DRAWER CABINET by CHENILLE AEREE ARQUERO

Drawer Cabinet Bilang Regalo
Noong bata pa ako, grade 4 sa taong 2014, nagbigay ang lolo ko ng drawer cabinet bilang regalo. Binigay niya ang pera, at kami ang bumili. Ngunit hindi ito buo, dinala ang mga materyales sa bahay, at doon ginawa. Yari ito sa kahoy, may tatlong bahagi na patayo, at tatlong drawer na pahiga. Nung una, hindi ito masyadong ginamit para sa sarili namin. Hinayaan muna namin na maging parang dekorasyon ang papel nito sa bahay, para tumagal ang pakiramdam na bago ito.

Marka ng Kabataan
Damit ko ang unang linagay doon sa drawer cabinet. Dahil regalo daw ito ng lolo ko sa akin, tama lang daw na damit ko ang unang ilagay. Linipat yung mga damit ko galing sa lumang durabox na puno pa ng mga Barbie sticker galing sa aking kabataan. Noong bata pa ako, pakiramdam ko lumalaki na ako dahil sa pagbabago na ito, dahil bawal ko na lagyan ng sticker yung cabinet, at mas 'mature' ang estetiko nito.

Tagu-taguan
Hindi nagtagal ang pribilehiyo na damit ko lang ang nasa drawer cabinet. Linagay na din ang mga iba't ibang gamit na kailangan itago, pati na rin ang mga damit panglabas ng aking nakakabatang kapatid. Ngunit hindi lang mga gamit ang itinago dito. Minsan, kapag natakot ako o ako ay sinisigawan, nagtatago ako sa likod, gilid, o sa loob ng drawer cabinet. Sa mga pagkakataon na iyon, nagkukunwari ako na isa din akong kagamitan na nakatago, kasi sa isip ko, kung isinapuso ko na hindi ako naiiba sa mga nakalagay sa loob, hindi ako mahahanap o walang makakaisip na parang may mali na naroon ako.

Kamusta Lolo
Nagpatuloy ang 'trend' na ang mga di kailangan na bagay o mga bagay na hindi naman palaging ginagamit ay linalagay sa sobra na espasyo sa drawer cabinet, pati na rin ang mga damit ng lolo ko kapag bumibisita siya.

Paalam Lolo
Nung namatay ang aking Lolo noong Oktubre, 2021, linabas namin ang gamit niya sa drawer cabinet. Naalala ko na ito ang pinaka-malungkot na ginawa namin, kasi mas lalo lang kami nalunod sa realidad na hindi na namin siya muli makikita, kaya hindi niya na kailangan ang espasyo sa drawer cabinet. Naging marka ang paglabas ng gamit niya, na hindi na siya babalik.

Balik Kabataan
Ako ang sumunod na naglipat ng gamit, sa kadahilanang lumipat ako ng kuwarto, at mas kumbenyente na ilipat ko nalang ang gamit ko kaysa sa buhatin ang napaka-bigat at laki na drawer cabinet. Iniwan ko ang mga damit na pang-alis dahil hindi ko naman lagi kukunin, at hindi ako masyadong makakaabala kung kailangan ko pumasok sa ibang kuwarto para makuha. Bumalik ako sa kabataan ko, yung lumang durabox, pero tinanggal na ang mga Barbie sticker. Pero ginagamit ko parin yung drawer cabinet, bukod sa damit, binabalik-balikan ko para lagyan ng mga importanteng dokumento ang mga drawer, tulad ng mga liham ko galing sa mga kolehiyo na inapplyan ko, at ang mga opisyal na record ko mula sa mga dati kong eskuwelahan.

Nawawalang Gamit
Ngayon na pumapasok na ako sa Ateneo, naging kasanayan ko na kumuha ng mga damit mula sa hanger na puwede ko suotin sa susunod na araw, at ilipat sa kuwarto ko. Minsan naman, kung may nawawala akong gamit, tinitingnan ko yung mga drawer kasi madalas na linalagay ko lang naman doon at nakakalimutan ko. Minsan, napapaisip ako kung ano na ba ang laman ng drawer cabinet na nawala sa akin na hinahanap ko hanggang ngayon. Mga alaala ko ng lolo ko, mga kinakatakutan ko nung bata pa ako, mga luha ng kaba bago ako mag-kolehiyo. Hindi lang gamit ang nahalo sa laman ng drawer cabinet na iyon, sa loob nito ay ebidensiya ng paglalakbay ko sa buhay, simula pagkabata hanggang sa kasalukuyang panahon.