(Alvares) Klase Bilang 7 - 12 - Guhit-Panahon (Timeline) para sa mga Dinastiya ng Tsina by Joseph Jay V. Hernando

Dinastiyang Sung
Sikat na Pinuno - Zhao Kuangyin
Pinakamahahalagang Nagawa - kapitolyo ang Kaifeng, lumitaw ang Gitnang Uri (middle class), nauso ang landscape painting, naimbento ang pulbura, naging sopistikado ang paggawa ng porselana, nauso ang footbinding at ang Neo-Confucianismo

Dahilan ng Pagbagsak - Pagsalakay ng mga Mongol

Tang at Sui

#9- Dinastiyang Zhou (Chou)
Mahahalagang Nagawa- Napaunlad at napayaman ang aspekto ng pamumuhay ng mga Tsino. Umunlad ang pagsasaka dahil sa pagpapatayo ng mga dike at irigasyon na nagbigay ng sapat a suplay ng tubig, naimbento rin ang bakal na araro. Nagpagawa ng mga kalsada at kanal o daanan ng barko na nagpaunlad ng kalakalan. Lumakas din sila sa pandirigma dahil sa pagkakaroon ng mga nakakabayong mandirigma, naimbento rin nila ang sandatang crossbow na gawa sa bakal na tinaguriang "arrows of flying fire". Higit ding lumawak ang kanilang teritoryo at lumaki ang kanilang populasyon. Meron din silang tinawag na "Age of Philosophy":
Mga Pilosopiya sa Gitna ng Kaguluhan: Confucianismo, Taoismo at Legalismo

Dahilan ng Pagbagsak -
Panahon ng Kaguluhan at pagtagumpay ng pagsakop ni Ch'in (Qin) o si Shih Huang Ti (Shih Huangdi)

#7- Yangshao, Longshan at Shia
Ang Huang Ho ay isang lambak-ilog na tinatawag ng  "Yellow River" dahil sa kulay dilaw na depositong banlik na iniiwan nito sa lupa na tinatawag na "loess soil"  kung kaya akma ang lupain para sa pagsasaka. Ginagamit ang tubig dito para sa inumin at para sa irigasyon. Tuwing umaapaw ang Huang Ho river nagkakaroon ng mga pinsala at pagbaha sa mga pananim at pagkasawi ng mga mamamayan. Dahil sa mga nangyayari sa Huang Ho river gumawa sila ng pamayanang neolitiko bago sumibol ang Kabihasnang  Shang. Ang pamayanang neolitiko ay itinituring na pinakaunang ganap ng kabihasnang ng Tsina.

Dahilan ng pagbagsak: Nag-aaral ang mga arkeologo at upang unawan ng mabuti ang mga labi sa Huang Ho river hinati nito ng dalawa na tinatawag ngayon ay Yangshao at Longshan.

#10-Chin (Qin)
Dinastiyang Chin (Qin)
Ang Chin (Qin) ay isa sa mga lungsod estadong nakipagdigmaan sa panahon ng kaguluhan sa Dinastiyang Zhou. Sa pamumuno ni Zheng matagumpay na napabagsak ng Chin ang Dinastiyang Zhou gayundin ang lahat ng mga lungsod estadong sakop nito noong 221 BCE. Tinawag niya ang kanyang sarili bilang Shih Huang Ti na nangangahulugang "Unang Emperador". Isa sa ambag ng Dinastiyang Chin (Qin) ay ang "Great Wall of China" bilang proteksyon ng Tsina sa pag-atake ng mga kalaban.

#12 Sui at Tang
Dinastiyang Sui:
Ang dinastiyang pinamunuan ni Emperador Wen Ti (Yang Jian). Muli niyang naibalik ang bumagsak na kadakilaan ng China sa panahon ng Han matapos ang 400 taon .  Nagbigay siya ng lupa para sa mga magsasaka, binawasan ang binabayaran nilang buwis, at tinanggal ang buwis na binabayaran ng mga taong may edad na 60 pataas. Ipinagpatuloy niya ang pagpapatupad ng civil service examination, isinulong ang edukasyon, at ipinatayo at  ipinaayos ang Dakilang Pader na napabayaan sa matagal na panahon.  Ipinagawa niya ang Grandeng Kanal (Grand Canal)  na naging daan sa epektibong  sistema ng transportasyon at pag-unlad ng kalakalan.  Bumagsak ang Dinastiyang Sui nang tangkain ni Yang Ti na makipaglaban sa Kaharian ng Goguryeo upang mapasailalim sa Imperyong Tsino.  Dahil sa lakas ng puwersa ng kalaban, tumakas si Yang Ti at inabandona ang kanyang hukbo.  Dahil sa matinding galit, pinaslang siya ng kanyang mga kawal at ito ang naging dahilan ng pagbagsak ng Dinastiyang Sui.

Dinastiyang Tang:
Ito ay itinatag ni Li Yuan na unang namuno sa dinastiya.  Dahil sa katandaan,  humalili sa kanya ang kaniyang anak na si Tai Cong bilang emperador.  Sa kanilang pamumuno, muling lumakas ang kapangyarihan ng Imperyong Tsino dahil lalong lumawak ang teritoryong sakop nito at lumago ang ekonomiya. Sumigla ang kalakalan dahil  naging ligtas ang paglalakbay sa mga bagong kalsada at paglalayag sa maayos na rutang pantubig.  Umunlad ang teknolohiya dahil sa mga makabagong imbensyon ng mga  kagamitan sa pagsasaka na nagresulta ng maunlad na produksiyon.  Napaunlad din niya ang kaalaman at kasanayan sa edukasyon, medisina, sining, literatura, at pagsusulat ng batas. Tinawag na "Ginintuang Panahon ng China" ang Dinastiyang T'ang.
Bumagsak ang Dinastiyang T'ang sapagkat sa kabila ng pagiging tanyag sa buong mundo ng kabisera ng T'ang na Chang-An ay napabayaan naman at humirap ang mga lalawigan ng imperyo at ang hukbong sandatahan.  Dahil dito, naghimagsik ang mga mamamayan laban sa pamunuan na ikinabagsak ng Dinastiyang T'ang.

#8 , Dinastiyang Shang
Dinastiyang Shang : " Dinastiyang Alipin " :

ANG DINASTIYANG SHANG AY TINATAWAG RING  DINASTIYANG ALIPIN DAHIL SA MARAMING NAHUKAY NA LABING  NG MGA ARCHEOLOGO NA NAIWAN SA PANAHONG ITO . ITINATAYANG NOONG TAONG 1700 BCE UMUSBONG ANG DINASTIYANG SHANG  SA LAMBAK-ILOG NG HUANG-HO NOONG PANAHON NG BRONSE. SABI DAW NILA NA ANG DINASTIYANG ITO ANG AY ANG PINAKAUNANG GANAP NA KABIHASNAN SA TSINA MATAPOS ANG NEOLOTIKONG KAILANGAN NG YANGSHAO AT LONGSHAN  . SA KANILANG ESTRAKTURANG PANLIPUNAN AT PAMPULITIKA SA PANAHON NILA , ANG NINUNO NILA ANG MGA PARI NA NAKATIRA SA PALASYO . ANG TRABAHO NG ISANG PARI AY ANG PAMUMUNO SA ISANG SEREMONYA   AT NG MGA RITWAL NA NAKIKIPAG-UGNAYAN SA KANILANG DIYOS . SA ISANG RITWAL  , GUMAGAMIT SILA NG BUTONG ORAKULO ( BUTO NG MGA HAYOP ) PARA NAIS NILANG MAIPAHIWATIG ANG MGA DATING NINUNO NA NAMATAY NA NA SILA AY NAKIKIPAG-UGNAYAN SA KANILANG DIYOS . SA BUTONG ORAKULO , SINUSULAT NILA ANG KANILANG MGA TANONG AT PAGKATAPOS AY INILALAGAY SA APUYAN . BINIBIGYANG KAHULUGANG ITO BILANG KASAGUTAN NG MGA NAMATAY NA NINUNO SA KANILANG TANONG . SABI NILA NA ANG LAHAT NA ITO AY NAGSIMULA SA KANILANG SISTEMANG PAGKAKASULAT . KABILANG SA GINAGAWA NG ISANG PARI AY ANG MGA USAPING MAY KINALAMAN SA PAGPAPANATILI SA KALIGTASAN AT KAAYUSAN NG KANILANG SINASAKUPAN , PAKIKIDIGMA NG LUNGSOD - ESTADO GAMIT ANG ILANG KAGAMITANG PANDIGMA TULAD NG KARWAHEN ( CARRIAGE ) AT KATULAD NG SANDATAHANG YARI SA BRONSE . ANG LIBINGAN NG PARI AY NAHUKAY SA LABAS NG LUNGSOD NG SHANG AY ANG PATUNAY NG KANILANG MAKAPANGYARIHANG PAGKANINUNO NG MGA ITO DAHIL KASAMANG NAHUKAY ANG MGA BRONSE , BUTONG PANG-ORAKULO , AT MGA ESPESYAL NA URI NG BATO . KASAMA RIN DITO ANG PUGOT NA ULO NG ALIPIN . SABI NG MGA ARCHEOLOGO NA NAHUKAY NILA ANG INSKRIPSYONG NAGLALAMAN NG TALAAN NG MGA HARI PERO HINDI NILA ALAM ANG MGA PANGALAN NILA AT ANG PINAKAUNANG PARI NITO .PERO SABI DAW NILA ANG PINAKA ESPESYAL NA NAHANAP NILA NA ANG PINAKA ESPESYAL SA PARI NG PANAHONG ITO AY SI Wu Ding .  ANG KANILANG PANINIWALA AY NA ANG BUTONG ORAKULO AY NAGPAPATUNAY NG SINAUNANG ANYO NG RELIHIYON NG MGA MAMAMAYAN NITO . UPANG MAPANATILI ANG KASIYAHAN  AT ANG KAPANGYARIHAN NG KANILANG DIYOS NA KANILANG PINAPANIWALAAN NA NAGKOKONTROL SA KANILANG KALIKASAN ,  NAG-AALAY SILA NG DASAL , PAGKAIN , AT MGA SAKRIPISYONG ALIPIN NA KADALASAN AY BIHAG NA DIGMAAN . MAKALIPAS NG ILANG TAON SA KANILANG DINASTYA , NAGSIMULA NA ANG KALIGRAPYA NA NAGMULA SA KANILANG PAGSUSULAT SA BUTONG ORAKULO .  ANG GINAGAMIT NILANG ALPABETIKO AY ANG IBA’T IBANG SIMBOLO  NA UMUNLAD SA PAGDAAN NG PANAHON . ANG KALIGRAPYA AY NAG PAPAHAYAG NG KANILANG EMOSYON O KAISIPAN  SA PARAAN NG PAGSUSULAT . BUKOD RITO , SA PAGDAAN NG ILANG TAON , NAGKAROON RIN NG SINING AT TEKNOLOHIYANG ANG KABIHASNANG SHANG . SA SINING , GINAMIT NG MGA ARTISANO ANG BRONSE PARA GUMAWA NG DETALYADONG AT PINYONG DISENYO KATULAD NG  SANDATA , BALUTI , SISIDLAN , AT PIGURIN . BUKOD SA BRONSE , GUMAMIT RIN SILA NG JADE  SA PAGGAWA NG PIGURIN NA KADALASAN SA HUGIS NG TAO O HAYOP . MALIBAN SA JADE AT BRONSE , GUMAMIT RIN SILA AT GUMAWA SILA  NG IBA’T IBANG MATIRYALES KATULAD NG PUTING LUWAD ( KAOLIN ) , AT TELANG SEDA ( SILK ) , AT IBA PANG MGA MATIRYALES NA PINAKITA NG TSINA SA MUNDO .

#11-Dinastiyang Han
Ang dinastiyang Han ay itinatag ni Emperador Gaozu ng Han at pinamunuan ng angkan ng Liu. Sumunod ito sa Dinastiyang Qin na itinatag noong 221 BC at umabot lang sa 206 BC.  Ang dinastiyang Han ay umabot ng apat na siglo at ito ay nag-impluwensya sa pagkakakilanlan ng sibilisasyon Tsina magmula noon. Ang dinastiyang Han ay ang tinatawag na "Golden Era"  ng kasaysayan ng Tsina dahil sa pagpapabuti ng ekonomiya at ng kaalaman sa mundo, kaisipan at astronomiya. Pinabuti rin nila ang paggawa ng mga gamot, paggawa ng mga mapa, mga sasakyan at mga barko,