GRADE 9 - PARABULA by Mary Grace Buensuceso

Kung ikaw ang nakatatandang kapatid, ano ang sasabihin mo sa iyong ama at sa iyong nakababatang kapatid upang mabawasan ang bigat ng iyong damdamin?
Kung ako ang nakatatandang kapatid, mahinahon kong sasabihin ang aking hinanakit sa ama. Aaminin ko na may kirot sa aking puso dahil mas pabor siya sa aking nakababatang kapatid kahit na nilayasan niya kami. Sa aking kapatid naman, papatawarin ko siya at magbibigay ng kaunting payo kung paano maayos ang aming relasyon bilang pamilya. Aayusin namin kung ano man ang problema para na rin mabawas ang bigat ng nararamdaman.

No. 2
Ano ang naging hamon sa ama sa umpisa ng parabula?

Sa parabulang "Ang Alibughang Anak" ang nanging hamon ng ama sa umpisa ng kwento ay ang pagnais na umalis at mapag-isa ng kanyang bunsong anak. Hiningi nito ang ari arian ng kanyang ama upang umalis at ubusin at gastusin ang lahat ng pera at magpakasaya.

Sa larawang ito ating makikita ang paghingi ng Alibughang anak ng kayamanan at ari arian sa ama nito. Ngunit kesa gastusin ng maayos at sa mabuting paraan ay inilaan niya ang kanyang oras at pera na binigay ng kanyang ama sa sariling kasiyahan.

Ang naging bunga ng kanyang desisyon ay siya ay naghirap at naging palaboy. Ang karma na nakuha niya, nasanay siya at nawalan ng pera.At kanyang napagtanto niya kung paanong hindi pa siya handang mamuhay sa totoong mundo at kailangan niyang bumalik sa kanyang pamilya kung saan talaga siya kinabibilangan. Ang naging bunga ng kanyang desisyon ay siya ay naghirap at naging palaboy. Ang karma na nakuha niya, nasanay siya at nawalan ng pera.At kanyang napagtanto niya kung paanong hindi pa siya handang mamuhay sa totoong mundo at kailangan niyang bumalik sa kanyang pamilya kung saan talaga siya kinabibilangan.

No. 1
Ang ama sa kwento ay mapagpatawad at mahabangin, dahil sa mga ginawa niya para sa kanyang anak kahit ginastos niya ang mga kayamanan niya at naghanda pa nila ng mga pagkain pagbalik. Masaya lang siya na bumalik siya, kasi parang itong isang anak na nawala, na ngayon nabuhay nanaman. Ito din ang mga katangian ng ating Diyos, na nagmamahal sa atin at nagpapatawad sa atin, kahit na sa mga mali at masama na ginawa namin.

Denisse & Kian
Opo, makatarungan ang ginawa ng ama na pagtanggap muli sa kanyang anak dahil kahit na umalis at sutil ito dapat na ituring pa rin ng ama ang anak bilang isang anak at pamilya. At bilang pamilya dapat mahalin natin sila dahil tayo lang ang tanging malalapitan at makakaintindi sakanila. At kung ako naman ang nasa katayuan ng ama iyun din ang aking gagawin dahil para sa akin importante ang magpatawad. Ang pagpapatawad ay ginawa ng Diyos sa atin kaya dapat na tayo rin ay marunong magpatawad sa ating kapwa. Ang bawat tao sa mundong ito ay mayroong responsibilidad at bilang isang ama, siya ay may itinuturing na pinakaimportanteng layunin o responsibilidad na  sinabi ng ating Diyos at ito ay  alagaan at suportahan

ang kaniyang pamilya. Oo nga, may mga pagkamali ang kaniyang anak tulad ng pagiging gastador, pasaway, at paglalayas sa kanilang bahay ngunit, lahat tayo ay hindi perpekto at matututo pa rin sa ating mga aksyon. Kahit na malaki ang naging pagkakamali ng kaniyang anak, may ambag din ang tatay sa paglalayas nito dahil kung tunay niya ngang mahal ang kaniyang anak na lalaki ay tuturuan niya ito kung paano gamitin ang ari-arian na ibinigay niya sa mabuting gawain. Hindi porket na may nakita na tayong mali sa isang tao ay dapat iwasan na natin ito kundi, dapat nating gabayan upang, hindi sila mapadpad sa maling daan at mapunta sa maling kamay. Kung ako ang ama sa istoryang ito, tunay nga na iibigin ko pa rin ang aking anak oo, tutulungan ko siya at patatawarin ko pa rin siya dahil siya aking anak at ang aking responsibilidad bilang isang ama sa aming pamilya. Ngunit, sa simula ng istorya ang gagawin ko ay hindi ko basta bastang ibibigay ang ari-arian ko dahil kailangan niya munang patunayan sa akin na siya ay nararapat sa kayamanan na aking ipapamana.

𝙿𝚊𝚊𝚗𝚘 𝚗𝚒𝚕𝚞𝚜𝚝𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚗𝚜𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚞𝚑𝚊 𝚗𝚒𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚗𝚊?
Sinagutan nina:

Alyssa Aquino at Enzo Hipol

Biswal: Ginuhit ni Enzo Hipol

Nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana sa pamamagitan ng magastos na pamumuhay at hindi matuwid na mga desisyon. Ginastos niya ang lahat ng pera sa mga bagay na walang kakuwentakuwenta katulad ng mamahalin na pagkain, alak, at masasamang pakikisalamuha, hanggang sa naubos ang lahat ng kaniyang yaman. Nang dumating ang matinding taggutom at siya ay naghirap, saka lamang niya napagtanto ang kaniyang mga pagkakamali.

Ang nilustay ng bunsong anak na mana ay isang paalala para sa atin tungkol sa mga pagkakataon sa buhay na maaaring mawala kung hindi tayo mag-iingat. Kung gumastos tayo sa pansamantalang kasiyahan, maaaring makalimutan natin ang mas mahalagang mga bagay. Ang pabaya na paggastos ng bunsong anak sa kaniyang pera ay nagpapakita ng kawalan ng pagpaplano at pag-iisip sa mga posibleng epekto ng kaniyang mga desisyon. Kung kami ang nasa kaniyang kalagayan, maaari ay matututo kaming mas pahalagahan ang mga bagay na tumatagal, tulad ng mga relasyon at ang pag-iisip para sa kinabukasan, kaysa sa mga bagay na pansamantala at wala sa ating kontrol.

Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kanyang mana?
Para po saamin, hindi po tama ang ginawa ng anak sapagkat ginamit lamang nito ang perang namana sa mga bagay na hindi maganda. Bunga nito, ay naubos ang kanyang mana at siya ay muling nanghingi ng tulong sa kanyang magulang. Tulad ng ginawa niya sa storya inaksaya niya lamang ang kanyang pera upang pondohan ang kanyang mga gustuhin. May isa akong kilala na nag aaksaya ng pera, una nang hingi siya ng tulong sa kanyang mga kapatid, Pinatawad siya at binigyan ito ng pera. Dahil alam ng mga kapatid niya, na siya yung bunso at ‘di pa niya alam ang gagawin nya. Nung lumala ang kanyang pagsusugal, nanghingi ulit siya ng tulong kaso, hindi na siya pinatawad, dahil inaksaya niya lamang ang pera sa pagsusugal. Ang natutunan ko dito ay kapag pinatawad tayo, huwag na natin uulitin ung mga mali nating nagawa, dahil pag-inulit natin ito baka hindi na tayo patawarin. Ang kwentong ito ay nagbibigay sa’tin ng ideya. Ito ay nagbukas ng ating mga mata upang makita na dapat nating gamitin ang ating mga biyaya sa tamang paraan at ‘wag itong isayang sa maling bagay.

𝖪𝗎𝗇𝗀 𝗂𝗄𝖺𝗐 𝖺𝗇𝗀 𝖺𝗆𝖺 𝗌𝖺 𝗉𝖺𝗋𝖺𝖻𝗎𝗅𝖺 𝗂𝖻𝗂𝖻𝗂𝗀𝖺𝗒 𝗆𝗈 𝖻𝖺 𝖺𝗇𝗀 𝗁𝗂𝗇𝗂𝗁𝗂𝗇𝗀𝗂 𝗇𝗀 𝗂𝗒𝗈𝗇𝗀 𝖺𝗇𝖺𝗄 𝖪𝖺𝗁𝗂𝗍 𝗂𝗄𝖺𝗐 𝖺𝗒 𝖻𝗎𝗁𝖺𝗒 𝗉𝖺?
𝕰𝖓𝖟𝖔 𝕳𝖎𝖕𝖔𝖑 & 𝕬𝖑𝖉𝖔𝖚𝖘 𝕲𝖚𝖎𝖑𝖙𝖎𝖆𝖓𝖔

𝙱𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚖𝚊, 𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚒𝚗 𝚔𝚘 𝚖𝚞𝚗𝚊 𝚝𝚒𝚗𝚐𝚗𝚊𝚗 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚗𝚊 𝚋𝚊 𝚜𝚊 𝚛𝚎𝚜𝚙𝚘𝚗𝚜𝚒𝚋𝚒𝚕𝚒𝚍𝚊𝚍 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔. 𝙷𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢, 𝚋𝚊𝚐𝚘 𝚔𝚘 𝚖𝚊𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚙𝚊𝚙𝚊𝚖𝚊𝚗𝚊, 𝚍𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚝𝚞𝚛𝚞𝚊𝚗 𝚔𝚘 𝚖𝚞𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚒𝚋𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚝𝚊𝚖𝚊 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚕𝚒. 𝙰𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚐𝚊𝚋𝚊𝚢 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚍𝚒𝚜𝚒𝚙𝚕𝚒𝚗𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚗𝚐𝚔𝚞𝚕𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚞𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚛𝚎𝚜𝚙𝚘𝚗𝚜𝚊𝚋𝚕𝚎 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔.

Ito ay paalala sa atin na kapag dumating tayo sa oras na magiging magulang tayo dapat alam natin ang tamang desisyon.

Masisisi mo ba ang anak na panganay na maghinanakit sa kanyang ama? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ganoon din kaya ang iyong gagawin?
Sa aming pananaw, masisisi namin ang panganay na anak sapagkat meron siyang nararapat na dahilan upang maghinanakit. Hindi lamang siya nakaranas ng kalungkutan kundi pagtataksil mula sa kaniyang ama. Alam natin na mahalaga ang pagpapatawad sa ating mga kapwa, ngunit hindi natin maiiwasan ang kabiguan na maaring madarama sa mga ganitong sitwasyon.Sa aming pananaw, masisisi namin ang panganay na anak sapagkat meron siyang nararapat na dahilan upang maghinanakit. Hindi lamang siya nakaranas ng kalungkutan kundi pagtataksil mula sa kaniyang ama. Alam natin na mahalaga ang pagpapatawad sa ating mga kapwa, ngunit hindi natin maiiwasan ang kabiguan na maaring madarama sa mga ganitong sitwasyon. Kung kami ang nasa kalagayan ng anak na panganay, pag-iisipan muna namin kung ano ang dapat na gawin bilang isang nakatatandang kapatid. Kami ay magpapakita ng responsibilidad pagdating sa pera. Alam naman namin na mahal na mahal ng ama ang kaniyang anak, at gusto niya lang itong sumaya. Kaya hahayaan nalang namin ang naging desisyon ng ama at papayuhan nalang ang kapatid. Kung magselos man kami sa nangyari, itatago nalang namin ito at hihintayin ang oras na ibibigay na ang aming mana sa pamilya.Kung kami ang nasa kalagayan ng anak na panganay, pag-iisipan muna namin kung ano ang dapat na gawin bilang isang nakatatandang kapatid. Kami ay magpapakita ng responsibilidad pagdating sa pera. Alam naman namin na mahal na mahal ng ama ang kaniyang anak, at gusto niya lang itong sumaya. Kaya hahayaan nalang namin ang naging desisyon ng ama at papayuhan nalang ang kapatid. Kung magselos man kami sa nangyari, itatago nalang namin ito at hihintayin ang oras na ibibigay na ang aming mana sa pamilya.

Ano ang ibinunga ng kanyang pagtatakwil sa magulang? May kilala ka bang anak na ganito ang kinahinatnan sa buhay dahil sa pagiging alibugha?
Dahil sa pagtatakwil ng anak sa kaniyang magulang, siya ay nakaranas ng mga problema sa buhay. Simula noong nakuha niya ang kayamanan o ari-arian ng kaniyang ama at umalis patungo sa malayong lugar, namuhay siya ng magulo. Nagkaroon ng isang matinding taggutom sa lupaing iyon at nagsimula siyang mangailangan. Halos mamamatay na siya sa gutom. Doon niya napagisip-isip na kailangan niya pa rin ang ama sa buhay. Mayroon po kaming kilala na anak na naging kasing tulad ng anak sa kuwento, naging alibugha sa kaniyang magulang at naghirap ang buhay. Ang tao pong ito ay hindi kami kilala ngunit kilalang kilala namin, hindi lang kami, ngunit ang iba pang mga tao dito sa bayan namin. Ang tao pong ito ay dating maginhawa ang buhay at namumuhay ng maayos, ngunit nang mahawakan niya ang kaniyang mga ari-arian, tulad na ng pera, malaki ang naging pagbabago nito sa kaniyang buhay. Siya ay nalulong sa bisyo, tulad na ng pag-iinom, pagsusugal, at iba pang masasamang bagay, hanggang sa maubusan na siya ng pera at tuluyan nang nahiwalay sa kaniyang pamilya. Ngayon ay wala na siyang matunguan, walang matulugan, at bihirang kumakain. Hanggang sa nagbago na ang isip niya at hindi na siya makilala ng mga noong nakikilala siya. Talagang nagbago ang kaniyang buhay, at nakakaawa ito, gustuhin man naming tumulong, pero hindi namin alam kung papaano. Ang magagawa namin ay hayaan nalang ito, dahil may sarili siyang mundo at madalang nang makipagusap sa mga tao, dahil kinatatakutan siya ng mga ito.