Sanaysay by John Timothy M. Depone

Araw ng Kalayaan
Ang Araw ng Kalayaan ay idineklara noong Hunyo 12, 1898. Idineklara ito sa bahay ni Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ito ay makasaysayang pagpapahayag sa pagsasarili ng Pilipinas hinggil sa pananakop ng Espanya. Dahil dito, ipinagdiriwang ito alang-alang sa nasyonalismo o pagkamakabansa. Dagdag pa, ito ay paggunita sa paghihirap, pag-ibig at pagbuwis ng buhay ng mga bayaning Pilipino na lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas. Dito rin kinikilala ang mga bayani na nagbigay daan para sa kalayaan ng Pilipinas, at itanyag ang ating pagka-Pilipino sa buong mundo.

Dagdag pa, ang unang watawat ng Pilipinas ay tinahi sa Hong Kong. Ito ay tinahi nina Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herboza. Ang tatlong bituin sa watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Ang kulay bughaw o asul sa watwat ay sumisimbolo sa kapayapaan at katarungan, habang ang kulay pula ay simusimbolo ng katapangan. Ang kulay puting tatsulok naman ay simusimbolo sa pagkakapantay-pantay at kapatiran. Ang walong lalawigang unang lumaban sa mga Espanyol ay isinisimbolo ang Walong Sinag ng araw. Ito ay ang Manila, Bulacan, Pampanga, Cavite, Batangas, Laguna, Tarlac, at Nueva Ecija.