PI100: Seksyon A_ HALINA'T SIMULAN by Irish Dizon

Isa sa mga una kong naaalala kay Rizal ay ang isinulat na Ang Tsinelas kung saan nang mahulog niya ang isa niyang tsinelas sa dagat habang nasa isang barko, tuluyan niyang tinapon ang kapares dahil wala raw silbi sakanya ang iisang tsinelas. Nasabi niya rin na kung may makapulot man nung nahulog niyang tsinelas, mas mainam na pares nalang ang kanyang mapulot upang may magamit pa. Ngunit, sa aking pagbasa noong highschool ay nalaman na walang ebidensya na nangyari talaga ito.

Pag dating naman sa mga naaalala ko tungkol sa Noli me Tangere at El Filibusterismo, maliliit na detalye na lamang ang naaalala ko katulad ng paghiwalay ng mayayaman at mahihirap sa Bapor Tabo kung saan isiniksik sa ilalim ang mga mahihirap. Isa pa ang pagpanggap ni Donya Consolacion na hindi nakakaintindi ng Tagalog upang magmukhang mas mayaman at malapit sa kultura ng mga Kastila.

Natatandaan ko na si Rizal ay isang Doktor at nakipaglaban upang magkaroon ng kalayaan ang Pilipinas. Natatandaan ko rin kung paanong maraming babae ang naging mahalaga kay Rizal. Isiniwalat ni Rizal ang katiwalian at iba pang masasamang nangyayari sa mga aklat niya gaya ng Noli me Tángere at El Filibusterismo.  Sa aklat niyang Noli Me Tángere ipinakita ni Rizal kung paanong naging alipin ang mga Pilipino sa mga Kastila. Ang El Filibusterismo naman ay may temang pampulitika at dito ay inuudyukan niya ang Pilipino upang ipaglaban ang kanilang karapataan at kalayaan.

Ang totoo, kakaunti lang ang alam ko tungkol kay Rizal at hindi malalim ang pagkakaunawa ko rito, ngunit ang sigurado ay kung paanong isa siyang tunay na bayani at magiting na Pilipino.

Ang nauugnay ko kay Rizal ay ang kaniyang pagiging nobelista, hindi katulad ng Katipunan na gumamit ng armadong lakas. Para naman sa kaniyang mga gawa, naaalala ko na ang Noli Me Tangere ay patungkol sa kwento ng isang binata (na sumisimbulo sa lagay ng Pilipinas noon) na patuloy na inaabuso ng mga nakatataas (na sumisimbulo sa Espanya noon). Sinundan naman ito ng El Flibusterismo na kung saan umiikot sa ideya ng paghihimagsik pagkatapos ng patuloy na pagpapahirap.

Lahat ng naalala ko ay pira-piraso ng impormasyon na aking natutunan noong hayskul. Gayunman, umaasa ako na maliliwanagan ako sa buhay at mga gawa ni Rizal sa kursong ito.

Ang unang pumapasok sa isipan ko sa tuwing mababanggit si Rizal ay ang kanyang diplomatikong paraan ng rebolusyon. Salungat sa kanyang mga kasabayang sina Andres Bonifacio at mga katipunero na nilabanan ang kastila gamit ang dahas at digmaan, ibinunyag ni Rizal ang pang-aalipin at pang-aabuso ng kastila sa mga Pilipino gamit ang kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Sa aking pagkakaalala ay hindi ipinabasa sa amin ang mga ito noong hayskul ngunit kami ay nagdula-dulaan ng mga ispesipikong eksena lamang. Ang pinakatanda ko ay si Sisa na isang inang naghahanap sa kanyang mga anak na sina Crispin at Basilio.

Isa rin sa mga tumatak sa akin ay ang huling tulang ginawa ni Rizal bago siya ipapatay ng mga Espanyol. Ito ay ang Mi Ultimo Adios na nagpatunay na dadalhin niya ang kanyang pagmamahal sa Pilipinas hanggang sa kanyang huling hantungan. Bukod sa mga ito ay wala na akong marami pang naaalala tungkol kay Rizal kaya naman ay inaasahan kong mas marami pang matutunan ukol sa kanyang buhay at kanyang mga gawa sa kursong ito.

Kakaunti at mababaw lamang ang aking kaalaman tungkol sa buhay ni Rizal. Sa totoo niyan, ang huling asignatura kung saan aking napag-aralan ang buhay ni Dr. Jose Rizal ay ang aming Filipino subject noong ako’y nasa grade 10 pa lamang mahigit limang taon na ang nakararaan. Sa asignaturang ito, hindi rin namin masyadong malalimang pinag-aralan ang kanyang buhay. Sa halip, ang kanyang nobelang El Filibusterismo ang naging pokus ng aming diskusyon.

Ilang halimbawa ng mga pira-pirasong impormasyon na aking natatandaan tungkol sa kanya ay mga “trivial facts”. Sa aking pagkatatanda, ang kanyang buong pangalan ay Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna, at pinaslang noong ika-30 ng Disyembre taong 1896 sa Bagumbayan. Si Rizal ay maituturing na isang henyo. Bukod sa kanyang pagiging matagumpay sa larangan ng edukasyon, isa rin siyang novelist at multilinguist. Dahil sa malaking kontribusyon niya sa pagkamit ng kasarinlan ng Pilipinas, si Rizal ay binansagang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Ngunit marami pa rin ang debate ukol dito, kung karapat-dapat nga bang tawagin siyang Pambansang Bayani o mas karapat-dapat si Andres Bonifacio. Maliban sa mas malalim na pagkatuto sa buhay ni Rizal, ang debate patungkol sa kung sino ang mas karapat-dapat na bansagang pambansang bayani ay isa sa mga bagay na gusto kong maunawaan nang maayos sa kursong ito

Kapag naririnig ang pangalan na Rizal, ang unang pumapasok sa aking kaisipan ay isang tao na matalino at pambihira. Kumagat sa aking memorya ang istorya kung saang siya ay nag-aral ng medisina upang mapagaling ang mata ng kaniyang inang si Teodora Reolanda. Higit pa sa kaniyang kaalamanan sa medisina, siya ay nag-aral din tungkol sa pagsusulat. Napakita niya ang kaniyang talento dito sa pagsulat ng Noli me Tangere at El Filibusterismo.

Kaunti nalang ang naaalala ko sa kwento ng dalawang librong ngunit natatandaan ko ang paghihirap na naranasan ni Rizal upang maipalathala ang kaniyang trabaho. Ito ay naging representasyon ng kaniyang pagnanasa na maipatuwid sa mga sambayang Pilipino na mamulat ang kanilang mga mata mula sa kamay ng mga Espanyol.

Nakilala ko si Rizal bilang ang "Pambansang Bayani" dahil sa kanyang mga naging kontribusyon sa bansa katulad ng kanyang mga nobela. Ayun lamang ang impormasyon na ibinigay sa amin noong ako'y nasa elementarya kung kaya't ayun lamang din ang alam ko patungkol kay Rizal.

Pagpasok ko sa hayskul ay mas nakilala ko si Rizal higit pa sa kanyang sagisag. Nalaman ko na isa siya sa mga hinahangaan pagdating sa kursong medisina at panitikan. Noong hayskul ko rin unang naunawaan ang El Filibusterismo at Noli Me Tangere, mga nobelang gawa ni Rizal.

Tumatak sa aking isipan ang estilo ni Rizal sa pagmulat sa masa. Siya ay tumaliwas sa paggamit ng dahas at mas pinili niyang gamitin ang kanyang pagiging manunulat. Isa rin sa mga tumatak sa aking isipan ay ang katapangan niya sa panahong iyon. Sa husay ni Rizal sa iba't-ibang larangan ay maari siyang lumuwas sa ibang bansa at iwasan ang mga nangyayari sa bansa. Ngunit mas pinili niyang manatili at ipaglaban ang bansa sa isang natatanging paraan.

Nilimbag niya ang dalawang nobela upang maipakita sa masa ang pangaabuso at manipulasyon na ginagawa ng mga kastila sa mga Pilipino. Inilimbag niya ito at hindi siya gumamit ng alyas tulad sa kanyang ibang mga gawa. Ginamit niya ang kanyang pangalan kahit na alam niyang ito'y magpapahamak sa kanya. Ang kanyang mga kontribusyon at pagkamatay ay nagbugso sa tunay na nasyunalismo ng masang Pilipino.

Ang aking mga nabanggit ay mababaw na kaalaman lamang at alam kong mayroon pang mga impormasyong kulang o taliwas sa aking mga nabanggit. Sa kursong ito, nais kong makilala ng lubusan si Rizal - ang kwento ng kanyang buhay, ang kanyang mga gawa, at ang impluwensya niya sa lipunan noon at ngayon.

Rizaaal
Mga kwento/akda na naiuugnay ko sa kanya:

Tsinelas

Gamu-gamo

Noli

El Fili

Mga tao na naiuugnay ko sa buhay niya

Ilang dalagang Filipina at ibang hindi (hindi bababa sa 9 na mga dalaga sa bansa at sa labas ng bansa)

Mommy Teodora

3 paring martir (GomBurZa)

Mga manunulat

Blumentritt (lalo na yung "scholarly/academic chismis" tungkol sa kanilang dalawa)

Mga common items sa panahon ngayon na naiuugnay ko sa kaniya

Piso

Bluepad sa elementarya (writing composition po ba yun)

Monuments sa Rizal Park, sa elementary school namin, sa ospital ng bayan namin, landmarks, etc.

Pambansang photobomber

Wala akong specific classification para sa mga ito pero:

Inspirasyon ni mama si Mommy Teodora nang tinuturuan niya akong magsulat at magbasa

Ang asosasyon 'daw' po sa 2 prestehiyosong unibersidad na Ateneo at UP ay si Rizal at Bonifacio

Hindi raw anthropomorphic ang kwento na tsinelas ni Rizal

Yun lang po muna. Salamat po.

Kontribusyon ni Rizal
Hindi lamang kilala sa bansang kanyang pinaggalingan, kundi kilala rin at may mga nakatayong bantayog sa iba't ibang bansang kanyang napuntahan at naimpluwensyahan. Kilala bilang pambansang bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang kontribusyon sa iba't ibang larangan sa panahon ng Kastila, si Jose Rizal ay na bigyan ng pagkilala dahil sa kanyang pagsusulat ukol sa political na aspeto na naging insperayon ng rebolusyon laban sa Kastila upang makamtam ang kalayaan at makuha ang kontrol sa pamamalakad ng ating sariling bansa. Kahit na hindi siya kasama sa mismong pagpaplano at pagsasatupad ng mga actividad ng rebolusyon, ang kanyang mga akda ay kilala bilang malaking parte upang masimulan at mapakilala ang 'idea' ng pagnanasa sa kalayaan ng bansa.

Dalawa sa pinaka-sikat na kanyang isinulat ay ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na tumatalakay sa ibang ibang isyu sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng pamamahala ng mga Kastila.

Maliban sa Noli Me tangere at El Fiibusterismo, ang kanyang tula na kilala bilang 'Ang Huling paalam' o Mi último adiós ay kilala rin bilang isa sa mga kilalang akda ng pambansang bayani ng bansa. Ang huling tulang kanyang isinulat ay naglalahad ng kanyang mga hiling, hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga mamamayan at sa mismong bayan na kanyang pinaglalaban at pinahahalagahan.

Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda ay tanyag dahil sa kanyang pag-aalsa laban sa mga Kastila sa pamamagitan ng kanyang sandata, ang pluma at papel. Sa kanyang mga nobela na Noli Me Tangere at El filibusterismo, inilahad niya ang mga karahasan at katiwalian ng mga Espanyol. Naipakita niya ang kanyang nasyonalismo at pagtanggol sa soberanya ng Pilipinas na hindi gumagamit ng dahas.

Bukod sa mga kilalang nobela na naisulat ni Rizal, ang pinakapaborito ko ay ang kanyang tula na pinamagatang, "Sa Aking Mga Kabata". Isunulat niya ito noong siya ay walong taong gulang pa lamang. Sa kanyang murang edad, naipakita ni Rizal ang kanyang pagmamahal sa sariling wika kahit na sinakop ng mga Kastila ang ating bansa. Ang tumatak na taludtod sa akin mula sa tula ay ang, "Ang hindi magmahal sa kanyang salita mahigit sa hayop at malansang isda". Ang kasabihan na ito ay nagsisilbing inspirasyon at kamulatan sa pagpapahalaga ng sariling wika at pagpapaigting ng ating nasyonalismo.

Rizal
Bata pa lamang ay ipinakilala na sa atin si Rizal bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas dahil sa kanyang pag-aaklas laban sa mga Kastila gamit lamang ang pluma at papel. Kilala si Rizal bilang isang magaling na manunulat at isang doctor. Marami rin kaming kwento na naririnig ukol sa kanyang kabataan at isa na rito ang pinakasikat na kwento ukol sa gamu-gamo. Noong ako ay nakatungtong ng sekundarya, mas ipinakilala si Rizal sa amin sa pamamagitan ng pagtalakay sa kanyang akdang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Ang Noli Me Tangere ay isa sa mga pinakapaborito kong akda. Natatandaan ko na ang paborito kong kabanata rito ay ang “Ang Hapunan”, “Todos Los Santos”, “Isinumpa” at ang nawawalang kabanatang “Si Elias at Si Salome”.

Dito sa Calamba ay aktibong binubuhay ang alaala ni Rizal. Tuwing kaarawan niya ay ipinagdiriwang ito sa siyudad kung saan ma’y iba’t ibang palabas, kompetisyon, parada, at iba pa. Ito ay tinatawag na “Buhayani: Buhay ng Bayani Festival”. Mariin ding ipinapaalala sa amin ang pangalang "Laong Laan" at "Dimasalang"

Si Rizal ay nakilala sa kanyang nasyonalismo at pagtaliwas sa mga Kastila na hindi gumagamit ng dahas. Ang kanyang mga rebolusyonaryong akda ay sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila. Ang mga karakter dito ay representasyon ng ilang mga Pilipino sa panahon na ito.

Trivial information:

Dito sa plaza ng Calamba matatagpuan ang isa sa pinakamatatangkad ng rebulto ni Rizal. Ito ay may taas na 22feet na sumisibolo sa 22 a lengguwahe at dialektong alam ni Rizal. Ito ay nakapatong sa podium na may 15 na hakbang--simbolo ng ilang dekadang nakalipas nang siya ay ipanganak.

Si Padre Damaso Hanggang Ngayon
Kung ako ay magsasabi ng totoo, wala akong gaanong maalalaa sa naging buhay ni Rizal. Kung kasaysayan at naging landas ng kanyang buhay ang pag-uusapan, matatameme lamang ako. Siguro bilang isang aktor ng teatro, masasabi kong ang kanyang mga gawain ay naging inspirasyon ng aking pagpapatuloy sa sining ng pag-arte at pagsusulat hanggang ngayon. Ang kanyang mga sulatin ang isa sa mga una kong idinerehe noong ako pa ay nasa Grade 9, at umarte na rin ako bilang si Padre Damaso. Doon na yata nagsimula ang pag-typecast sa akin dahil madalas ako na ngayon ang ginagawang kontrabida maging sa mga produksyon ng Dulaang UPB. Kung nagawa kong palabasin ang esensiya ng kanyang mga karakter sa nobela, tiyak may pinanggalingang malalim at personal na kwento ang mga ito. Iyon ang nais kong malaman—kung ang kanya bang mga piksyonal karakter ay aktwal na mga tao, Pilipino man o Espanyol, na kanyang kinamuhian o minahal noon.

Kahit na wala akong maraming masabi ay mayroon naman talaga sigurong dahilan kung bakit ang mukha niya ang nasa sampong pisong barya... singko? O piso ata iyon. Wala nga talaga akong masyadong alam. Sa ngayon.

Baliktanaw sa pagpapakilala kay Rizal
Ang mga nalalaman ko tungkol kay Rizal ay nagsimula kong matutunan noong ako ay unang pumasok sa eskwela. Bagama't hindi ganoon kalawak at kalalim ang nalalaman ko tungkol kay Rizal ay tiyak akong tumatak ito sa akin hanggang ngayon. Bilang isang bata ay unang naituro sa akin na si Dr. Jose P. Rizal ang ating pambansang bayani, na siyang gumamit ng pluma at papel upang ipag-laban ang ating bansa. Sa pag-taas ng aking baitang ay unti-unti ding lumalim ang mga naituro at lubos nitong pinapahalagan ang importansya ng kanyang dalawang akdang nobela: Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Madalas ay ipinauunawa sa amin ang kahalagahan ng dalawang nobela na ito na siyang naging susi sa pagbubukas ng damdamin ng ating mga kapwa Pilipino noon upang ipaglaban ang kalayaan sa ating sariling bansa.

Ang dalawang akda na ito ay mayroon ding kakaibang importansya sa akin dahil sa mga aktibidad na aming ginawa noon tungkol sa dalawang akda na ito. Ako ay naging direktor ng isang dulang pansayaw para sa dalawang akda na ito na kung saan ako rin ay gumanap na Padre Damaso sa Noli Me Tangere at Basilio naman sa El Filibusterismo. Dahil sa pagiging direktor ng mga nasabing mga dulang pansayaw ay sinikap ko na basahin ng kaunti at pagnilayan ang dalawang akda. Dito ako ay nawili at nagising sa mga kwento ng iba't ibang karkater na aking nakilala sa dalawang akda. Hindi mawawala siyempre ang karakter ni Crisostomo sa Noli Me Tangere at nang siya ay maging isang mangangalahas na si Simoun sa El Filibusterismo. Susunod din dito ang mga karakter nila Sisa, Crispin, Basilio, Elias at Maria Clara sa Noli Me Tangere at sila Juli, Kabesang Tales, Basilio at Isagani naman sa El Filibusterismo.

Bukod sa dalwang akda na ito ay tumatak din sa akin si Rizal bilang isang doktor at polyglot. Nakasama rin sa pangalan na Jose Rizal ang isang taong maabilidad sa maraming larangan tulad ng sa sining at agham. Kung tutuusin ay ang mga bagay na nalaman namin noon sa elementarya at hayskul ay iilan lamang sa mga bagay na maari namin malaman tungkol kay Rizal. Kadalasan ay umiikot lamang ito sa dalawang bagay, ang kanyang mga akda at ang pagiging bayani niya. Dahil dito ay nais ko na mayroon pang malaman tungkol kay Rizal lalo na sa kanyang buhay at kung paano ito naging daan sa kanyang pagiging pambansang bayani ng ating bansang Pilipinas.

Ang paligsahang nagpakilala sa akin kay Rizal
Bukod sa kanyang mga pamosong libro, wala akong masyadong kaalaman hinggil kay Rizal. Ni hindi ko siya nakikita bilang isang totoong tao dahil niroromantisa ng mga libro ang kanyang katauhan. Kilala ko lamang siya bilang isang litrato sa mga libro ng asignaturang pangkasaysayan.

Hindi ko sukat akalain na isang paligsahan (at hindi sangkatutak na pagsusulit at takdang aralin) ang magpapakilala sa akin sa tunay na Rizal. Nabigyan ako ng pagkakataong sumali sa National Rizal Youth Leadership Institute Conference (NRYLI) bilang bahagi ng delegasyon ng aking paaralan.

Doon, naging isang rebelasyon para sa akin na ang bayaning sumulat ng mga akdang makasaysayan ay katulad ko rin - isang hindi perpektong tao.

Ayon sa historian na si Ginoong Ambeth R. Ocampo, na siyang isang tagapagsalita sa naturang paligsahan, si Rizal ay: mahilig kumuha ng litratong kakatwa kasama ang kanyang mga kaibigan; karaniwang ang almusal ay tuyo, kanin, at mainit na inuming tsokolate; at may pagkakuripot. Bukod pa riyan ay marami pa siyang nakakatuwang katangiang nasusulat sa libro ni Ginoong Ocampo na Rizal without the Overcoat - mga katangiang hindi madalas mabasa sa pangkaraniwang libro.

Sa ngayon, hindi pa ganoon kalawak ang kaalaman ko tungkol kay Rizal. Ngunit hiling ko na sa kursong ito ay mapalawig pa ang pagkakakilala ko sa kanya - bilang isang bayani at bilang isang karaniwang tao.

Magmula noong bata pa ako, kinukwento ng aking mga magulang at mga guro sa elementarya na si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas, na madami daw siyang ginawa para sa bansa laban sa Espanya. Sa panahon na ito rin itinuro ang mga paboritong pabula ni Rizal tulad ng Ang Pagong at ang Matsing at Ang Gamu-gamo.

Noong tumuntong ng high school mas madami pa ang itinuro ng aking mga guro tungkol sa kanyang buhay at kamatayan. Ilang ulit pinapanood sa amin ang dokumentaryo at pelikula tungkol sa kanyang buhay at karanasan. Idagdag pa siyempre dito ang kanyang mga tanyag na libro na tumatak sa kasaysayan ng Pilipinas.

Maliban sa mga karaniwang paksa tungkol kay Rizal, inaamin ko na kulang ang aking kaalaman. Kaya naman ay sana maging mabunga ang pag-aaral sa kursong ito.

Ang pagkakaalala ko kay Rizal ay tulad sa pagkakaalala ng karamihan sa atin, na siya ay ang ating pambansang bayani na pinagbaril ng mga mandirigmang Espanyol dahil sa pag-incite niya umano ng rebelyon gamit ang kaniyang mga sulatin.

Ipinakilala si Rizal sa atin simula pa lamang ng ating pagkabata sa elementarya. Itinuro sa atin ng ating mga guro kung papaano niya ginamit ang kanyang angking talino mula ng kanyang pagkabata - siya ay naging isang doktor, guro, manunulat, siyentista, bukod sa iba pa.

Hindi ko man maalala ang mga eksaktong nilalaman ng kanyang dalawang pinakasakit na mga sulat ngunit aking naalala na ito ay ukol sa pagcricriticize sa gobyerno at pulitiko ng Espanya. Karamihan rin sa kanyang mga sinusulat ay ukol sa kalayaan at mga karapatan ng mga Pilipino kasama na ang hirap na kanilang naranasan sa panahon ng kolonisasyon ng mga Espanyol.

Maliban sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, isa rin sa mga pinakasikat niyang literary composition ay ang tulang Mi Ultimo Adios na kaniyang sinulat para sa kanyang kaibigan niyang si Andres Bonifacio.

Bagama’t karaniwan lamang ang aking mga kaalaman sa kursong ito, sa dulo ng semestre ay inaasahan kong magkaroon ng in-depth na pagkakakilala kay Rizal at kung bakit siya ay ang tinagurian nating Pambansang Bayani.

Ang Rizal na ipinakilala sakin
Hindi pa man ako nagaaral ay itinuro na sa akin na ang pambansang bayani ng Pilipinas ay nagngangalang Jose Rizal. Noong panahon na itinuro saakin and tungkol kay Jose Rizal ay hindi ko pa lubos na nauunawaan kung ano nga ba ang isang bayani o kung ano ang halaga ng impormasyon na ito. Habang ako ay nagaaral mula elementarya hanggang makatapos ng highschool ay hindi nawalan ng pagkakataon na hindi nabanggit ang pangalan ni Jose Rizal at higit ko pang nakilala ang pambansang bayani mula sa kanyang mga sariling akda, tula, at mga impormasyong tungkol sa kanyang naging buhay.

Sa konteksto ng panahon kung saan ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga espanyol, ang buhay ni Dr. Jose Rizal ay naging makulay at masalimuot. Naging makahulugan ay buhay ni Jose Rizal sa pagbuo ng kaisipan at damdamin tungo sa nasyonalismo at pagkakaisa na nagpasiklab at gumising sa kagustuhan ng mga Pilipino na lumaya mula sa kamay ng mga mananakop.

Ito ang imahe ni Rizal na ipinakilala saakin, ngunit habang ako ay mas natututo sa kasaysayan ng ating bansa ay mas higit ko pang nauunawaan ang istorya at naratiba kung bakit naging pambansang bayani si Jose Rizal at kung bakit mahalaga na maintindihan at malaman ang mga naganap sa kanyang buhay maging ang kanyang mga akda. Dahil dito nanatiling bukas ang aking isipan sa mga impormasyon na higit pang magpapakilala saakin kay Dr. Jose Rizal na ating pambansang bayani.

Marahil ay karamihan sa atin ay nakilala si Rizal bilang ang pambasang bayani ng Pilipinas. Bata pa lamang tayo,  nakasulat na sa mga libro at itinuturo na sa ating mga paaralan ang napakahalagang ambag ni Jose Rizal sa pagkamit ng kasarinlan ng ating bansa mula sa mga Kastila.

Kamakailan lamang ay may napanood akong debate ng mga mag-aaral na hayskul kung bakit nga ba si Rizal ang pambansang bayani at hindi si Andres Bonifacio. Parang kailan lang nang isa ako sa mga mag-aaral na iyon. At sa mga ganoong talastasan ko mas nakilala si Rizal.

Subalit mahigit limang taon na din magmula nang pag-aralan ko ang mga sikat na akda ni Rizal: Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Bilang isang alagad ng panitikan, aking pinagpupugayan ang pagsisikap ni Rizal na imulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa tunay na layunin ng mga Kastila sa Pilipinas.

Nang dahil si Rizal ay isang "diplomat", ang kanyang talino at kagalingan sa pagsulat ang kanyang naging armas upang ipaglaban ang karapatan at kalayaan ng bansa. Tulad ni Rizal, ako ay isa ring mag-aaral at tagasulat ng mga akdang-panitikan. Ngunit sa politikal na klima sa kasalukuyan, hindi na lamang sapat ang parlyamentaryong pakikipaglaban para sa demokrasya.

Sa pamamagitan ng kursong ito, ninanais kong mas matutunan pa ang buhay ni Rizal at upang mas mabigyang-linaw sa akin kung bakit lubos na kinikilala si Rizal bilang ang pambansang bayani ng bansa.

Sino nga ba si Rizal para sa akin?
Maraming pumapasok sa aking isipan habang isinusulat ito. Ilan lamang dito ay ang mga sumusunod:

1. Siya ang bayaning binaril sa Bagumbayan kung saan itinayo ang kanyang estatwa na ngayon ay mas kilala  bilang Luneta.
2. Siya ang tao sa piso.
3. Pambansang bayani ng Pilipinas na gumamit ng papel at pluma imbes na dahas upang magrebolusyon para sa kalayaan ng bansa. (Ito ay ayon sa kasaysayang itinuro na sa atin mula pa elementarya.
4. Noli Me Tangere at El Filibisuterismo, dalawa sa mga librong kanyang isinulat at nailimbag.
5. May mga iba't-ibang grupo na naitatag ang kanyang mga tagasunod na tinatawag bilang mga Rizalista.

Ipinanganak mula sa isang mayamang pamilya sa Calamba, Laguna. Siya ay nagpamalas ng pambihirang katalinuhan sa murang edad. Nag-aral at nakapagtapos sa Ateneo Municipal at Unibersidad ng Santo Tomas. Nag-aral ng medisina upang magamot ang mga mata ng kanyang ina. Nag-aral at nanirahan sa ilang ga bansa sa Europa sa tulong ng kanyang nakatatandang kuya na si Protacio.

Doon, naisulat at naipalimbag ang dalawa sa kanyang mga nobela, ang Noli Me tangere at El Filibusterismo kung saan niya inilahad ang iba't-ibang aspeto ng kalagayan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang Espanyol. Ito ay naglalaman ng nag-aalab na poot at nag-aalab na kagustuhan ng mga Pilipino na ipaglaban ang Pilipinas.

Nang malaman ito ng mga Espanyol ay ipinatapon siya sa Dapitan kung saan siya ay ikinulong hanggang sa patawan ng sintensyang kamtayan sa pamamagitan ng firing squad sa Bagumbayan.

Sa kasalukuyang panahon, ang kanyang buhay at mga gawa ay itunuturo mula elementarya hanggang sa kolehiyo. Kasabay nito ay ang pag-usbong ng mga argumento at debate kung siya ba talaga ang karapat-dapat na maging pambansang bayani. Higit sa lahat marami rin ang mababasang conspiracy theories tungkol sa kanya.

Kakaunti lamang at mababaw ang mga kaalaman ko tungkol sa kanya. Hindi ko pa siya kilala nang lubos at hindi ko pa masasabi kung sino siya para sa akin. Umaasa ako na sapamamagitan ng kursong ito ay mas lumalim pa ang aking pagkakaintindi sa naging buhay at mga gawa ni Rizal. Higit sa lahat, magkaroon ako ng mas malalim na kaalaman sa isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas na kanyang ibinahagi sa kanyang mga nobela. Sa panahon na iyon, marahil ay sigurado na ako kung sino siya para sa akin.

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."
Sino ba naman ang hindi makaaalam sa pamosong sawikaing ito na binigkas ni Rizal? Naisama pa nga ito sa kantang Ako'y  Pinoy ni De Leon Florante. Ang kanyang buong pangalan? Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. Sino rin ba ang makalilimot dito yamang hindi ito nawawala sa mga quiz bee noong hayskul. Mula elementarya, ipinakilala na siya sa atin bilang ang pambansang bayani. Isa siyang matalinong tao, doktor sa mata, at nakaaalam ng iba't ibang wika sa loob at labas man ng bansa. Awtor ng tanyag na nobelang may pamagat na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang kanyang sandata upang maipaglaban ang kanyang mga layunin ay pluma imbes na patalim.

Alam kong malaki ang impluwensiya ni Rizal sa tinatamasa nating kalayaan ngayon at nais ko pang makaalam ng higit tungkol doon sa pamamagitan ng kursong ito.