Sa Ngalan ng Tubo by Gelo Santos

Name (Apelyido, Pangalan)
Reaksiyon sa DocuFilm na "Sa Ngalan ng Tubo"

Ofracio, Jianne Chelsea
‘Sa Ngalan ng Tubo - A Documentary on the Struggles of Millworkers, Farmworkers & people of Hacienda Luisita, Philippines’

“Walang isinalaysay na pangyayari sa sadyang pagpaslang sa mga mamamayan na ang naging tanging sandata ay lehitimong karapatan.”

Noon pa lang ay naging usapin na ang mga pangyayaring ito. Sa mga dyaryo, sa balita, maging kahit ilang taon na ang lumipas kung kaya’t may kaunti akong nalaman ukol dito. Ngunit ang dokumentaryo ay nagbigay ng mas malalim na paguulat sa mga kaganapan noong mga panahon na iyon. Nagsimula sa isang kanta, an ode to the workers kung aking idedescribe. At para saakin, nagbigay ito ng magandang segway sa kung ano ang naging laman ng documentary at ano nga ba ang halaga ng ating mga manggagawa. (Kung tutuusin parang may sinister undertones pa para saakin ang naging kanta, lalo na kung alam mo ang mga sinapit ng naging biktima.)

Sa pagpapalalim sa video, halo-halo ang emosyong naramdaman ko—at ngayon muli ito ay naibabalik—sa pagkaawa, galit, pagkalumo, at pagtatanto ng ‘bakit?’. Ipinakita ang iba’t ibang tema at isyung sumakop sa mga pangyayaring ito. Ang power imbalance ng manggagawa sa mga amo nito, iba’t ibang uri at estado ng buhay, pang-aalipusta, mga boses na hindi manlang dininig, at marami pang iba. Ipinakita din ang naging gampanin ng gubyerno sa isyu, ang kanilang naging aksyon at reperkusiyon nito.

Sobrang nakakapanlumo para saakin na tayo bilang isang bayan maging ang mga nasa may mataas na posisyon ay sobrang baba ng tingin sa mga manggagawang nagtaguyod mismo ng bansang ito. Mga tingin na tila sila ay sindumi at simbaba ng lupa. The fact na kahit hanggang ngayon hindi pa rin ganon katibay ang mga batas upang protektahan sila at bigyan ng pagkakataong umusbong, hindi mabaon sa utang, at umulad kagaya ng mga tanim na kanilang inaani para saatin.

“Pinatunayan ng welga na ang mga manggagawa at magsasaka ang lumikha ng yamang ipinagkakait sa kanila ng mga Cojuangco”

Ngunit ang nangyari, pito ang namatay, lagpasisang daan ang inaresto, limang daan ang nawalan ng mga trabaho. Maliliit na sweldo—pitong piso at walo—mga pamilyang kailangan din naman pakainin, at higit sa lahat trabaho sa lupang ipinangako sa kanila.

Mula sa mga luha ng pamilya hanggang sa mga luha ng mga manggagawang pilit inilaban ang kanilang mga karapatan, ay nauwi sa pagtulo nito sa lupa. At ang pito ay humimlay sa lupang dati sila ang nagbubungkal.

Ganito ba talaga tayo mangtrato sa kapwa Pilipino? At higit sa lahat, may pag-asa pa ba para sa pagbabago? Kung ganon nasaan at kailan ito?

Aguilar, Theodore Gerson D.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang dokumentaryo na nagpapakita ng paglaban ng mga manggagawa sa Hacienda Luisita sa Pilipinas. Ito ay nagsasalaysay tungkol sa mga paghihirap at pakikibaka ng mga millworkers. Ang pelikula ay nagpapakita ng mga pangyayari sa Hacienda Luisita, kabilang ang mga masalimuot na kasaysayan sa lupaing ito at ang pamamahala ng mga Conjuangco.

Sa dokumentaryong ito, makikita natin ang mga magsasaka na nag protesta upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Kahit pa sila ay masaktan patuloy silang lumalaban ng patas at hindi dinadaan sa dahas. Kabaliktaran ng panganib na dinudulot ng kanilang kalaban. Ipinapakita nito ang isang makabuluhang pelikula na nagsasaad ng kahalagahan ng kilusang masa at kung ano ang maidudulot nito sa lipunan lalo na't kung ang mga nasa taas ay nakakaabuso. Higit sa lahat, ang pag kakaroon ng rebulosyon  ang nagiging paraan upang lumaban para sa makamamamayang sistema.

Baluyot, Kenn G.
Sa aking pananaw, ang dokumentaryong ito ay isang napakahalang aspeto na tumatalakay sa mga kritikal na isyu ng agrikultura at kaunlaran dito sa pilipinas.

Sa unang bahagi ng dokumentaryo, ipinakita kung papaano nakakaapekto ang pag angkin at pagsakop ng mga pribadong sektor sa lupain ng mga mamamayanang pilipino.  Nakalaan din sa dokumentaryong ito ang gawi at kung papaano itrato ng mga pribadong sektor ang sektor ng mga manggagawang bukid.

Sa pamamagutan ng pagpapakita ng mga kuwento ng mga magsasakay at kanilang mga laban, naliwanagan ako at nabigyan ng pagkakataon na masuri ang mga hamon na kinakaharap ng sektor ng mga manggagawang bukid sa ating bansa. Pinapakita ng dikumentaryong ito kung gaano nakapikit at kaawa awa ang estado ng ating bansa dahil sa hindi patas at ma-personal gain at interest sa ng ating batas.

Sa ganitong uri ng dokumentaryo, natutunan ko ang kahalagahan ng pagpapalawak ng aking kaalaman at pagpapalakas ng kamalayqn sa mga isyung panlipunan at pang bansa. na walang patas sa bansang mapangahas.

De Guzman, Jan Maverick B.
Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan ng mga tao ang maghanap buhay para lamang mapakain ang kanilang pamilya. Ngunit ang kahirapan ay isa sa mga dahilan kung bakit ito maaaring maging mas malala pa. Ang dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ay puno ng emosyon at bahid ng karahasan. Makikita rito na kahit anong gawin mo para ipahayag ang iyong karapatan at damdamin, mayroon pa ding aagaw nito sa iyo.

Noong Nobyembre 16, 2004, pitong manggagawa at mga mamamayan ang napaslang na dahil lamang sa kanilang pagboses ng kanilang karapatan. Mula sa bawat pag-iyak ng kanilang mga mahal sa buhay ay laging tatatak sa isipan kung gaano kalupit ang mundong ito. Hindi natin masasabi kung sino ang dapat pagkatiwalaan tulad nitong mga kapus-palad na tao na nagdusa mula sa mga kamay ng isang makasariling nilalang. Nagsimula ang lahat noong binili ang Hacienda Luisita ni Jose Cojuangco Sr. na nangangakong ipapamahagi sa mga mamamayan ang lupain. Ngunit hindi siya tumupad sa kasunduan.

Makikita sa pang araw-araw na buhay ang pagsusumikap ng mga tao, isang dahilan kung bakit mayroon pa ding pag-asa sa mundo. Isang aral at paalala sa lahat na huwag agad magtiwala sa mga taong nangangako, huwag magpadaloy at magpalinlang sa matatamis nilang salita. Hustisya ang sigaw ng nakararami, ngunit sila ay binusalan ng isang hamak at madilim na mundo.

Sagales, Ma. Phem O.
Ang dokyumentaryong ito ay patungkol sa hirap na dinanas ng mga magsasaka at mga mamamayan ng Hacienda Luisita. Marami ang namatay, nakulong, at sugatan upang ipagtanggol nila ang kanilang mga karapatan sa lupang inangkin ng pamilyang Cojuangco. Hindi tumupad ang mga Cojuangco sa kanilang kasunduan sa mga magsasaka, kaya't nagsampa ng kaso ang mga ito at nagtagumpay ngunit naka-iwas pa ren ang mga Cojuangco sa pagbabahagi ng lupa. Dahil sa SDO nawalan ng karapatan ang mga manggagawa na angkinin ang kani-kanilang lupa. Isa hanggang dalawang araw na lamang sila nakapag-trabaho at ang kanilang sweldo ay mas mababa pa sa minimum wage. Nag-protesta ang mga tao dahil sa unfair treatment na dinadanas nila sa pinatupad na SDO. Makikita natin na nagkaron ang mga tao ng pagkakaisa upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang manggagawa at magsasaka laban sa yaman na sinasamantala ng mga Cojuangco na dapat napupunta sa mga taong pinaghihirapan ito. Ilang araw silang nag-welga at hindi sila nagpa-buwag, lalo lamang silang nagpatibay para ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Natuto silang dumepensa ngunit biglang gumamit ng armas ang mga sundalo o pulis para mabuwag ang mga tao. Madami ang pinaslang at inalay ang kanilang mga buhay.  Malaki ang nakitang determinasyon ng mga manggagawa at mamamayan dahil subalit sa nangyaring karahasan tuloy pa ren sila sa pakikipaglaban.

Robles, Paula Lei M.
Ang dokumentaryo na “Sa Ngalan ng Tubo” ay naglalahad ng mga karanasan ng mga manggagawang sakada sa industriya ng tubo sa Pilipinas. Ito ay nagpapakita ng mga hamon at suliranin na kinahaharap ng mga magsasaka, ksama na ang kahirapan, kawalan ng seguridad sa trabaho, at labis na control ng mga korporasyon sa kanilang hanap buhay. Sa pamamagitan ng mga kwento ng mga magsasaka, ipinapakita nito ang kawalan ng suporta at proteksyon mula sa Lipunan at pamahalaan.

Sa kabuuan, ang dokumentaryo ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaisa at pakikibaka para sa mga Karapatan ng mga manggagawa at mga pangangailangan para sa pagbabago sa sistema ng agrikultura upang mabigyan sila ng tamang proteksiyon at benipisyo.

Gayunpaman ay ang mga mamamayan ay hindi rin dapat na magbulagbulagan sa mga nangyayari sa kapaligiran. Pagtutulungan ay maaaring makapaghatid ng hustisya at pag usig sa katotohanan upang ang mga manggagawa, magsasaka, at mga trabahador ay maging pantay na sa lipunan na kung saan ay hangga't mayroong tatsulok ay mahihirapan itong manyari kaya naman kailangang buwagin ang tatsulok para sa kapayapaan ng lahat.

Pang aapi ay iwaksi, Pagtutulungan ay sikapin, Para sa pag unlad natin.

Joko Binuya
Sa hirap ng buhay na ang layunin lang ng bawat Pilipino ay makaahon sa kahirapan.  Ang mga taong saklaw ng agrikultura na kung tawagin ay "magsasaka" ay hindi makasabay sa kakera ng iba. Tila ba buong buhay nila  ay palagi nalang nakalubog ang paa sa lupa.

Lupa na sinamsam at inanggkin ng iba na dapat sana ay nagagamit para pagtamnan.

Bigay na buhay sa 'tin ng mga magsasaka mula sa kanilang mga tanim, ay nagsuklian din ng sarili nilang mga buhay. Nakipaglaban para sa kakarampot na lupa, ay humantong pa sa nakakalungkot na trahedya.

Pinatunayan lang ng istorya na ito na ang mga buhay ng taong walang pinag aralan, at salat sa kahirapan ay kailanman hindi magiging pantay sa iba, kung may mga taong sakim at mapangalipusta na nakamatiyag.

Mercado, Joanna Paula C.
Nakatanim na karahasan, noon hanggang                                                             ngayon

Hindi na bago ang mga pangyayari sa naturang dokumentong ito para saakin. Na ang mga mayayaman ang kumokontrol at gumigipit sa mga mahihirap. Lubos ngang kaawa-awa ang sinapit ng mga magsasaka sa kamay ng makapangyarihang pamilya na Cojuangco. Mga tama ng bala, mga sugat, at ang pag-aresto sakanila ang kanilang mga natamo para sa kanilang pinaglalaban, upang maibalik ang kanilang lupain kung saan sila ang nagtaguyod. Lumipas nga ang dalawang dekada ngunit tila hindi naging patas ang makapangyarihang mga Cojuangco, na kahit napanalo ng mga magsasaka ay naging matigas at walang puso ang pamilyang ito. Ako na lamang ay lubos na napapaisip na hanggang saan ang kayang gawin ng isang tao upang manatili sa taas? Upang maging mas makapangyarihan? Upang makapanlamang ng Tao?

Ang masalimuot na kaganapan sa Hacienda Luisita ay  sumisimbolo ng bakal na kamay na sumasakal sa mga simpleng mamamayan na nais lamag matapat na magserbisyo. Hindi dapat isinasantabi ang karapatan ng mga tao dahil lamang sa kanilang social status.

Para rin saakin ay kahanga-hanga ang pinakati nilang katapangan, na hindi sila nagpatinag sa nakakasilaw na  yaman ng pamilyang cojuangco. Sa panahon ngayon ay patuloy at maaring mangyari pa ang mga klase ng pang-aabuso na ganito. Hindi rin nakakatulong na nagiging bulag ang hustisya kapag pera na ang nagsasalita. Palaging nakakatakas sa gapos ng batas ang mga mayayaman, habang ang mga mahihirap ay magwelga lamang ay papaulanan na ng mga bala at palo.

Nakatanim man sa ating nakaraan ngunit tila ang iba ay nakalimot at hindi isinasapuso ang nagsusumigaw na tinig ng mga mamamayan mula nuon hanggang ngayon. Kung magkakaroon lang sana ng pagkatuto at patas na laban ay matagal ng nakamit ng mga  Pilipino sa laylayan ang karapatang pilit na inaagaw sakanila.

Dapat nga bang gamitan ng dahas ang mga simpleng mamamayan na may hangarin lamang na lumaban at magtrabahong patas?  At bakit tila hindi tayo natuto sapagkat ang pamilyang ito ay patuloy parin tinatangkilik ng masa? Ano nalang ang sasabihin saatin ng mga taong nag buwis ng buhay upang labanan ang puwersa ng pamilyang ito?

Sa makatuwid, ang dokumentaryong ito na pinamagatang "Sa Ngalan Ng Tubo", akin ngang naintindihan na sa ibang tao ay tila wala lang halaga ang mga tubo na ito sapagkat pwede naman silang bumili o magtanim nito kung saan nila gusto. Ngunit sa kabilang banda, ito ang buhay and dugo at ang kinagisnan ng mga magsasakang ito. Ito ang nagsisimbolo ng pwersang lakas nila laban sa mga mayayaman. Dahil sa mga tubong ito ay nabubuhay sila at patuloy na lumalaban, at sa huli nga ay sila ay mga bayani ng mga tinig ng iba't iba pang magsasaka sa bansa na mayroon ding ipinaglalaban, sa ngalan ng kanilang buhay, pangarap, at sa ngalan ng Tubo.

Ocampo, Justine Carl B.
Dati ko pa naririnig ang apelidong Cojuanco at binibigyan nila ito ng deskripsyon bilang isang mayaman na pamilya. At sa panonood ng dokumentaryong ito, aking nalaman na sila pala ang orihinal na nagmamay-ari ng lupain sa Hacienda Luisita at Sentral Asukarera de Tarlac. Pinakita rin dito ang paghahati nitong lupain sa pagitan ng pamilya Cojuangco at ang mga magsasaka. Ngunit ang hidwaang ito ang humantong sa Hacienda Luisita Masaker na kumitil ng maraming buhay. Hindi lang pala sa mga pelikula nangyayari ang mga ganitong klasing eksena na dahil sa kagustuhan mapasakamay ang mga ari-arian ay kikitil sila ng buhay makuha lamang ang kanilang nais, ngunit sa totoong nangyari pala ito sa tunay na buhay at isa na rito ang mga Cojuanco. At talaga namang kitang-kita ang repleksyon ng bulok na sistema sa ating bansa dahil hanggang sa kalukuyan pala ay hindi pa nakakasuhan ang mga taong kumitil ng maraming buhay at wala man lang hustisya para sa kanila.

Manahan, Eliza Loraine D.
Ang panooring "Sa Ngalan ng Tubo" ay parang naging isang inspirasyon sa akin upang mamulat pang lalo ang aking kamalayan sa mga isyung kinakaharap ng ating lipunan at bansa.

Ito'y isang dokumentaryong nagbubukas ng mga mata ng lipunan upang mabigyang pansin ang paghihirap na dinaranas ng mga magsasakang Pilipino. Ipinakikita rito kung gaano kahirap maging isang manggagawang inaalipusta ng kanilang sariling bansang pinaglilingkuran. At ito'y mga pangyayari na hanggang sa kasulukuyan ay nararanasan pa rin ng mga manggagawa. Nakalulungkot mang isipin, ito ang katotohanan ng malupit na gobyernong pinipilit na ipikit ang kanilang mga mata para sa mga nasa laylayan.

Ito ang katotohanang laging naibabaon sa kailaliman ng mga nakaupo. Ang katotohanang hindi patas ang gobyerno sa lahat, mananatili itong may iniaangat at hinihila pababa. Mayroong mga patagong tinatanggalan ng karapatang mamuhay nang matiwasay katulad ng iba.

Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay nagpapahiwatig ng isang adbokasiya sa pamamagitan ng lalong pagpapakita ng bawat paghihirap ng mga manggagawang Pilipino. Ipinararating nito sa atin na mabigyang pansin ang problemang kinakaharap sa bahaging ito ng lipunan, na tila pilit na tinatakpan ng siyang mga nakatataas.

Sa huli, ay nakakaantig pa ring makita na kailanma'y hindi maaapula ng panahon ang nag-aalab na pagkakaisa sa puso ng bawat Pilipino.

Magbitang, Erykha Jaimy R.
"SA NGALAN NG TUBO"

"SA NGALAN NG TUBO"
ito ay dokumentrayong tumalakay sa pamumuhay, pinagdadaanan, sitwasyon, kalagayan, at paghihirap ng mga mangagawao magsasaka.

ipinakita sa dokumentrayong ito ang pinagdaanan ng mga magsasaka sa isang asukarerang nakamalaunang tinatanggalan sila ng karapatan sa tamang buwis at sahod, na ito lamang ang pinagkukuhanan ng pangkabuhayan. Ang kaganapang ito ay nagdulot ng malaking pagwewelga ng mga magsasaka upang ibalik ang karapatan na sa kanila'y ninakaw at ipinagkait. ang malawakang pagwewelga at pagkakapit-bisig ay nagdulot ng malaking kaguluhan para lang maibalik ang kanilang pinagkukunan ng pagkakabuhayan ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang pagtayo at paglaban para sa karapatang ninakaw sa kanila, sinauli ng mga pulisya ay rahas. Hindi ko aakalain ang buhay ng mga magsasakang nawala sa mga kamay na mga dapat na nagtatanggol sa atin. Ang karapatan ng mga magsasakang dapat hindi pinagkait ay patuloy na ninakaw sa kanila ay kanilang pinagtanggol at ipinaglaban hanggang sa dulo ng kanilang hininga. Kailangan pa bang iaalay nila ang kanilang buhay para lang magkaroon ng sahod na patas. Nakakatawa lang isipin, na kung sino yung dapat na kasangga at nagtatanggol sa atin ay sila pa ang papatay sa kalayaan at karapatang ipinaglalaban natin.

Ako ay naghihinagpis sa mga pasakit na dinanas ng mga magsasakang kumakayod lang para sa kanilang simpleng buhay. Kay sakit naman sa puso, ang kalagayang kanilang hindi naman dapat nilang natamo.

Camacho, Kurt Lincoln M.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang dokyumentaryo na siyang nagpamulat, lalo na sa mga manggagawa nakararanas ng ganitong isyung panlipunan. Ito ay tumatalakay sa pang-aabuso o pagmamalupit, pakikibaka para sa karapatan, at kung paano brutal na pinaslang ang mga magsasaka sa ekta-ektaryang lupain ng Hacienda Luisita

Labing apat na nagwelga, kabilang na ang dalawang bata, ang napatay nang magpaputok ng bala ang mga awtoridad ng estado na humihiling ng reporma sa lupa. Ito ay tugon ng estado at plantasyon sa mga popular na welga na humihingi ng reporma sa lupa. Sa isang lugar kung saan naglalaban ang tribong Sakada at may-ari ng lupang Cojuangco-Aquino, natapos ang mailap na paghahanap ng hustisya na pilit inililibing ng mga minumulto ng nakaraan. May isang silid kung saan matututuhan ang kasaysayan ng pakikibaka ng mga taong walang pagmamay-ari na lupa laban sa kanilang mga amo.

Sadyang tunay na kay lupit ng mundo, lalo na ng mga taong kayang gumawa ng mga ganitong kasakiman. Hindi ko lamang mawari kung bakit palagi silang mga kapos at salat sa buhay na walang tanging hangad kundi ang may mauwi sa kanilang mga pamila ang sila pang dapat na makaranas ng mga ganitong bagay? Nakalulungkot isipin na ang ganitong alitan ay dapat pang kumitil ng buhay.

Ducot, Eirielle E.
Ang docufilm na mula kay Kara David na "Sa Ngalan ng Tubo" ay maaaring maging malalim at emosyonal para saatin, dahil ito ay ipinapakita ang mga totoong karanasan at paghihirap ng mga manggagawang nagtatrabaho sa industriya ng tubo. Maaaring magdulot ito ng pag-unawa at pagpapalakas ng kamalayan sa mga isyu ng kahirapan, karapatan ng manggagawa, at katarungan. Ang pagkakaroon nila ng mababang sahod, ang hindi makatarungang pagtrato mula sa mga nagmamay-ari ng lupa, at kawalan ng seguridad sa trabaho ay ilan lamang sa mga isyu na tinatalakay ng dokumentasyin. Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na kanilang tinamasa, ang mga manggagawa ay nagpapakita ng determinasyon at pagkakaisa sa pakikipaglaban sa kanilang mga karapatan. Ang dokumentasyong ito ay hindi lamang isang panuorin para saatin, ito ay isang instrumento upang mabuksan ang ating mga isip at pananaw sa mga bagay na hindi natin alam at hindi natin napapansin na naapektuhan ng ating ekonomiya na dapat nating gawan ng paraan kasama ang gobyerno.

Eric R. Bagay II
Ang bidyo na "Sa ngalan ng tubo" ay kwento ng mga manggagawa at manggagawang magsasaka na lumaban sa pamilyang cojuanco upang makuha nila ang kanilang karapatan at upang matupad ang ipinangakong usapan ng pamilya cojuanco na ibibigay sa mahihirap na tao ang mga parte ng lupa pagkatapos ng isang dekada. Ngunit pagkatapos ng dalawang dekada, hindi tinupad ng pamilya cojuanco ang usapan at doon nagsimulang maghain ng kaso ang mga mamamayan. Pagdating sa dulo, ang mga manggagawa pa ang naging kawawa at maraming namatay. Sa pangkalahatan, ipinakita ng mga manggagawa at manggagawang magsasaka na hindi sila pumapayag sa patakaran ng pamilyang cojuanco, ipinakita nila ang kanilang lakas ng loob hanggang sila ay mamatay para lang makuha ang kanilang karapatan bilang isang mamamayan.

Verona, Mel Christian V.
Awa, at galit.

Ito ang mga pakiramdam na nangibabaw sa akin ng mapanood ko ang dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" ng Tudla Productions.

Awa, dahil ang mga magsasaka, ang mga taong nakatira sa Hacienda Luisita, ay nagnanais lamang ng mas maayos na buhay, mas maayos na kabuhayan, magkaroon ng lupa na puwedeng tirhan, at magkaroon ng pera na sasapat sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Ipinaglaban lamang nila ang kanilang karapatan, at bumoses lamang sila sa tama, tapos ang aabutin lamang nila sa mga pulis at mga mayayaman ay dahas? Sa totoo lang, ako'y bahagyang naiyak at talagang dinadamdam ko ang mga saksing iyon habang ito'y aking pinapanood. Iniisip ko, ang mga taong ito ay umalis sa kanilang bahay upang tumayo at ipaglaban kung ano naman talaga ang para sa kanila, ngunit iuuwi na silang mga malalamig na bangkay.

Ako rin ay nagalit sa mga Cojuangco, sa mga pulis, sa mga may kapangyarihan nung panahon iyon, at lalong-lalo na sa sistema ng Pilipinas. Makikita talaga ang malayong agwat sa mga mayayaman at mahihirap, na imbes na tulungan ang mga mahihirap, ang mga mangagawa, ang mga kapos, ay sila pa ay pinahirapan, pinaslang, at winalang- hiya.

Pero kung tutuusin, ang mga manggagawang ito ang nagtratrabaho at nagbabanat ng buto, sa totoo lang, sila ang lumilikha ng yaman ng mga Cojuanco, kung wala sila, wala namang produksyon ang mangyayari, wala ring yamang mabubuo.

Ang Hacienda Luisita Massacre ay isa sa mga pinaka-madidilim na yugto at laban para sa mga manggagawang Pilipino. Ito ay repleksyon ng 'di pantay na karapatan ng mga mayayaman at mahihirap, at ang pagka-ganid at pagka-makasarili ng mga nasa taas.

Ako ay maraming natutuhan ,at sana ang mga tao rin sa kasalukuyan sa mga aral ng Hacienda Luisita Massacre, nang ito ay hindi na muling mangyari pa.

Aca-ac, Adrian Cedric P.
Ang dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ay ng mga pangyayari na nagpapakita ng paghihirap ng mga magsasakang Pilipino, at nagbubukas ng mga mata ng lipunan tungo sa kanilang kalagayan. Pinapakita nito ang hirap at pag-aalipusta na kanilang kinakaharap mula sa sariling bansang kanilang pinagsisilbihan. Ang mga pangyayaring ito ay patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan, at kahit nakakalungkot, ito ang mapait na katotohanan na tinatabunan ng mga mata ng mapang-abusong pamahalaan sa mga nasa laylayan.

Urbano, Missie Cassandra
Noong una ay nagtataka ako kung bakit "Sa Ngalan ng Tubo" ang titulo ng dokumentaryong ito, ngunit nang napanood ko ito, namulat ang aking mata sa mga bagay na hindi karaniwang pumapasok sa ating isipan. Isa sa mga dahilan nito ay dahil mayroon tayong pribilehiyo at madalang na dumako ang kaisipan natin sa mga detalye tulad ng kung saan nagmumula ang mga kinakain natin at kung ano ang mga k'wento sa likod nito.

Ipinakita ng dokumentaryong ito sa akin ang labis na hirap na dinaranas ng mga magsasaka pati na rin ang mga mayayaman at mga opisyal na abuso sa kapangyarihan. Hindi sapat ang pagtindig sa tama at nararapat dahil maaaring baluktutin ang katotohanan. Bilang mga isang mamamayang Pilipino at isang tao, dumako sa isip ko na mas madalas pa siguro rito and pag-aabuso sa iba't ibang paraan hanggang ngayon. Nakalulungkot lamang isipin na humantong pa sa kamatayan at dahas ang pangyayaring ito kung saan karapatan naman mismo nila ang ipinaglalaban nila.

Nabuksan ang kaisipan ko sa katiwaliang maaari at maharil ay nangyayari na nga araw-araw. Ang mga karapatang hindi maipaglaban nang tama, mga taong inaabuso at hindi maibigay ang nararapat at ang pribilehiyong mayroon tayong lahat. Hindi malabong marami paring nangyayaring abuso sa karapatan hanggang ngayon at magandang mamulat ang kaisipan ng bawa't isa ukol sa ganitong mga isyu na kinakaharap ng kapwa natin Pilipino na nagbibigay sa atin ng mga bagay na para sa atin ay madali lamang makamtan, ngunit hindi natin alam ang pinagdaanan ng mga taong naghirap para rito.

Ancheta, Sherwin U.
Ang welga na ito ay para sa mga manggagawa at mga magsasaka ng hasyenda luisita na nagsimula nuong ika 6 ng nobyebre nuong 2004 sa gate 1 at gate 2 ng hasyenda. Dahil ito sa paglapastang sa kanilang pagkuha ng lupa, sahod, at karapatan. Ang pamilya na kanilang kaaway ay ang mga Cojuangco, itong welga na ito ay naging madugo nuong ika 16 ng nobyembre 2004 dahil sa pagkakawala ng putok ng pulis at militar sa mga manggagawa at mga magsasaka. Nagsimula ito sa stock destribution option na binutohan ng mga manggagawa at magsasaka dahil napilitan sila at sinabe na sila ay mawawalan ng ng trabaho at kinabubuhay. Pagkatapos ng welga ay nakaaresto ng mahigit kumulang na 112 katao, 7 patay, at 40 sugatan. Para sa aking palagay ay napaka sakit at walang awa ang mga ginawa ng gobyerno sa mga inosentwng mamayanan ng tarlac dahil hindi lamang binantaan sila na mawawalan sila ng trabaho kundi pinagtrabaho naman sila sa napaka babang halaga na ₱9.40 ang inhumaine ng pagtrato at paglapastangan nila sa mamayanan ng bansa natin. Hanggang ngayun ay patuloy padin anh paglapastangan ng mga nakakataas sa mga mahihirap dahil dito sila mas yumayaman at dito narin mas humihirap pa lalo ang mga taong hindi pinagpalad sa kayamanan. Ang mismong title ng pelikula ay may nasasabi na agad na kwento dahil and salitang tubo or sugar cane ay nag mimistulang simbulo ng karapatan ng isang manggagawa at magsasaka, at gagawin nila ang lahat sa ngalan ng tubo.

Jose, Earl Christian O.
Base sa aking napanuod sa apat na parte ng bidyo sa youtube na nagngangalang “Sa ngalan ng tubo”, dito ay dinodokyumentaryo kung ano ang totoong naganap sa massacre sa hacienda luisita.

Noon ay naririnig rinig ko lamang ito sa mga balita at nakadikit ang balitang ito sa ngalan ng mga conjuanco, ang hacienda luisita ay isang malaking lupain na sumasakop sa maraming baranggay sa tarlac, at alam naman natin na ito ay teritoryo ng mga conjuanco

Dito ay ipinapakita na kontra ang gobyerno sa mga mahihirap na manggagawang bukid at sila ay kumakampi sa mga conjuanco para lamang sa kapital.

Ipinaglalaban ng mga magsasaka ang kanilang kakarampot na kita kumpara sa mga ari arian at mga bagay na nabibili ng mga conjuanck tulad nang mga kabayo.

Dito ay maraming sumuporta mula sa iba’t ibang sector at ipinakita sa documentary na itinapon nila ang kanilang mga dos por dos at nagkapit bisig sila upang ipaglaban ang kanilang karapatan laban sa afp at pnp na may daldalang mga shield at dito ay nabigo ang mga awtiridad

Ngunit pilit na itinataboy ng tear gas ng mga bumbero ang mga welgista at dito ay humantong sa madugong massacre ang kanilang pakikipaglaban. Ito ang patunay na hindi aayon sayo ang gobyerno kung wala kang pera

San Diego, Cielo Louise L
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay nagpapakita ng buhay at ipinaglalaban ng mga manggagawa at nakatuon ito sa mga kinakaharap na problema ng mga manggagawa at mangagagwang bukid mula sa Tarlac at Hacienda Luisita.

Makikita na sa pakikipaglaban nila sa kanilang karapatan, may mga nasaktan at nasawi. Ito ay dahil sa lupain na una ay ipinangako sa kanila, at kalauna'y nawalan sila ng karapatan na gamitin. Ito ay naging sanhi ng kahirapan ng mga manggagawang bukid.

Dito itinindig nila ang kanilang karapatan, paglalahad ng kanilang nais bilang isang tao na may karapatang magpahayag at magtrabaho. Dito makikita na ang ilan sa mga nasa matatas na antas ng buhay ay kadalasang inaabuso ang mga nasa mababang sektor at ginagawa pati na ang mali at dahas para lamang makuha ang kanilang gusto.

Hindi makatarungan at lalo na't hindi karapat dapat na idaan sa dahas ang pagpapatigil sa karapatang pagpapahayag at pakikipaglaban ng mga manggagawa sa paraan ng pagra-rally.

Abarca, Jazzmine Mae G.
Sa pagsusuri sa dokumentasyon, mahihinuha na pinapakita nito ang 'di ka-atim atim na paghihirap sa likod ng mga magsasakang Pilipino na dahilan kung bakit sa pangaraw-araw ay mayroon tayong naihahanda sa hapag kainan. Nais nitong mamulat ang mga mata natin sa tawag ng mga magsasaka patungkol sa patuloy na suliranin na kinakaharap nila. Ang pagangkin sa mga taniman, labis na kahirapan, kawalan ng proteksyon at karampatang kompensasyon sa pangangailangan ay hindi na dapat pang ipagsawalang bahala. Ang dokumentaryong ito ay isang tawag para sa bawat isang Pilipino upang tumindig at gamitin ang boses nang sa gayon marinig ng mga taong nakaupo't nasa taas. Sapagkat hindi na dapat pang magpatuloy ang korapsyon sa hanay ng agrikultura. Bagkus, dapat pa natin itong pagyamanin nang ito'y patuloy na yumabong kasabay ng ekonomiya ng bansa at ng buhay ng mga magsasakang Pilipino.

Duncil, Mikhail John Depp S.
Labis na nakalulungkot at nakagagalit ang sitwasyon ng mga manggagawa noon sa Hacienda Luisita, ito ay hindi makatarungan at hindi makatao. Ang hinagpis at hinanakit ng nga taong sangkop sa pangyayari iyon ay akin nadama, bilang isang manonood. Ako ay nagalit, at naluha, dahil aking nasaksihan kung gaano ba kasama, kasakim, at kung ano-ano pang masasamang salita, ang sistema sa Pilipinas.

Ang dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo," ay naipapakita kung gaano hindi makatao at makatarungan ang sistema ng Pilipinas. Pinapaburan lamang ng batas at ng militar ang kapangyarihan na mayroon ang mga nasa puwesto, may pera, at may kapangyarihan, ipinakita ito noong nag aklas ang mga tao laban sa militar. Ang kaibahan nila ng sandata, ang kanila pamamaraan ng pag depensa, makikita rito ang "inequality," at ang desperasyon ng mga tao upang maipaglaban ang kanilang lupa. Nakakalungkot at nakakagalit isipin na kung sino dapat ang sa atin ay dapat na magprotekta ay sila pa ang gamit ng mga sakim sa opresyon nila sa mga magsasaka.

Hindi makatao ang trato nila sa mga magsasaka na bumubuhay sa mga tao, ang pagbaba ng kanilang sahod, ang panlilinlang nila sa mga tao, at ang eviction na kanilang ipinatupad, ito ay sakim, at hindi makatao. Hindi ginusto ng mga tao ang mamatay para sa kanilang pinaglalaban, gusto lamang nila ng kung ano bang kinuha sa kanila. Gusto nilang matrato ng tama at naaayon sa kanilang pangangailangan. Ang sitwasyon na iyon ay nagpapakita kung bakit nakakalungkot isipin at makita ang sistema ng Pilipinas.

Ang mga tao ay kailangan pang lumaban para lamang sa isang patak ng tubig, para sa kung anong nararapat sa kanila. Ang kanilang galit, lungkot, at poot, ay makatarungan, dahil ito na lamang ang kaya nilang ibigay. Sa hirap ng kanilang buhay, mas pinapahirap pa ito, dahil ang ang "economic class" nila ay hindi pinapaboran ng batas.

Vasquez, Francine Kelly DJ.
Karaniwang ginagawang biruan sa kasal ay mga salitang "Ang akin ay akin, ang iyo ay akin pa rin". Isang nakakatawang biro at hindi nakakasakit. Pero, noong taong 2004, ang simpleng biro na ito ay naging katotohanan ng buhay ng mga tao sa loob ng Hacienda Luisita. Ang simpleng usapan na sana ay nauwi sa masayang salu-salo at pista ay naging sanhi ng pagkalagas ng dahon ng mga miyembro ng pamilya.

Ang dokumentaryo na "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang bidyo na nakakapagpamulat ng mata ng mga Pilipino. Sa dami ng tao sa loob ng Hacienda Luisita, mga manggagawa at kanilang pamilya, ay hindi tumalab sa kapanyarihang tanglay ng pera. Sa ilalim ng mga mata ng batas, ang mga manggagawa ng Hacienda Luisita ay siyang tama at tunay na may karapatan sa lupang sa kanila ay inaangkin. Ang kanilang panghihirap ng mahigit na sampung taon ay hindi dapat pang pagduduhan at ang sa kanila ay marapat lamang na mapunta sa kanila.

Ngunit, ang mga taong kanilang kinakaharap ay mga taong tuso at mga taong manipulatibo, ang mga Cojuangco. Matatandaan na ang pamilyang ito ay mula sa Tarlac at ang kanilang koneksiyon sa lugar ay tunay na malawak. Ang kanilang pamilya ay may-ari ng Hacienda Luisita Corporation at mayroong lupain na tinatayang mahigit sa 6,000 na ektarya. Sa ilalim ng batas, ang lupaing ito ay dapat na ipinamahagi ng pamilya sa mga manggagawa. Subalit, ang tao ay hindi isang tao kung hindi sumagi sa kaniyang isip ang manlamang ng kapwa. Ang pamilya Cojuangco ay pinagsamantalahan ang kanilang kapangyarihan sa trabaho ng mga taong ito; ginawang tanikala ang kanilang kita upang sila ay hindi tumuloy sa binabalak na pagwewelga.

Lahat ng butas ay sinilip at nilusutan upang ang batas ay matakasan. Lahat ng pangako ay ipinako upang ang kanilang tiwala ay maangkin. Pero sa huli, ang mga manggagawa ay siyang umuwing luhaan kahit pa sila ang tama. Noong Nobyembre 16, 2004, ang Hacienda Luisita Massacre ay naganap. Lahat ng daliri ay nakaturo sa mga manggagawa kahit pa ang kanilang mga kamay at konsensiya ay malinis. Hindi dahas ang kanilang hinahanap ngunit pagiging patas at magkaroon ng sa kanila ay ipinangako ng batas.

Ang pangyayaring ito ay isang kaganapan na nakakapagpamulat ng mata ng mga tao. Sa ilalim ng batas, lahat ay patas. Lahat ng tao ay tao lamang na nabubuhay. Ngunit, sa ilalim ng pera, kapanyarihan ay ipinagkakaloob lamang sa mayayaman at ang kailanman ay hindi pumapanig sa salat. Ang Hacienda Luisita Massacre ay isang pagbubukas ng mata na kapag ikaw ay mahirap, lahat ay mahirap at ang karamay mo ay ang sarili.

Agcaoili, Nathan D.
Ang dokumentaryong nagngangalang, "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang narratibo na nagpapakita ng realidad na kung saan ang nasa itaas ay lalong umaangat, habang ang nasa laylayan ay patuloy na natatapakan. Pinakita sa dokumentaryong ito ang mga magsasaka at ang kanilang laban upang mabigyan ng tamang kompensasyon. Ipinakita rin ang kanilang kinahinatnan matapos ang madugong komprontasyon sa mga may-ari ng Hacienda Luisita na ang mga Cuangco.

Maaari nating sabihin na, oo, sila ang nagmamay-ari ng lupa na ito, ngunit kahit kailanman hindi ito naging permiso upang malupitin, saktan, at abusuhin ang kanilang mga trabahador, mas lalo na, patayin ang mga ito.

Pinapakita ng dokyumentaryong ito ang madiin na nakabaong korupsyon sa ating sistema, kung saan umaangat ang mga nasa itaas at lalong namamaltrato at naabuso ang normal at nagtatrabahong mamamayang Pilipino.

Cunanan, Faith Angel G.
Sa dokyumentaryong napanood ay ipinapakita kung gaano naghirap ang mga taong nagt-trabaho ng marangal sa palayan. Ang mga magsasakang ito ay inagawan ng lupa na hindi galing sa sariling bulsa. Hindi naging madali ang kanilang pinag daanan dahil sa maraming nabawian ng buhay at maraming nasugtan. Ngunit sa kabila ng pagsubok na kanilang hinarap ay hindi nawala ang balas ng pagiging masayahin sa kanilang mukha. Kung mahirap ang kanilang pagt-trabaho lalo itong naging mahirap dahil sa naging matumal ang kanilang paghahanap buhay na naging sanhi ng kanilang pagkapos sa pagkain sa oang araw araw magmula noong makuha ng lupa na nararapat sa kanila. Nagdaan at lumipas ang maraming taon kasabay nito ang kanilang paglaban at pagtutulung tulungan. Nagpapakita ito ng pagiging isang matatag at pagkakaisa ng mga pilipino.

Mirasol, Clark Ernest I.
Ang dokumentaryong "Sa ngalan ng Tubo'' ay nagpapakita ng pangaabuso ng isang pamilya sa karapatan ng mga magsasaka. Pinakita rin sa dokumentaryo na nakibaka at ipinaglaban ng mga magsasaka ang kanilang karapatan at maibigay ang nararapat sa kanila, sa pakikibaka ng mga magsasaka ay nagresulta sa isang pagpatay.

Ang dokumentaryong ito ay mapagmulat sa mga tao kung ano nga ba ang mga nangyayare sa mga magsasaka, kung paano sila gipitin ng mga taong mapangabuso.

Gumafelix, Allysa Marie P.
Ipinakita sa dokumentaryong, "Sa Ngalan ng Tubo" kung paano hinarap ng ating mga magsasaka ang mga suliraning dumating sa kanila na nagmula sa walang makatarungang pag angkin ng mga Cojuangco sa lupaing kanilang sinasaka. Ipinakita rin dito kung paanong hindi bigyan ng katarungan, pansin, at halaga ng mga nasa itaas ang sigaw ng mga magsasakang naghihirap at ninakawan ng itinuturing nilang kayamanan. Dagdag pa rito, dahil sa kagustuhan ng mga magsasaka na makamtan ang hustisyang sa kanila'y dapat ay umabot na ito sa kanilang pagwe-welga at humantong pa ang ibang magsasaka sa kanilang kamatayan.

Dahil sa dokumentaryong ito ay mas labis akong natakot dahil ang batas ay kaya talagang baluktutin gamit ang salapi noon. Ano pa kaya ang mas hindi makatarungang maaaring mangyari ngayon? Maaaring hindi na lamang magsasaka ang makararanas nito bagkus ay maaaring ang lahat ng mamamayang Pilipino ay makaranas na rin nito. Nakalulungkot isipin na mayroong mga mabibigat na pangyayari noon na pati ang mga maayos na naghahanapbuhay na magsasaka ay walang habas na ninanakawan ng mayayaman. Nakalulungkot din na hindi mabigyan ng hustisya ng gobyerno ang magsasaka, dahil ba sila'y mahirap? Subalit ang batas ay hindi lamang para sa mayaman bagkus ay para sa lahat. Kung kaya, ngayon ay dapat maisabuhay at gawin na ang katarungan ay ibinibigay sa lahat. Ang laban ng inaapi ay laban ng lahat; ang laban ng mga manggagawa ay laban ng lahat. Higit sa lahat, ang laban ng magsasaka ay laban ng lahat.

Luig, Kriscelyn T.

Pinto, Frances Natali P.
Ang dokumentong "Sa Ngalan ng Tubo" ay nagbibigay mulat sa kung ano ang nakapaloob sa mga hindi natin karaniwang nakikita sa lipunan. Nakaramdam ako ng awa at panghihinayang sa mga taong nagsakripisyo ng kanilang mga buhay upang ipaglaban kung ano ang nararapat lamang na sa kanila. Katulad ng pagtatanim ng puno ng kanilang mga pangarap sa lupang kanilang pinaghihirapan, hirap at pagod ang kanilang nilaan upang umusbong ang kanilang pagsasaka, subalit, sa pagdating ng mga taong nakakataas tulad ng mga Cojuangco, ito ay parang bagyong dumating na nagbigay ng matinding paghihirap sa mga magsasaka. Hanga ako sa mga magsasaka sa Hacienda Luisita sa pagtindig at pakikipaglaban para sa kanilang lupain. Nakakaalarma ang pagtanggi ng mga magsasaka at ang pagdating sa isang madugong katapusan. Ito'y isang maalalahanin na paalala na ang pakikibaka para sa karapatan at pagmamahal sa lupang sinasaka ay maaaring may malungkot na kahihinatnan ng hustisya lamang ang magreresolba.

Espiritu, Ashley Gwyneth C.
"Sa Ngalan ng Tubo"

Ang bidyong ito ang nagpamulat sa aking kaisipan. Dito ko nakita kung gaano kabulok at kasama ang sistema sa ating bansa. Hindi ko lubos akalain na 9.50 pesos lamang ang sahod ng mga mangagawa sa araw- araw. At bukod pa dito ay pinagsasaluhan pa nila ang iisang lupa na nagiging dahilan pa ng pagbaba ng kanilang sweldo. Ang tangi nilang hiling ay mabigyan pa sila ng lupang mapagtataniman at tumaas pa ang kanilang sahod. At dito na nabuo ang pinagsamang pwersa ng dalawang unyon upang ipaglaban ang yaman na ipinagkakait sa mga mangagawa. Halos umabot ng isang linggo ang kanilang pakikipaglaban. At di ko lubos akalain na legal na basain at batihin ng "teargas" ang kapwa mo Pilipino. At ang malala pa dito ay mayroon pang pinaslang na 13 na magsasaka.

Ngunit gumaan ang aking loob noong napagtagumpayan nila ang kanilang minimithi. Ang bidyong ito ang nagbigay inspirasyon sa akin upang mas pagbutihin pa ang pag - aaral.

Claudio, Sheree Lou B.
Ang dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" ay nagsasalaysay tungkol sa mga manggagawa, na nagtatrabaho sa industriya ng tubo, na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan sa lupa laban sa pamilya Cojuangco bilang mga manggagawa na ang nais lamang ay mabigyang katarungan.

Ito ay labis na pumukaw sa aking damdamin sapagkat inilantad dito ang tunay na isyu at karanasan ng mga manggagawa sa ating bansa. Kahit pa man sila ay mga manggagawa na tapat at buong pusong naglilingkod ay patuloy pa ring naaalipusta ng mga taong nasa itaas. Hindi ko tuloy lubos na maisip na may mga ganitong mga klaseng tao pala na kahit ang hangad lang ng iba ay mabigyan sila ng katarungan at simpleng pamumuhay ay pinapairal pa rin ng mga taong mas mataas sa kanila ang kasakiman. Dito ko napagtanto na sa lipunan sa ating bansa, ang mga taong nasa laylayan ay patuloy lamang na hihirap at ang mga taong nakakaangat ay malaya at patuloy na tataas.

Andrea Gail V. Piedad
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang dokyumentaryo na nagmumulat sa atin tungkol sa karanasan ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Sila ay handang ialay ang kanilang buhay para sa pantay na karapatan, sa kanilang sahod, trabaho, at ang lupang inangkin sa kanilang ng pamilya Cojuangco.

Ang Central Azucarera de Tarlac at Hacienda Luisita ay binili ni Jose Cojuangco Sr. sa TABACALERA na isang korporasyong Español gamit ang pera na pautang mula sa Banko Central ng Pilipinas at GSIS sa kondisyong ipapamahagi ang lupain sa maliliit na magsasaka pagkatapos ng sampung taon na hindi tinupad ng pamilya Cojuangco. Dalawang dekada ang nakalipas, at naging legal pa ang panga-angkin ng lupain at tuluyang nawalan ng karapatan ang mga magsasaka rito. Marami sa mga magsasaka ang natanggal sa trabaho at mga nakatira dito ay napaalis, at ang mga magsasakang patuloy na nagta-trabaho dito ay sumusweldo ng mas mababa pa sa pinakamababang pasahod sa ating bansa. Ito ang kwento ng Hacienda Luisita Massacre ang tanda ng hindi makatarungang panga-aabuso sa mga magsasaka rito para sa kayamanan at kapangyarihang pansamantala lamang.

Agapay, Elaija Daniela P.
Hindi na bago sa lipunan ang panggigipit ng mga kapitalista sa mga manggagawa ng bayan. Naipakita sa dokumentaryong, "Sa Ngalan ng Tubo" ang masalimuot na karanasan ng mga magsasaka ng tubo sa lupain na pagmamay-ari ng pamilyang Cojuangco. Ang isyu na ito ay nagpapakita ng hindi magandang pamamalakad sa sistema ng pamamahagi ng lupain at sweldo sa mga magsasaka ng lupain, na dahilan kung bakit may hinanakit at poot sa bahagi ng mga magsasaka.

Ang kahirapang kinaharap ng mga magsasaka sa panahong iyon ay nakakadurog ng puso. Ang pagnanais na magkaroon ng maayos na buhay at mapakain ang kanilang mga pamilya ang dahilan upang mas maging masigasig sa kanilang trabaho, ngunit tinanggalan ng mga Cojuangco ng karapatan ang mga magsasaka na paunlarin ang kanilang pamumuhay. Isa sa bahagi ng dokumentaryo ang scenario kung saan kinaltasan ang sahod ng mga manggagawa hanggang sa kakarampot na lamang ang maiuwi nito sa kanilang pamilya. Hindi ito katanggap-tanggap dahil hindi patas ang naging balik sa kaniyang sipag at tiyaga, habang ang mga namumuno ay kumikita ng milyong-milyong salapi.  Dito nagumpisa ang strike na isinagawa ng mga magsasaka upang ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupaing tinubuan. Kahanga-hanga ang dedikasyon na ipinakita ng mga magsasaka, ngumingiti pa rin sa isa't isa kahit walang kasiguraduhan ang patutunguhan. Ilang beses na nangyari ang strike, nagsama-sama ang mga magsasaka upang ipaglaban ang iisang mithiin, ngunit nakalulungkot na ginamitan ito ng dahas ng may mga katungkulan, marami ang lubhang nasugatan at namatay dahil sa aksyong binitawan ng militar at kapulisan, noon ay teargas lamang ang binabato  hanggang sa naging bala na ito.

Masakit isipin na maaaring may mga pangyayari pa ring ganito sa kasalukuyan, ngunit ang mga magsasaka ng Hacienda Luisita ang nagpakita ng kanilang determinasyon upang ipaglaban ang kanilang karapatan upang umangat sa buhay. Ang mga sigaw at boses ng mga magsasaka na minimithing mamuhay ng payapa at magkaroon makabuluhang sistem ay unti-unting tinanggal ng pamilyang Cojuangco.

Cruz, Jana Angelene B.
Ang dokumentaryong “Sa Ngalan ng Tubo” ay nagbigay sa akin ng halo-halong emosyon. Sa aking napanood, makikita ang pagsisikap at determinasyon ng mga magsasaka para ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Kung ako man ang makaranas ng ganitong pagmamaliit at pagiging agrabyado kahit hindi naman dapat ay ako rin, ay ipaglalalaban ang nararapat. Kung kaya’t ako ay humanga sa pinakitang giting ng mga magsasakang ito. Kahit na malaki ang kanilang kinakalaban, sila ay nagkaisa na mayroong iisang mithiin upang mabigyan ng karampatang kompensasyon ang kanilang mga pinaghirapan sa mga nakaraang taon.

Itong mga magsasaka ay hirap nang makaahon sa kahirapan dahil sa mga Cojuangco. Dahilan nito ay, sa mga nagdaang taon, hindi pa rin naibibigay ang kompensasyong nararapat at napagkasunduan nilang matanggap gaya na lang ng ipapamahaging mga estado sa mga magsasaka. Lumipas na ang maraming taon ngunit walang natanggap ang mga magsasakang ito sa mga ipinangako sa kanila. Ako ay nakaramdam ng awa dahil ang paasahin sa isang bagay na matagal mo nang inaasam ay talaga namang nakakalungkot ngunit ay nakakagalit din.

Dahil na rin sa kakulangan sa pagkain ay nag-aasam ang mga magsasaka ng dagdag sa kanilang sweldo upang masustentuhan ang kanilang pangangailangan. Ngunit ang sabdyek na ito ay naging sanhi ng pagkasisante ng mga magsasaka sa kanilang trabaho. Dito naman ako nakaramdam ng galit. Galit, dahil nagnanais lamang ang mga magsasakang ito na makakuha ng kaunting pagtaas sa kanilang sweldo ngunit hindi man lang sila pinagbigyan at tinanggalan pa ng pangkabuhayan. Dito makikita ang kawalan ng katarungan sa pagitang ng mayayaman at mahihirap na siyang talamak sa ating bansa. Maraming mayayaman ang mapagsamantala sa mga mahihirap.

Lalo namang nag-alab ang aking galit ng makitang mangyari ang nasabing massacre. Sa pagsamo lamang ng mga magsasaka ng kompensasyon sa kanilang paghihirap, naging kapalit pa ang buhay at pagdanak ng dugo ng ilan sa kanila. Dito naman makikita ang inhustisya ng gobyerno sa mga mahihirap. Ang gobyerno ay pabor sa mga mayayaman tulad ng mga Cojuangco.

Sa panonood ng dokumentaryong ito ay namulat ang aking mga mata sa isa sa mga problema ng ating bansa, ang pagkawalang-katarungan at pagwaling-bahala sa batas kung ikaw ay mahirap. Ang mga magsasakang ito ay nagtatrabaho lamang ng patas at naghahangad lamang ng nararapat ngunit hindi sila pinapakinggan ng batas dahil pabor ito sa mayayaman. Dito ko napagtanto na tama ang kontextong “Ang mayayaman ay patuloy na yumayaman habang ang maghihirap ay lalong naghihirap”. Dahil ito sa pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap na Pilipino tulad na lang ng mga masisipag na magsasaka ng Hacienda Luisita.

Guarino, Darly R.
Masasabi kong ang docu film na pinamagatang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang makabuluhang dokumentaryo na syang nakatulong at makakatulong pa sa bawat isa sa pagbubukas ng ating mga kaisipan.

Dito tinalakay ang labis na hirap na naranasan ng mga manggagawang Pilipino partikular mga magsasaka sa kagustuhang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, sahod ,trabaho at higit sa lahat ang lupang ipinangakong ibabahagi sa kanila, na dumaan ang mga taon at hindi na naasam pa.  Nakakalungkot isipin na ang tanging  nais lamang ng mga magsasaka ay makamit ang mga bagay na nararapat para sa kanila  ay dumaan pa sa isang magulo at marahas na pamamaraan.

Serapio, Kirk Jesus Albert L.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang dokumentaryo na nagsasaliksik sa mga gawi sa agrikultura at kultura sa Pilipinas. Layunin ng mga patakaran na protektahan ang mga mahihinang miyembro ng lipunan, lalo na ang mga matatanda at mga kulang sa pribilehiyo, gayundin ang mga sistemang pang ekonomiya at pampulitika na nakakaapekto sa kanilang pang araw araw na buhay. Ang tulang "Sa Ngalan ng Tubo" ay hamon sa atin na isaalang alang kung hanggang saan ang pagsasaka at pagsasaka ay maaaring makatulong sa pag unlad ng mga komunidad at indibidwal. Layunin ng dokumentaryo na mailahad na ito at Maganda ang ginawa ng pelikulang "Sa Ngalan ng Tubo" ni Onin Tagaro sa pagpapakita ng mga paghihirap at paglalakbay ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita ng kanilang paglaban sa pamilyang ayaw kilalanin ang kanilang karapatan alang alang sa pera. Ang pelikula ay nag aalok ng abackground ng mga tunay na nangyayari sa nasabing masaker na sinubukan ng pamahalaan na itago sa likod ng mga anino. Natanggalan ng karapatan ang mga magsasaka dahil sa kasakiman ng mga Cojuangco.Ang pamilya The Cojuangco ay muling ipamahagi sana ang lahat ng lupain sa mga

Tolentino, Matilda A.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang dokumentaryo patungkol sa naganap sa protesta ng mga magsasaka na kilala sa tawag na Hacienda Luisita. Ang mga magsasaka ay nais lamang ipaglaban ang kanilang karapatan. Inialay nila ang kanilang buhay upang ipakita na kahit sila ay walang gaanong kapangyarihan, ay kaya nilang ipagtanggol kung ano ang nararapat sa kana.

Kahirapan ay tiyak na laganap noon pa man magpahanggang ngayon. Dahil dito ay marami ang ating mga kababayan na nagigipit at walang makain. Talamak din ang mga kinauukulan na umaabuso sa kanilang posisyon. Dahilan upang magipit ang ating mga mamamayan ay nagdudulot ng kahirapan.

Sa panonood sa maikling dokumentaryong ito ay nakaramdam ako ng lungkot at galit. Na kung bakit ito ay nangyayari, ay dahil sa mga nilalang na nais mangibabaw sa iba. Ganito ang ingot ng mundo, hindi ito magwawakas kung walang kikilos. Kung kaya naman ay saludo ako sa mga magsasakang nagbuwis nang kanilang buhay upang ipaglaban kung ano ang dapat sa kanila. Sapagkat kung hindi natin lalaban ang mga ito, ay hindi magwawakas ang delubyo.

CERVANTE, FRENCIE ROSE GENEL R.
Ang dokumento na ito ay paalala na ang nakaraan ay hindi muling maibabalik, ang hinagpis ng nakaraan ay patuloy pa ring hindi mag hihilom lalo na sa mga pilipino na hindi binigyan ng patas na trato ng mga taong sakim sa kapangyarihan.

Ako ay namulat sa katotohanan na ang mga taong asa laylayan ang pinaka kawawa pag dating sa pagbibigay boses para sa karapatan na kanilang pinaglalaban. Tila ba nakasarado na agad ang tenga ng mga taong may kapangyarihan sa mga sigaw ng sambayanan.

Ang nangyari sa hacienda luicita ay akin ng narinig noong ako ay elementarya, ito ay ikwento ng aking lolo na isa rin sa nagalit sa nangyaring sitwasyon. Bilang apo na pinalaki ng isang lolo na mag sasaka ang kuwento na ito ay tunay na nagbibigay ng malalim na lamat sa akin pagkatao. Awa para sa kapwa ko Pilipino at awa para sa karapatan pantao sa bansa na kung saan ang kahirapan ay isang sumpa para sa Pilipino.

Ang mang gagawa at mag bubukid sa azucarera de tarlac at hacienda luisita. Kung saan tinalakay ang karanasan ng bawat pilipinong mag sasaka. Kanilang ipinaglaban ang karapatang pantao, kanilang hanapbuhay, lupa at suweldo. Ang lupa na isa sa pinagmumulan ng kanilang kita ay inangkin ng pamilyang cojuangco. Ang lupa ay binubuo ng 6, 453 hectar na kinabibilangan ng 11 bayan at sinasabi rin na ang lupa na pinang gamit ni jose coquangco sr. Ay kaniyang inutang sa bangko. Ang mga mag sasaka ay nag sampa ng kaso taong 1985 kung saan ang tadhana rin ay sumang ayon sa kanilang pinaglalaban sapagkat sila ay nanalo laban sa mga gahaman. Ngunit noong maging presidente si benigno coquangco ay tila ba nabasura ang pagkapanalo ng mga mag sasakang pilipino sapagkat naibalik na naman sa kamay ng mga "buwaya" ang lupa pinaglalaban ng sambayanan.

Sa ilang taon lumipas ang lupa na ipinangakong pag hahatian at ibibigay sa mamamayan ay tila ba naging pangako na napako na lamang. Sapagkat imbis na lupa ang kanilang makamtan, papel lamang na walang kasiguraduhan ang kanilang nakuha.

Maraming hanap buhay ang nawala. Marami ring pilipino ang naghirap.

Kaya sa taong nobyembre taong 2004. Ang magsasaka ay muling ipinaglaban ang kanilang karapatan, bumoses at walang takot na iwinagayway ang watawat na pula na simbolo ng walang atrasan at walang takot sa daan na kanilang tatahakin. Pamalo, bakal at kahoy. Sigaw at nag aalab na pagmamahal sa pamilya ang kanilang naging sandigan kaya ang baril, tanke at maraming kalaban ay wala na silang pakielam. Dito nangyari ang ilang araw na pag hahanda at pag bibigay boses sa taong nasa itaas at may kapangyarihan ngunit sa kasamaang palad dinaan ito sa karahasan at pitong tao ang nasawi sa laban habang hindi mabilang ang taong sugatan. Imbis na patawad ang makuha, kamay na bakal at pusong bato pa rin ang pinatatag ng pamilyang coquangco.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin matitinag ang bawat pilipino na ipag sigawan na namatay ang ilan sa mga magsasaka hawak at yakap ang lupa na kanilang pinaglalaban.

Buhay laban sa buhay, at dugo laban sa dugo. Kailanman hindi ibababa ang puting watawat.

Ang nakaraan ay hindi malilimot para sa kasalukuyan na pinaglalaban at inaalala pa rin ang nangyari sa mga pilipinong mag sasaka na nag bigay pagmamahal sa bayan.

Angeles, Allen Nicole I.
Sa panahon ngayon hindi natin mapagkakaila ang isyu ng hindi pantay na karapatan sa ating bansa.Ang dokumentaryong "Sa Ngalan ng Tubo" ay nagpapakita ng karanasan at paghihirap ng mga magsasaka o manggawang bukid at mga mamamayan ng Hacienda Luisita. Makikita sa unang parte ng bidyo ang paglalaban ng mga tao sa kanilang Karapatan, marami ang namatay at nasugatan. Sa unang parte pa lamang nagkaroon na ko ng ideya na indi makatarungan ang naranasan ng mga magsasaka. Ipinapakita dito ang hindi pagsunod ng hacienda sa naturang usapan ng mga tao at mangagawa na siyang malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Ang pagtanggol nila sa picket line. Sa pagkakaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan ay ipinaglaban nila ang kanilang paniniwala na sila ang dahilan ng produksyon sa hacienda. Ngunit ang katotohanan nariyan padin ang hindi pagkakapantay-pantay na pagtingin ng gobyerno base sa estado ng buhay. Pinakita sa bidyo na ang Department of Labor na lahat ng labor disputes ay kanilang pangingialaman, makikita na kontra sila sa mga manggagawa na para lamang sa  mayayaman ang maayos na pamamahala ng gobyerno. Noong Nobyembre 16, 2004, nakipagusap ang angkan sa mga lider ng CATLU at ULWO dahil alam niyang walang mapapaala ang mga ito sa negosasyon. Kinabukasan dumating ng grupo ng mga sundalo at pulis na handing buwagin ang pinaglalabang picket line ng unyon. Makikita dito ang unang parte ng bidyo kung saan marami ang namatay at sugatan.

Ang dokumentaryong ito ay nagmulat sa akin ng tunay na pangyayari sa buhay. Noon, ang mga isyu na ito ay hindi masyadong inibigyang pansin ngunit ng matapos ko ang dokumentaryo napagtanto ang indi atas a pagtingin nila base sa estado ng buhay, na kahit tama ang iyong paniniwala ay wala padin itong laban sa mga makapangyarihan at mayayamang tao na siyang sinusuportahan ng gobyerno. Ang hindi pagkapantay-pantay na Karapatan ng lipunan ay dati ng sakit sa ating bansa na hanggang ngayon ay ating makikita hindi lamang sa mga magsasaka, maging sa ibang isyu sa lipunan na naipapakita ang kawalan ng karapatan.

Roque, Lhana Joyce B.
Ang "Sa Ngalan ng Tubo" ay isang makabuluhang dokumentaryo na nagbibigay inspirasyon at nakakapag-pamulat sa mga manonood. Tungkol ito sa pag-laban ng mga magsasaka sa pang-aabuso ng isang makapangyarihang pamilya, kaya naman tunay akong humanga sa mga magsasaka dahil ipinaglaban nila ang kanilang karapatan, kinabukasan, at hanap buhay kahit pa alam nila na kung minsan ay hindi patas ang labanan dahil sa bulok na justice system na umiiral sa ating bansa.

Ang dokumentaryo ay nakakagalit din dahil pinakita rito na mayroon talagang mga Pilipinong abusado sa kapangyarihan, at mas pipiliing manlamang at mang tapak sa kapwa para lamang sa salapi.