Paksa: Kalayaan by R FUENTES

Del Rosario, Lheila P.
Ang kalayaan ay kung saan nakakagawa tayo ng mga bagay na nagbibigay sa atin ng kasiyahan. Ang kalayaan ay kapangyarihan na hawak ng isang taong walang pakialam sa sasabihin ng iba, sa taong inuuna ang sarili niya. Nagbibigay ito ng kagandahan sa kinabukasan kung ang lahat ng tao ay walang hinuhusgahan. Ito ay isang karapatan na ang bawat mamamayan ay malayang makagalaw sa lipunan. Kung ang lahat ng tao ay may kalayaan, lahat ng bagay ay magiging makatarungan.

Manuel, Kathrina
Kalayaan

Ang kalayaan sa nakaraan na kay hirap iwanan. Ang kalayaan sa mga sugat at sakit na hindi na kaya pang solusyunan. Ang kalayaang pumili ngunit kailanman ay hindi mapipili. Ang kalayaan sa kulungang binuo ng kanilang isipan. Ito ang kalayaang matagal ko ng inaasam.

Gicos, Eufemia R
Ang karapatan ay isang pribalehiyo na magkaroon ng sariling desisyon at gumaea ng naayon sa kanyang desisyon. Importanteng bigyan ng sariling kalayaan ang sarili  kaya para matutunan natin maging masaya. Hindi natin pwede isantabi o hayaan nalang ang iba na magdesisyon oara sa atin. Ang pagkakaroon nito ay isang malaking kaginhawaan para sa atin. Ituturo nito sayo na hindi limitado ang lahat.

Palaya, Alyssa Mae T.
Kalayaan, salitang madaling bigkasin ngunit mahirap makamit para sa iilan. Ito ay natamasa natin nang tayo ay ipaglaban ng ating mga bayani. Sariling hininga't buhay ang kanilang inalay para sa ating kapakanan. Kung kaya't marapat lamang na atin itong pangalagaan, upang hindi mabalewala ang lahat ng sakripisyo para sa kalayaang ating inani. 'Wag hayaang maging dayuhan sa sariling bayan, ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan.

DEL ROSARIO, RALPH JOSHUA
Malaya na ba ko? Ito ang tanong sa aking isipan kung naging malaya na ba ko sa aking nakaraan. Isang masamang ala-ala na nagmarka sa aking puso't isipan na gusto ko ng makawala at mag umpisa muli. Hanggang isang araw napagtanto ko na mabuti na ang aking kalagayan walang iniisip, walang sakit at kirot na nararamdaman. At sa wakas naghilom na ang mga sugat na iniwan ng aking nakaraan. Isa lang ang masasabi ko ngayon salamat at naging malaya na ako.

Caisip, Hazel Theri B.
Ang kalayaan ay isang karapatan na kung saan ay malaya tayong makakapag-desisyon at makaka-galaw. Sa pagkakaroon ng kalayaan tayo ay nagkakaroon ng sariling desisyon, opinyon, likha at marami pang iba na hindi natin iniisip ang opinyon ng iba. Malaya tayong gawin ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan sa'tin. Higit sa lahat, hindi lamang sa saya tayo pwedeng lumaya, pwede ring tayong lumaya sa sakit o sa pagkaka-kulong natin sa ating mga nakaraan. Maikli lang ang buhay kaya naman mahalagang nagagawa natin ang mga gusto natin na hindi iniisip kung ano ba ang magiging tingin o sasabihin ng iba sa'tin.

Esguerra, Irish Kisses B.
Sabay sa pagdaan ng mga araw ay ang kalayaang gawin ang mga bagay na sa atin ay nagpapasaya. Malaya tayong gawin ang mga bagay na sa palagay natin ay muli tayong bibigyang buhay. Hindi naman ito naaayon sa kagustuhan ng iba kundi sa kagustuhan ng sarili, kung saan tayo liligaya. Malaya tayong gawin ang mga bagay na pakiramdam natin ay makabubuti sa pansarili nating kapakanan. Ang kalayaang gawin ang gusto natin ay hindi pagiging makasarili, ito'y pagbibigay respeto lamang sa ating mga sarili nang walang ibang taong tinatapakan.

Gutierrez, Adrian C.
Ang kalayaan ay talagang mahalaga para sa ating lahat. Nangangahulugan ito na maaari tayong gumawa ng sarili nating mga pagpipilian, sabihin kung ano ang iniisip natin, at mamuhay kung paano natin gusto. Isa rin ang kalayaan upang maipahayag natin ang ang aking mga hinaing at mga bagay-bagay sa ating buhay. Ang kalayaan din ang isa sa mga kailangan natin ngayon sa buhay lalo na sa darating na eleksyon na malaya tayong pipili na ating mga ihahalal na mga tao na ating pinagkakatiwalaan ng lubos na mangasiwa ng ating kumunidad. Kaya't gamitin natin ang ating kalayaan sa mabuting paraan at huwag itong sayangin sa mga bagay na walang kabuluhan na maidudulot sa atin at sa ating bayan.

Tanallon, Kyla Marie B.
Ang Kalayaan ay isa sa pinaka mahalagang bagay na tinatamasa ngayon ng bawat isa. Ito ay pinaglaban ng ating mga bayani noong unang panahon. Kaya ngayon tayo' y malayang gumawa at magsalita kung ano ang nais nating sabihin at gawin. Kung kaya't huwag nating sayangin at abusuhin ang kalayaan na ibinigay sa bawat isa. Ito ay gamitin sa paggawa ng mabuti sa ating kapwa. At higit sa lahat ay maging boses tayo ng bawat kabataan.

Tumalad, Ferleeann
Kalayaan

Maraming uri ng kalayaan, kalayaan sa pag pili na kung anong gusto mo at kalayaan ng bawat isa.  Kalayaan mo ang ipakita sa lahat kung ano at sino ka at kung ano ang mga kaya mong gawin.

Suertefelipe
Masarap pakinggan ang salitang kalayaan ngunit kaakibat nito ay ang pag-limita sa ating mga aksyon. Mga aksyon na dapat ay makakabuti para sa atin at para sa lahat. Piliin natin palagi na gumawa ng mabuti dahil hindi porket malaya tayong mag desisyon ay aabusuhin na natin ito. Binigyan tayo ng kalayaan at pribilehiyo na mag desisyon para sa ating sarili kaya marapat lang na gawin natin ito sa tama. At kung ikaw man ay nakagawa ng masama dahil sa mali mong desisyon tandaan mo na malaya ka upang itama ang pagkakamali mo sa buhay.

Lopez
Masarap sa pakiramdam ang maging malaya dahil walang limitasyon ang mga bagay na gusto mong gawin.
Maihahalintulad sa isang hayop na tuluyang natanggalan ng tali sa leeg ang pagiging malaya.
Nakakahinga ng maluwag at hindi na hadlang ang pumipigil sa kanya noon.
Tandaan natin na hindi porke't nabigyan tayo ng kalayaan ay sasamantalahin na natin ito.
Mabuti parin na pag isipang mabuti ang bawat kilos na ating gagawin ngayon man o sa hinaharap.

Santos, Jerald
Minsan ang tanging hiling natin ay ang maging malaya. Ngunit ang salitang kalayaan ay may maraming kahulugan tulad ng pagiging malaya sa mga sumakop at umalipin satin, gawin ang isang bagay na naaayon sa sariling interes o kagustuhan at ang pagiging malaya sa pagpili kung sino ang mamahalin. Matagal tayong nakulong sa kung ano ang idinidikta ng lipunan sa karamihan  ngunit ngayon, tayo'y malaya na. Malaya na tayong piliin ang anumang kagustuhan natin, ang piliin ang ating sarili at piliin ang taong ating handang makasama sa habambuhay. Huwag matakot na lumaya sa rehas na binuo ng lipunan na ang layunin lamang ay pigilan ang bawat isa na makatagpo ng kasiyahan.

Gonzales, Shaina P.
Isang salita, walong letra ngunit katumbas nito ang kasiyahan sa ating mukha. May iba’t-ibang panganga-hulugan  ngunit sumisibolo ng kapayapaan sa bawat nilalang. Minsan na rin itong ipinagkait sa atin na para bang tinatanggalan tayo ng boses upang mag-salita. Ngunit ito ang naging sandigan upang tayo ay magka-isa at ipag-laban ang kinabukasang nararapat sa bawat isa. At sa bandang huli, naging mahalagang konsepto ito ng kasaysayan na ating pinagmulan.

Manlong, Leira Mae L.
Ang kalayaan ay isang malawak na himpapawid. Isa kang ibon sa mata ng mga nagmamasid. At sa bawat pagakpak ng iyong mga bisig. Sigiraduhin mong ang tunog nito ay maraming makakarinig. Maging maingat sa iyong pagbagwis dahil ang iyong pakpak ay siyang may tulis.

Usi, Eunice H.
Kalayaan ay ating natatamasa dahil sa sakripisyong ginawa ng ating mga bayani. Idineklara ang kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Huwag nating kalimutan na tayo ay malayang bansa at ating bigyan ng pag-alala sa tuwing ito ay gaganapin. Dahil sa pagiging malaya ng ating bansa nagagawa  natin ang gusto nating gawin. Nagkaroon ng karapan at kalayaan ang mamamayang Pilipino.

Darasin, Regina Keith C.
Kalayaan na natatamasa natin ngayon ay isang bagay na ipinaglaban ng ilang mga henerasyon. Marami sa mga kababayan natin nagbuwis ng buhay nila para lamang sa kalayaan na ito. Kalayaang mamuhay ng mapayapa at matiwasay ay buong buhay nating magiging utang na loob sa mga bayaning mas piniling ipaglaban ang bansa natin mula sa mga dayuhan. Kaya para sa henerasyon na ito, piliin nating gamitin ng tama ang kalayaan na meron tayo ngayon. At para sa susunod na henerasyon, huwag ninyo hayaan na mawalan ng saysay ang nararanasan at nasaksihan natin lahat na kalayaan.

Nacion, Nicaella N.
Kalayaan ang dapat na mayroon ang bawat isa.  Tulad ibon na himpapawid na walang limitasyon sa paglipad. Malaya ka kung sa palagay mo ay kaya mong gawin ang lahat ng gusto mo. Sa laya na tinatamasa mo ay dapat siguraduhin mong tama ang desisyon mo. Kalayaan ang ipinaglaban ng iilang tao para sayo kaya't dapat pahalagahan mo.

De Dios, Jacquelyn
Kalayaan sa mundong mapanghusga. Mga taong maihahalintulad sa tinik na nagbabakod sa kalayaan na maipakita ang kakayahan. Sa bawat masasakit na salitang ibinabato, nalilimitahan ang isang tao na ipahayag ang saloobin nito. Sana'y maibalik ang kalayaan na gusto ng aking puso. Kalayaan na magbabalik ng kakayahan at tiwala sa sarili ko.

Quiambao, Yura Mae M.
Ang bawat isa ay may kalayaan na gawin ang kanilang gusto sa araw-araw, ngunit ito ay may limitasyon. Malaya tayong pumili ng ating kakainin, susuotin na damit, o ano ang ating gagawin para sa araw na ito. Ang kalayaan ay ibinigay sa bawat tao mag-mula nang sila ay isilang sa mundong ibabaw. Ito ay nagbibigay kasiyahan sa mga tao, dahil na gagawa nila ang kanilang mga gusto sa pamamagitan ng kalayaan. Kaya’t ang ating kalayaan ay dapat ingatan at hindi abusuhin para sa isang gawain na hindi katanggap-tanggap.

Romero, Jessa Anne
Ang kalayaan ay isang karapatan ng isang taong gawin ang kanyang nais. Malaya tayong mabuhay, at gumawa ng isang desisyon. Malaya tayong gumawa ng mga bagay na nakakapag pasaya saatin nang walang hadlang. Kayat wag nating hayaang mawalan tayo ng karapatang maging malaya. dahil ang kalayaan ay para sa lahat.

Capule, Gracie Mae R.
Ang kalayaan ay isang karapatan ng mga tao na pumili o mag-pasya para sa kanilang sarili. Malaya silang kumilos at mag-salita sa mga bagay na gusto nilang gawin. Maraming ibig sabihin ang salitang malaya, dahil ang mga tao ay may kakayahang baguhin ang kanilang buhay sa sarili nilang mga kamay. Naging malaya tayo dahil sa mga bayani at tao na lumaban para makamit natin ang kalayaan. Pero huwag na huwag natin aabusuhin ang kalayaan, dahil hindi lahat ay pwedeng sabihin at hindi lahat ay pwedeng gawin, kahit ikaw ay may kalayaang sabihin o gawin ito.

Dela Peña, Everly Eden A.
Gaano pinagpala ang sino mang nakakaranas ng kalayaan. Ito ay karapatan na dapat matamasa ng bawat isa. Isa ito sa hinahangad lamang ng mga Pilipino noon, na tinatamasa na sa ngayon. Kung walang kalayaan, hindi natin malayang magagawa ang anumang gusto nating gawin na nagbibigay ng saya sa atin. Lagi nating tatandaan na magpasalamat sa kalayaan na mayroon tayo ngayon dahil hindi lahat ng tao, bansa at hayop ay nagtataglay nito. At higit sa lahat dapat alam natin na gamitin ito sa tama at wasto.

Capangpangan, Hannah Kensia C.
Ang kalayaan ay isang biyayang hindi matatawaran, hindi mabibili ng sino man ngunit ito’y pwede nating ipaglaban. Lahat tayo ay dapat nakakatamasa ng kalayaan, ang hirap naman sigurong mabuhay kung sumusunod ka lang kung paano sila namumuhay. Maging malaya ka, masarap huminga kung walang nagtuturo saiyo kung paano ka dapat hihinga.

Mercado, Amber C.
Kalayaan
Kalayaan na hinahangad ng karamihan. Maging malaya pero dapat alam ang limitasyon. Huwag hayaan na hadlangan ng iba ang inaasam mong kalayaan. Dahil lahat tayo ay may karapatan sa buhay na mag desisyon. Ang kalayaan ay katumbas ng kapayapaan ng puso't isipan.

dela Cruz, Giselle B.
Ang kalayaan ay karapatan ng isang tao. kalayaan sa pagpapasiya, pagpili, pananamit at sa paggawa ng mga bagay na gustong gawin na mayroong limitasyon. Ang kalayaan ang nagsisilbing daan upang malaya nating maipahayag ang ating sarili at mga saloobin. Ngunit hindi lahat ay nararanasan ito, may mga tao parin na hindi makalaya dahil sa nakaraan, at sakit na naranasan. Ang kalayaan na madaling sambitin, ngunit para sa iba ito ay mahirap matamasa't abutin.

Bautista, Chrazel R.
Ang kalayaan ay isang mahalagang konsepto sa buhay ng bawat isa sa atin. Ito'y nagbibigay daan sa bawat isa na mamuhay nang malaya, makapagpasya, at magkaroon ng karapatan sa mga bagay na nagbibigay kasiyahan at kaginhawaan sa ating buhay. Sa kalayaan, tayo ay may karapatan na magpahayag ng ating opinyon, at magpasya kung paano natin ibubuhay ang ating buhay. Ito rin ang nagbibigay daan sa pag-unlad ng lipunan at pagkakaroon ng mga oportunidad para sa lahat.

Garate, Marianne A.
Kalayaan, isang salita subalit maraming kahulugan. Ang pagiging malaya ay hindi lamang maiuugnay sa pananakop ng mga dayuhan sa ating bansa, ito rin ay maaaring maiugnay sa ating sarili. Kalayaan sa iyong sarili na ipakita ang iyong tunay na emosyon. Kalayaan sa iyong sarili na ipahayag ang iyong tunay na saloobin. Higit sa lahat, kalayaan sa iyong sarili na ipakita ang tunay na ikaw ng hindi nababahala sa kung ano man ang sabihin ng iba.

Mendoza, Jaimie Ann C.
kalayaan salitang masarap pakinggan subalit may maaaring nakatatakot na kahihinatnan.
Sapagkat tayo ang pumipili ng ating landas na tinatahak.
Kung ito ba ay ginagamit sa tamang pamamaraan upang magkaisa,  magtulungan o sa ibabubuti ba ng lahat.
ito ay nakatutulong upang ipahayag ang mga ninanais na saloobin ng ating sarili.
Tayo nga ay binigyan ng kalayaan upang Hindi gamitin sa kasamaan kundi gamitin ito na ibigin ang lahat ng tao.

Bautista, Cyrelle Z.
Ang pagiging malaya sa lahat ng bagay ay isang malaking kaginhawaan, kapag tayo ay malaya nagagawa natin ang mga dapat nating gawin. Kumbaga dito ikaw ang huhubog sa iyong sarili, ikaw ang gagawa ng ikakasaya mo. Ikaw mismo ang may hawak ng manibela kung saan pwede kang magpunta at kung ano man ang magiging decision mo ay dapat alam mo kung hanggang saan ka lang. Tamang may kalayaan ka pero dapat ay mayroon ka dapat na linya na magsisilbing paalala kung hanggang saan kalang dapat. Kapag may kalayaan ka ay marami kang matututunan, madalas dito tayo nagkakamali dahil hindi kapa lubusang nahubog pero tayo ay tatayo at tatayo pa rin upang magpatuloy sa paglalakbay.

Tansiongco, Sophia Nicole P.
Ang pagkakaroon ng kalayaan ay ang malayang pagdedesisyon para sa sarili. Nagagawa ang mga bagay na gustong gawin. Naipapahayag ang sarili sa pamamagitan ng malayang pagkilos at paglalahad ng mga saloobin o opinyon. Gamitin ang pagiging malaya sa paggawa ng mabuti. Tandaan na ang pagiging malaya ay mayroong limitasyon, dahil ang bawat kilos ay may kaakibat na epekto na maaaring makaapekto sa ating buhay.

Balais, Angelica P.
Ang kalayaan ay salitang may  mahalagang aspeto sa ating pagkatao at maging sa ating pamumuhay. Ito ang nagbibigay daan sa atin na maipahayag ang ating kilos at damdamin na walang takot o pagaalingan.
Subalit sa kasalukuyang panahon,  ang karapatang pangkalayaan, ay hindi pa rin natin lubos na magamit
dahil sa mga sitwasyong pagaresto o pagpatay sa pagpapahayag ng opinyon, kung kaya't ang usaping ito ay isang patuloy paring hamon na dapat ipaglaban hindi lamang para sa ating sarili, kundi para sa ating mga susunod na henerasyon dahil isa itong pangangailangan na nararapat para sa lahat ng tao.