng anak ang kanyang pagsisisi sa kanyang mga maling desisyon at pagkukulang niya sa kany

ang mga magulang.

Herbie yap shimoji
Sa kantang "Anak" ni Freddie Aguilar, ang pangunahing family issue na nabanggit ay ang alitan at pagkakahiwalay ng magulang at anak dahil sa mga maling desisyon at rebelyon ng anak. Ang mga ito ay karaniwang nagreresulta sa hindi pagkakaunawaan, pighati, at emosyonal na sugat sa loob ng pamilya.

Sa kantang ito ang ugat ng problema ng family issue ay ang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magulang at anak. Sa kanta, ipinakita ang paglayo ng anak mula sa kanyang magulang dahil sa mga desisyon at aksyon na hindi sinasang-ayunan ng magulang. Ang rebelyon ng anak at ang kanyang pagwawalang-bahala sa mga payo ng magulang ay nag reresulta ng sama ng loob.

Ang kantang ito rin ay isang makabagbag-damdaming awit na nagpapakita ng malalim na emosyon. Nararamdaman ko ang lungkot at pagsisisi ng anak, pati na rin ang pagmamahal at sakripisyo ng mga magulang. Ang kantang ito ay nagpapakita rin ng pagkakaiba ng henerasyon, kung saan ang mga magulang ay nagmamahal at nag-aalaga, ngunit hindi palaging nauunawaan ng mga anak hanggang sa sila'y maging mas matanda at mas makaranas ng buhay. Ang emosyonal ng kanta ay nagbibigay inspirasyon at nagpapaalala ng kahalagahan ng pamilya at pagkakaunawaan.

Ang mensahe naman ng kantang "Anak" ay tungkol sa mga desisyon ng kabataan ay bababala tungkol sa mga panganib ng pagiging padalos-dalos at rebelyoso. Ipinapakita nito na ang mga desisyon ng kabataan, lalo na kung ito'y salungat sa payo ng mga magulang, ay maaaring magdulot ng malaking pagsisisi at sakit. Ang kanta ay nagpapahayag ng kahalagahan ng pakikinig at pag-unawa sa mga payo ng mga magulang dahil sila'y may karanasan at ang kanilang mga payo ay karaniwang para sa ikabubuti ng kanilang mga anak. Sa huli, ang kanta ay nagpapakita ng pagmamahal, pagsisisi, at ang pagnanais na maitama ang mga maling nagawa.

Hinahawakan ng kantang "Anak" ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan ng mga lyrics na naglalarawan ng pag-unawa at pagninilay ng anak sa kanyang mga naging pagkakamali. Ang anak, na sa una ay naghimagsik at lumayo sa payo ng kanyang mga magulang, ay sa bandang huli'y napagtanto ang halaga ng kanilang pagmamahal at sakripisyo.

Kyla Sebastian
Ano ang family issue na nabanggit sa kanta?

Ang family issue na nabanggit sa kanta ay ang pagkakaroon ng hidwaan at hindi pagkakaintindihan sa pamilya. Ito ay dahil sa paglayo ng anak mula sa kaniyang mga magulang upang maghanap ng sariling landas at ipiakita rin na nagkamali ang anak na nalulong sa bisyo at masasamang gawain.

Ano ang ugat ng problema ng family issue na nabanggit sa kanta?

Ang pinakaugat ng probblema ng family issue na nabanggit sa kanta ay ang kawalan ng komunikasyon at pagkakaunawa sa pagitan ng anak at magulang. Dahil nga sa kawalan ng komunikasyon at pagkaunawa, lumayo ang anak sa mga magulang niya at hindi nakinig sa payo ng mga ito kaya napunta siya sa maling laandas at naging resulta ito ng maraming pagkakamali at bisyo.

Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Ako ay nabahala at nalungkot dahil sa simula ng kanta, tuwang-tuwa ang mga magulng niya sa kaniyang pagkakasilang ngunit biglang umayo ang loob niya sa mga magulang niya at siya pa ay napasama at nakagawa ng maraming kamalian. Sa kabilang banda, ako'y nakaramdam pa rin ng pag-asa na ang bata ay matututo sa kaniyang mga pagkakamali at babalik sa tamng landas. Iyon nga ang nangyari dahil mahal na mahal din siya ng mga magulang niya.

Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

Ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan ay pagbigay ng babala na mag-ingat sa pinipiling landas. Ipinakita ng kanta na ang paglayo sa mga magulang at hindi pakikinig sa payo ng mga ito ay maaaring magdala ng masamang resulta, tulad na lamang ng pagkakalulong sa bisyo. Mensahe rin ng kanta na dapat pahalagahan ng mga kabataan ang gabay at pagmamahal ng mga magulang.

Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Sa awitin ay nagsisi at nanghinayang ang anak sa pamamagitan ng pag-amin sa mga nagawa niyang pagkakamali at na sana ay nakinig siya sa mga payo ng kaniyang mga magulang. Ipinahayag ng anak ang kaniyang pagsisisi sa paglayo at pagkalulong sa bisyo na kung saan ay nagdulot sa kaniya ng sakit ar problema. Sa huli nga ay nais niyang humingi ng tawad at bumalik sa kaniyang pamilya dala ang mga karanasan niya na natutunan niya sa kaniyang nagawa.

DILLAR, JERSEY REIGN
Ang pangunahing family issue sa kantang "Anak" ni Freddie Aguilar ay ang paglayo ng anak sa kanyang mga magulang. Nagpakita ito ng problema ng pagkakaroon ng distansya at hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga henerasyon, lalo na ng magulang at anak.

Ang ugat ng problema ay ang pagwawalang-bahala ng anak sa mga pangaral at gabay ng kanyang mga magulang. Sa kanyang pagnanais na maghanap ng sariling landas at kalayaan, nakalimutan niya ang mga sakripisyo at pagmamahal ng kanyang magulang, na nagdulot ng hindi pagkakaunawaan at hidwaan sa pamilya.

Ang kantang "Anak" ay nagbibigay ng matinding emosyon ng lungkot at panghihinayang. Nararamdaman ko ang bigat ng mga damdamin ng parehong magulang at anak. Ito rin ay nagbibigay ng aral tungkol sa kahalagahan ng pagmamahal at respeto sa pamilya.

Ang mensahe ng kanta ay nagpapakita ng kahalagahan ng pag-iingat sa mga desisyon ng kabataan. Ipinapakita nito na ang mga padalus-dalos na desisyon, lalo na kung taliwas sa payo ng magulang, ay maaaring magdulot ng pagsisisi sa huli. Hinikayat nito ang kabataan na pahalagahan at pakinggan ang kanilang mga magulang.

Hinahawakan ng kanta ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga karanasan ng anak matapos niyang mapagtanto ang kanyang mga pagkakamali. Ipinakita kung paano nakakaapekto ang mga maling desisyon sa kanyang buhay at sa kanyang relasyon sa pamilya, at kung paano ito nagdudulot ng matinding pagsisisi at panghihinayang sa huli.

GALARPE, CHRISTIAN
1. Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

- Sa kanta ni Freddie Aguilar na "Anak," ang family issue na nabanggit ay ang kagustuhan ng anak na maging malaya ngunit tutol ang kaniyang mga magulang subalit ito'y kanila pa ring sinunod at sa huli ito'y lamang nagdulot ng lungkot at pagkabalisa sa magulang. Isa ring isyu rito ay naging matigas ang ulo ng anak at ang layaw niya lang ang nasusunod. Ang kanta ay naglalarawan ng pangarap ng magulang na makamtan ng kanilang anak ang magandang buhay, ngunit ang anak ay nagpasyang iwan ang tahanan at pamilya upang hanapin ang sariling landas.

2. Ano ang ugat ng problema ng

Family Issue na nabanggit sa kanta?

- Para sa akin ang ugat ng problema ng family issue ay ang lack of communication. Siguro kung napag-usapan ng anak at ng mga magulang nang maayos ang kagustuhan at pangamba ng bawat isa ay hindi hahantong sa pagiging lulong sa mga masamang bisyo ang anak. Isa rin sa nakikita kong ugat ay ang katigasan ng ulo ng anak. Kung siya lamang ay sumunod sa mga payo ng kaniyang mga magulang hindi siya maliligaw ng landas.

3. Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

- Ang kanta ay may malalim na mensahe hindi lamang para sa mga mahihilig sa kanta o musika bagkus para sa buong pamilya. Ang liriko ay nakakalungkot kung ito ay iyong babasahin dahil ito ay nagpapakita ng pagkasira ng relasyon ng anak sa kaniyang mga magulang, pagkakawalay, pagsisisi, at pagpapatawad.

4. Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

- Isa sa mga pangunahing mensahe nito ay ang kahalagahan ng responsableng pagdedesisyon at pag-iisip bago kumilos. Sa kanta, ipinapakita ang epekto ng desisyon ng isang anak na lumayo at maghanap ng sariling landas na nagdulot ng lungkot at pagkabalisa sa mga magulang. Ipinapakita rin ng kanta na ang mga desisyon ng isang anak ay may malalim na epekto sa kaniyang mga magulang at sa kanilang buong pamilya. Ang "Anak" ni Freddie Aguilar ay nagbibigay ng paalala sa mga kabataan na mag-isip nang mabuti at alalahanin ang mga taong mahalaga sa kanilang buhay bago gumawa ng mga mahahalagang desisyon.

5. Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

- Bago matapos ang kanta, ipinakita ang pagsisisi ng isang anak sa mga desisyong kaniyang ginawa na may labis na epekto sa kaniyang mga magulang. Sa huli napagtanto ng anak ang kaniyang mga kamalian at panghihinayang sapagkat hindi niya na mababawi ang mga sakit at pangamba na idinulot ng kaniyang mga labis na desisyon sa kaniyang mga magulang.

Rioflorido, Roselyn L.
1.Family Issue na Nabanggit sa Kanta?

Ang pangunahing isyu ng pamilya na nabanggit sa kanta ay ang alitan sa pagitan ng magulang at anak. Ito ay dahil sa pagbabago ng ugali ng anak, pagsuway sa magulang, at pagkalulong sa masamang bisyo.

2.Ugat ng Problema ng Family Issue?

Ang ugat ng problema ay ang hindi pagkakaintindihan at pag-aaway sa pagitan ng magulang at anak. Ang anak ay nagrebelde, naligaw ng landas, at hindi nakinig sa payo ng kanyang mga magulang, na nagdulot ng malaking pasakit sa kanila.

3.Ano ang Iyong Naramdaman Tungkol sa Ipinaring na Kanta?

Ang aking naramdaman tungkol sa kantang "Anak" ay halo-halo. Nakakalungkot at nakakadurog ng puso ang mensahe nito dahil ipinapakita ang sakit at panghihinayang ng magulang sa maling desisyon ng kanilang anak. Sa kabilang banda, nakakabigay din ito ng aral at paalala tungkol sa pagmamahal at pang-unawa ng magulang, kahit pa nasaktan na sila ng kanilang anak.

4.Mensahe ng Kanta Tungkol sa mga Desisyon ng Kabataan?

Ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan ay nagsasabing dapat silang maging maingat at mapanuri sa kanilang mga pinipiling landas. Ito ay nagpapaalala na ang mga desisyon ay may kalakip na responsibilidad at maaaring magdulot ng pangmatagalang epekto sa kanilang buhay at sa kanilang mga mahal sa buhay.

5.Paano Nito Hinahawakan ang Tema ng Pagsisisi at Panghihinayang?

Hinahawakan ng kanta ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kahihinatnan ng mga maling desisyon. Ang pagsisisi ng anak sa huli ay ipinapakita sa mga linyang nagpapahayag ng pag-unawa at pagsisisi sa kanyang mga nagawang kasalanan. Ang kanta ay nagsilbing paalala na ang bawat aksyon at desisyon ay may epekto, at minsan, ang pagsisisi ay darating na huli na.

Pampo, Dennielle Ann
ang family na nabanggit ay ang kawalan ng paggabay ng magulang sa kanilang anak na nag resulta sa pag gawa ng mga hindi magagandang bagay na nakakasama sa buhay at kalusugan ng kanilang anak at nawala na sa tamang landas ang kanilang anak.

ang naging ugat ng kanilang family issue ay kawalan ng koneksyon sa bawat isa kaya nang lumaki ang kanilang anak ay hindi ito nabigyan ng tamang gabay ng mga magulang na nag resulta sa hindi magandang mga gawain gaya na lamang nag pagkakaroon ng mga bisyo.

naramdaman ko ang pagkalungkot dahil maaring magdulot ng masamng epekto ang kakulangan ng koneksyon at komunikasyon ng kanilang mga anak at ng mga magulang. maaring magkaroon ng pagkalayo ng loob dahil sa kakulangan sa pagmamahal at gabay ng magulang kung kaya't naiisipang gumawa ng anak ng mga maling gawain upang mabaing sa iba ang atensyon nito.

ang mensahe nito ay maaring masira ang buhay ng mga kabataan na nakakaranas ng kakulangan sa pag aaruga at pagmamahal ng magulang na nagdudulot ng paggawa ng masama.

sabi nga nila "nasa huli ang pagsisisi" malalaman lang natin natayo ay nagkamali kapag ito ay nangyari na o tapos na, kaya't dito na pumapasok ang panghihinayang na kung saan mas narerealize natin na dapat ginawa natin ang tama para hindi na humantong sa masama ang isang sitwasyon.

CAÑA, AVIEGAILE
1.Ang kantang "Anak" ni Freddie Aguilar ay tumatalakay sa mga isyung pampamilya, partikular na ang relasyon sa pagitan ng mga magulang at kanilang anak. Ang pangunahing tema ng kanta ay ang paglayo ng anak mula sa gabay at pagmamahal ng kanyang mga magulang, pagpasok sa mga maling landas, at ang pagsisisi na nararamdaman ng anak sa huli.

2.Maaaring may kakulangan ng bukas na komunikasyon at pagkakaintindihan sa pagitan ng anak at ng mga magulang, na nagresulta sa hindi pagkakaunawaan at paglayo ng loob ng anak.

Ang kantang "Anak" ay puno ng emosyonal na lalim at kuwento ng pag-ibig ng magulang, paglayo ng anak, pagsisisi, at pagbabalik-loob. uno ng emosyonal na pagpapahayag na naglalarawan ng kalungkutan, pagsisisi, at panghihinayang. Ang damdaming ito ay lumalabas sa pag-awit at pagkukuwento, na nagpaparamdam sa mga tagapakinig ng tunay na epekto ng mga pagkakamali ng anak.

Ang kanta ay isang paalala sa mga kabataan na maging maingat sa kanilang mga desisyon, pahalagahan ang gabay ng kanilang mga magulang, at huwag mawalan ng pag-asa sa harap ng mga pagkakamali.

Ang pangunahing tauhan sa kanta ay nagpapakita ng malalim na pagsisisi sa mga maling desisyon at pagkakamali na kanyang ginawa. Ang pagkakaroon ng panghihinayang sa mga aksyon na nagdulot ng problema sa kanyang buhay ay nagbibigay-diin sa epekto ng hindi maingat na paggawa ng desisyon.Ang tema ng paghingi ng tawad sa mga magulang at ang pagkilala sa kanilang pagmamahal at sakripisyo ay nagpapakita ng pagsisisi sa paraan ng pagkilos ng anak. Ang pag-amin sa pagkakamali at paghingi ng tawad ay isang mahalagang hakbang sa proseso ng pagtanggap at pagpapatawad.

Reforada, Julie Anne
Ano ang Family Issue na nabanggit sa kanta?

Sa kantang anak ay pinakita dito ang isang klase ng family issue na may kinalaman sa pag gamit ng ipinag babawal na gamot at pag inom ng alak na nag dala sa kaniya sa maling landas na siya namang ikinalungkot ng kaniyang mga magulang.

Ano ang ugat ng problema ng Family Issue na nabanggit sa kanta?

ang kanilang anak, dahil nalulong ito sa masamang bisyo na nag dala dito sa mga bagay na masasama. Marahil ay nahanap ng anak ang saya sa mga bagay na ito kaya ito ang napili nyang daan patungo sa kaniyang pansariling kasiyahan.

Ano ang iyong naramdaman tungkol sa ipinarinig na kanta?

Malungkot, dahil sa panahon ngayon ay nangyayari pa din ang mga ganitong eksena o pangyayari sa loob ng tahanan na siya dapat nating maging pahingahan. Marami pa din sa mga kabataan ngayon na mas pinipili ang mga gantong bagay kaysa sa makasama ang kanilang pamilya.

Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng kabataan?

mabuting pumili ng mga bagay na makakapag pasaya satin ng hindi gumagamit o umiinom ng kung ano mang makakasama saatin. Maraming paraan ang nariyan upang libangin ang ating sarili, kailangan lamang na hanapin ito sa mabuting paraan.

Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisisi at panghihinayang?

Sa mga naging resulta ng naging desisyon ng anak, na mas pinili niya ang kaniyang pansariling kaligayahan kaysa sa kaniyang ikabubuti.

DE JESUS, JANNA MAE
Ang isyung pampamilyang binanggit sa kanta ay ang emosyonal at relasyong pakikibaka sa loob ng isang pamilya, posibleng kasama ang hindi pagkakaunawaan, kawalan ng komunikasyon, o alitan sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya.

Ang ugat ng isyu ng pamilya ay maaaring masubaybayan pabalik sa hindi nalutas na mga nakaraang salungatan, kawalan ng empatiya, o pagkabigo upang matugunan ang mga pangunahing emosyonal na pangangailangan sa loob ng pamilya.

Ang aking naramdaman sa kanta ay kalungkutan at pagkabigo sa sinpait ng anak sa kaniyang relasyon sa kaniyang pamilya. Dahil sa walang komunikasyon siguro ay nagdulot ito ng paglayo sa kanilang samahan at nagdulot sa hiwalay sa desisyon sa buhay na hindi nagabayan ng kaniyang magulat dahil sa knaiyang pagalis.

Ang mensahe ng kanta tungkol sa deisisyon ng kabataan ay hindi hadlang ang ating magulang sa ating desisyon sa buhay bagkus sila ang nagbibigay satin ng matinong landas na patutunguhan. Nakikita man natin itong salungat sa ating kagustuhan ngunit bilang kabataan, marami pa tayong di alam sa mundo na nalampasan na nila. Kung kaya ay higit na pagprotekta ang ginagawa nila para sa atin at di tayo mapunta sa kapamahakan.

Ang kanta ay hinahakawan ang tema ng panghihinayang at pagsisisi sa pamamagitan pagpapakita ng epekto ng sariling desisyon ng isang kabataan sa kaniyang sarili at umiwas sa gabay ng magulang. Sa huli, magulang pa rin ang makakaintindi at tatakbuhan natin sa oras ng panganib o masamang nangyayari sa ating buhay. Ngunit dahil sa pagkakaroon natin ng matigas na uto, nasasayang ang panahon at oras natin dahil sa di pakikinig sa kanilang mga payo na sana ay naging tamang landas natin.

Edquiba, Ande Brix M.
Ang family issue na nabanggit sa kantang Anak ay ang pagrerebelde ng kanilang anak. Ginawa man lahat ng kanyang mga magulang ang makakabuti sa kanilang anak ngunit sinira ng kanilang anak ang pamilya. Ang kantang ito ay nag papahiwatig na ang pamilya ang iyong mag sisilbing gabay sa lahat ng pangagailangan mo at sila ang pupuno sa mga kakulangan mo.

Ang ugat ng problema sa kanilang pamilya ay nanggaling mismo sa kanilang anak na nag rebelde at walang galang sa kanyang pamilya. Sinira nito ang kanilang pamilya dahil sa mga kanyang pang sariling bisyo gaya na lamang ng pag inom ng alak at paninigarilyo gayundin ang pag gamit ng pinag babawal na droga.

Ang aking nararamdaman sa kanta ay pagkamuhi dahil ang kantang anak ni Freddie Aguilar sa panahon ngayon ay mas nangyayari sa panahon natin ngayon. karamihan kasi sa aking mga nakikita ay nag rerebelde na iba nilang mga anak at mas lalo ang pagkawala ng respeto ng mga bata sa panahon ngayon.

Ang mensahe ng kanta sa kabataan ngayon ay bigyang halaga nila ang kanilang magulang dahil sa huli pag sisisihan mo ang iyong mga ginawa at balang araw ay wala nang tutulong sayo na kahit ang pamilya mo mismo ay mawawalan ng respeto sayo.

Nagkakaroon ito ng pagsisisi at panghihinayang dahil sa kanyang ina na umiiyak na sa kanyang harapan na naging dahilan para maramdaman niyang siya ay nagkasala at nakagawa ng mali sa kanyang magulang at hudyat na nahihirapan ang kanyang pamilya.

Ramos, Angela
Ang mga family issue na nabanggit sa kantang "Anak" ay ang paglayo ng loob ng anak sa kaniyang magulang, kawalan ng komunikasyon, at ang pagrerebelde o naligaw ng landas ng isang kabataan dahil sa kagustuhang lumaya sa kaniyang mga magulang.

2.  Ang ugat ng family issue na nabanggit ay ang kagustuhan ng anak na lumaya o gawin ang mga gusto niyang gawin, Ang pagkakaroon niya ng bisyo at ang paglayo niya sa kaniyang mga magulang. Ang pansariling kagustuhan ng anak ang siyang naging dahilan ng problema

3. Nakaramdam ako ng kalungkutan dahil sa mensahe ng kanta. Patungkol kasi ito sa pagsisisi ng anak at sa pagmamahal ng magulang.

Nakaramdam ng kalungkutan kasi yung mensahe ng kanta ay nangyayari talaga sa reyalidad na buhay.

4. Maging matalino sa pagpili ng desisyon sa buhay. Hindi lahat ng mga bagay na gusto nating gawin ay makakabuti para sa atin. Kagaya na lamang ng anak sa kanta, dahil sa kagustuhan niyang lumaya hindi niya napansin na naligaw na siya ng landas at napalayo na siya sa kaniyang magulang.  Kaya, nais ipahiwatig ng kanta na habang bata ka pa, maging matalino kana sa pagdedesisyon bago ka pa magsisi sa huli; bago pa maging huli ang lahat.

5. Hinahawaka nito ang tema ng pagsisisi at panghihinayang ng nalaman na ng "anak" sa kanta na mali ang landas na natahak niya. Na walang mabuting naidulot ang mga pinili niyang desisyon sa buhay niya. Nakaramdam na siya ng pagsisisi nang naramdaman niyang malayo na siya sa magulang at sa totoo niyang sarili dahil sa pagkakamali niya.

Del Rosario, Albert John M.
1. Ang family issue na nabanggit sa kanta ay ang alitan sa pagitan ng magulang at anak, kung saan ang anak ay lumihis ng landas at hindi sinunod ang mga payo ng kanyang magulang.

2. Ang ugat ng problema ng family issue na nabanggit sa kanta ay ang pagsuway ng anak sa kanyang magulang at ang kanyang paglalayo mula sa pamilya upang maghanap ng sariling landas.

3. Ang naramdaman ko tungkol sa ipinarinig na kanta ay kalungkutan at pagkaantig dahil ipinapakita nito ang sakit at panghihinayang ng parehong magulang at anak sa mga maling desisyon at hindi pagkakaunawaan.

4. Ang mensahe ng kanta tungkol sa desisyon ng mga kabataan ay nagbabala sa kanila na maging maingat sa kanilang mga pagpili dahil maaaring magdulot ito ng malaking epekto sa kanilang buhay at relasyon sa pamilya.

5. Hinahawakan ng kanta ang tema ng pagsisisi at panghihinayang sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga alaala ng magulang tungkol sa kanilang anak, at ang hinagpis ng anak sa kanyang mga naging desisyon na nagdulot ng sakit sa kanyang magulang at sa kanyang sarili.

Mark P. Rioflorido
Mga sagot:

Ito yung kabataan na na lulong sa droga at pag-iinom at dahil dito nagkakaroon ng problema ang kanyang mga magulang.

Sa aking palagay dahil sa naka focus ang kanyang mga magulang sa trabaho, nalimutan na nilang bigyan ng pansin ang kanilang anak at dahil dito napariwara at naghanap iyo ng belongingness sa ganitong mga bagay.

Ako'y nalungkot sapagkat wala naman silang problema sa pinansyal ngunit nagkaroon sila ng problema sa pagbantay at pagaruga sa bata. Pero hindi ko rin naman sinasabi na mali ang kanyang mga magulang, ito pa rin naman yung pinili nyang buhay.

Sinasabi ng kanta na pumili tayo ng tama na landas upang hindi na tayo magsisi sa huli.

Bibigyang diin ang mga masamang dulot at mga posibleng mangyari kung ang isang bata ay magdesisyon na pasukin ang landas ng droga at pagiinom. Sa paraang ito mabibigyan ng kamalayan ang kabataan na hindi na sila humantong sa pasisisi at panghihinayang.

VILLARAN, John Lawrence H.
Para sa akin, ang pangunahing problema na kinakaharap sa kanta o sinisimbolo sa kanta ay ang pagiging pabaya ng anak sa kanyang buhay. Isa ito sa kinahaharap di lang sa pilipinas kung hindi sa buong mundo rin na syang nagiging masamang ikinukultura ng mga kabataan sa panahon na ito.

Ito ay ang pagiging malaya ng anak sa kung ano man ang gusto nyang gawin sa kanyang buhay gaya ng maginom, magbisyo at mga bagay na ikinasisira ng buhay nya at kinaaabla ng mga magulang nya. Bilang mga magulang, ito ay masakit sa dibdib na ang sanggol na inalagaan mo ay mauuwi sa ganitong kinahatnan.

Wag kalilimutan ang pagmamahal at pagaalaga ng pamilya mo sa iyo sapagkat wala kang ibang matatakbuhan sa mga ptoblema mo sa buhay kung hindi ang mga magulang mo lamang. Ang pagmamahal ng mga magulang ang syang laging makakapitan.

Ang ating landas ay hawak natin, kaya natin itong buuin at pagandahin ngutin ang kabaliktaran ay maaari din. Wag sirain ang buhay sa walang kapararakan na bagay.

Sabi nga sa isang salawikain dito sa Pilipinas, "Laging nasa huli ang pagsisisi", Ang mga bagay na nagawa mona ay di mona maibabalik kahay iyang bigyan ng halaga at pagmamahal ang buhay at mga desisyon mo sabuhay dahil ikaw at ang mga mahal mo sa buhay ang maaargabyado dito.

Morbos, Angeljoseph
Ano ang Family issue na nabanggit sa kanta?

Sa kantang “ANAK” ni Freddie Aguilar, Ang Family issue na nabanggit ay Isang Anak na naligaw ng landas Ipinakikita ng kanta ang pagmamahal ng magulang at ang pagsubok ng anak na harapin ang mga hamon ng buhay.  pinag-uusapan sa kanta ang mga isyu tulad ng pagsusugal, pag-gamit Ng pinagbabawal na gamot, at pagkawala ng respeto sa magulang.

Ano ang  ugat ng problema ng family issue na nabanggit sa kanta?

Ang Hindi pag sunod sa utos at Aral ng Magulang, ang hindi pagsunod sa mga magulang ay isa sa mga pangunahing isyu na tinatalakay. Ang kanta ay naglalarawan ng pang-araw-araw na mga pagkukulang ng anak sa pagtugon sa mga inaasahan ng mga magulang, tulad ng pag-aaral, pagtatrabaho, at pagtulong sa pamilya. Ipinapakita rin nito ang mga konsekwensya ng hindi pagtupad sa responsibilidad bilang isang anak, na madalas ay nagdudulot ng lungkot at pagdurusa sa pamilya.

Ano ang iyong naramdaman  tungkol sa ipinarinig na kanta?

Sa kantang “Anak” ni Freddie Aguilar, nararamdaman ang lungkot, panghihinayang, at pagdadalamhati. Ang pagmamahal at pag-aalala ng magulang ay matindi sa bawat linya ng kanta, habang ipinapakita ang mga kahihinatnan ng mga hindi pagkakasunduan at pagsuway. Bukod dito, ipinapakita rin ng kanta ang pangarap ng magulang para sa kanilang anak na sana ay maging mabuting tao at magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ano ang mensahe ng kanta tungkol sa mga desisyon ng ka Bataan?

Maging matalino sa pag desisyon sa Buhay habang Bata pa lamang. Ipinapakita ng kanta ang mga pagkakataon at mga kahihinatnan ng mga hindi matalinong desisyon ng isang anak, tulad ng pagka lulong sa bisyo o pagtakas mula sa mga responsibilidad sa pamilya. Binibigyang-diin ng kanta ang pangangailangan na mag-isip nang mabuti at magpasya ng wasto upang maiwasan ang mga pagsisisi at pagdurusa sa hinaharap.

Paano nito hinahawakan ang tema ng pagsisi at panghihinayang?

Sa huli, pamilya  parin ang  ang tumulong at naging sandalan sa Kinakaharap nitong problema. Ang panghihinayang na ito ay nagmumula sa pagmamahal at pangarap ng magulang para sa kanilang anak, na nais nilang maging maayos ang buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.